CHAPTER THIRTY FOUR
Pagkababa sa eroplano ay kaagad na nagreklamo ang kambal na sila ay gutom na. Ako rin, gutom na rin. Nang makalabas ng tuluyan sa airport ay nagpasiya kaming dumaan muna sa pinaka-malapit na mall para kumain. Pinadala na ni Raymart sa driver at isang babae na tingin ko ay ang magiging bago naming yaya ang mga gamit na dala namin. Sinabihan niyang unahin na dalhin muna ito dahil kakain pa kami. Inihatid muna kami ng driver sa mall at umalis na rin pagkatapos. Habang naglalakad sa mall ay panay ang reklamo ni Aia na sobrang init daw.
"Mommy! Can we go back to our home already? It's so hot here! Oh my gee! I'm sweating na oh! Look! Ewwie!"
Bainurn pulled out a white handkerchief from his pocket and wiped the sweat from Aia's forehead. Kahit na pawisan din si Bainurn ay mas inuna niya pa si Aia na punasan kaysa sa kanya. Aww, my baby boy is so sweet. Nilabas ko din sa maliit kong shoulder bag ang panyo na mayroon ako at ipinunas sa noo ng aking anak na lalaki. Nagulat ako ng biglang may magdampi din sa aking noo ng panyo. Ofcourse it was my husband, who's smiling widely at me while gently patting his handkerchief on my forehead.
"So, ako lang ang walang pinupunasan? I feel so useless! I'm out of here!"
Aia being a selosa and makulit daughter she is, walked away on us. Nagtawanan kaming tatlo nila Raymart at Bainurn dahil sa kanyang sinabi at ginawa.
Kumain kami sa isang chinese restaurant at gaya ng palaging nakakasanayan ay si Bainurn ulit ang umorder para sa amin. He ordered two bowls of fried noodles, two bowl of kung pao chicken, chinese dumplings, chinese egg rolls and peking duck. Nagulat ako sa dami ng inorder niya. I asked him why and all i got from him is a small smile.
"Mommy, can we buy a new toys? I want a new toys, mommy."
Aia suddenly spoke while I'm busy feeding his brother. Bainurn is a big boy now, but still he loves to be clingy sometimes. Simpleng pagpapasubo ang inilalambing niya kung minsan na masaya ko namang ginagawa. Si Bainurn kasi kung minsan ay napakatahimik at hindi mo alam ang naglalaro sa kaniyang isip kaya hirap na hirap akong basahin ang anak kong ito.
"Aia, marami ka pang toys remember? Bakit magpapabili ka na naman?"
Magsasalita na sana ako upang sagutin si Aia ng maunahan akong magsalita ni Bainurn. His tone was so serious kaagad na ngumuso ang kanyang kapatid at tumango na lamang. Nagtago ako ng ngiti sa pamamagitan ng pagkagat sa aking labi. Kapag ganitong kaseryoso si Bainurn ay tumitiklop kaagad si Aia.
Dahil pare-pareho kaming pagod ay nagpasiya na kaming umalis kaagad ng mall upang maka-uwi at makapagpahinga. Nauunang maglakad silang tatlo at nakasunod lamang ako sa kanilang likod. Kahit pagod ay kinarga pa rin ni Raymart ang dalawa at pinahiga sa kanyang balikat. I get my phone from my bag get a picture of them. I smiled widely when i browse on my phone and see that they are so cute on the pictures.
"Ay!"
Nagulat ako ng malaglag ang phone ko ng may makabungguan akong lalaki. Wearing a white hoodie, black shades and a white mask. Alam ko na lalaki ito lalo na at iba ang kanyang pabango at hindi basta basta. Kinuha niya ang phone ko sa sahig at ibinigay sa akin. I thanked him for that and ready to follow my husband and children when he grabbed my arms and hugged me. Wait, what the heck is he doing?! Bakit siya nangyayakap?!
"Ami..."
"Who are you?! Let me go! Ano ba kuya! I said let me go!"
Imbes na pakinggan ako ay nagulat na lamang ako ng tinakpan niya ang aking bibig at hinila sa isang bukas na kwarto na hindi ko naman alam kung saan at ano ito. When he had a chance to put me inside the room he immediately locked the door and switch the light open. Kinakabahan ako sa kung papaano niya ko titigan na kahit nakasuot siya ng shades ay alam ko ang lalim ng tingin niya sa akin. I tried to pushed him but he's too strong. Ayaw niya kong pakawalan at ipinirmi na lamang sa pamamagitan ng paghawak ng aking balikat at patinginin ako sa kanya. His smell was familiar na para bang matagal ko nang alam ang amoy ng kanyang pabango.
BINABASA MO ANG
Begging For His Love(EDITING) (COMPLETED)
General FictionLikas na raw sa atin ang magmahal ng sobra. Kahit na alam nating masasaktan lang tayo sa huli ay sumisige pa rin tayo. Walang pakialam kung matalo ang mahalaga ay nakaramdam at naiparamdam natin ang pagmamahal natin. Amillianza Grace Echauz a woman...
