CHAPTER FORTY FOUR
Nagsusuklay ako sa harap ng salamin na mayroon ang kwarto na 'to. Katatapos ko lang maligo at mag-bihis. Kinakabahan ako para sa magiging pag-uusap namin ni Raymart. Siya na ang kinilalang ama ng kambal at alam kong sa gagawin ko mamaya ay maguguluhan lamang sila, but if I do not speak to him now, when will I have the courage to do so? Ngayon pa at napagtanto ko na si Burnnon pala talaga ang mahal ko.
"Mind sharing your thoughts with me?"
Napatingin ako sa salamin ng yakapin ako ni Burnnon mula sa likuran. Basa pa ang kanyang buhok at malayang nagsisituluan ang mga butil ng tubig mula sa gilid ng kanyang noo pababa sa kanyang leeg. Wala pa siyang pang-itaas na damit dahil ramdam ko ang mainit niyang dibdib sa aking likuran.
Isinandal ko ang pisngi ko sa kanya ng yumuko siya upang mag-pantay kami. Amoy na amoy ko sa ganito kalapit na posisyon namin ang aftershave niyang sobrang bango. Lalaking lalaki at hindi pagsasawaan amuyin basta ba si Burnnon ang gumamit. Napabuntong hininga ako ng isang beses at hinalikan ang kanyang pisngi. Since I realized that I love Burnnon it's like I always want to hug him or kiss him. Nagiging clingy na ba 'ko?
"Wala naman, iniisip ko lang si Raymart."
Kaagad siyang bumusangot at umismid. Natatawang nagbaling ako sa kanya ng tingin.
"Why are you thinking of him? People who lie like him are not worth of your time."
I hold his cheek and pouted a bit. Kaagad naman siyang sumunggab ng halik at bumalik din sa kanyang pwesto kanina.
"Wala lang, naiisip ko kasi kung anong kahihinatnan ng pakikipag-usap natin sa kanya. Do you think he will agree on us?"
He gave small kisses from the tip of my ear down to my nape. I just stared at him in the mirror in front of us. If I hadn't shaken him a little he wouldn't have stopped.
"Hmmm?"
Nakatingin pa rin siya gilid ng aking leeg habang masuyo niyang dinidilaan ang kanyang pang-ibabang labi. I just rolled my eyes at him.
"Burnnon, ang sabi ko, tingin mo ba ay papayag siya sa sasabihin natin mamaya?"
Ngumuso siya at tumingin sa akin. He shrugged his shoulder and hug me tight from behind.
"Pumayag man siya o hindi ay wala akong pakialam. Marami na siyang kasalanan sa'yo, sa pamilya natin. Kung hindi siya papayag ay hindi ko siya pipilitin."
Kumalas siya ng yakap sa akin at masuyong pinaharap ako sa kanya. Hinawakan niya ang balikat ko at ibinaba ang kanyang ulo upang magpantay kami ng maayos.
"Just promise me one thing."
"Ano 'yon?"
"Just stay by my side while the three of us talk. Hindi ka niya pwedeng hawakan dahil akin ka. Susunod si kuya Louigie at Tiger mamaya para kung maging gago 'yang importor mong asawa ay may katulong akong bumugbog sa kanya."
My eyes grew wider when he said his last sentence. Huwag naman na sanang aabot sa magkakasakitan sila.
"Burnnon, makikipag-away ka, yun ba ang sinasabi mo?"
Maangas siyang tumango at tuluyan ng lumayo upang makapagbihis.
"Jevren, anong bugbog 'yang nasa isip mo? Kailangan pa bang paabutin sa ganon? Hindi naman ibang tao si Raymart eh. Siya ang tumulong sa akin ng mga panahong kailangan ko ng tutulong sa amin ng kambal."
I don't want to bring up the past but I have no choice. Kinakabahan kasi ako kay Burn at baka totohanin niya ang sinasabi niyang bubugbugin niya si Raymart at talagang nagtawag pa siya ha?
BINABASA MO ANG
Begging For His Love(EDITING) (COMPLETED)
General FictionLikas na raw sa atin ang magmahal ng sobra. Kahit na alam nating masasaktan lang tayo sa huli ay sumisige pa rin tayo. Walang pakialam kung matalo ang mahalaga ay nakaramdam at naiparamdam natin ang pagmamahal natin. Amillianza Grace Echauz a woman...
