CHAPTER FOUR
Iniwan ko sa factory ang kotse ko dahil tinatamad akong mag-drive. Mabuti na lang at nag-offer si Louigie na kotse niya na lang ang gamitin. Dala-dala ni Louigie ang paperbag na naglalaman ng stuff toy na ibibigay niya kay Amirn. Nakangiti pa nga siya ng sobra at mukhang excited makita ang bata. 'Di ko maiwasang isipin na sana gan'on din si Burn pagdating kay Amirn, 'yong bang excited siyang makita yung bata, ang saya lang siguro nang ganun.
I saw amirn running towards on our direction. Her three buttons is open, malamang ay natanggal sa kalikutan niya kanina. Sinalubong ko siya ng yakap at ramdam kong pawisan ang likod niya.
Nakita kong iniabot sa akin ni manang Edna ang bimpo at ipinunas ko naman agad ito sa likod ni Ami. Ang kaso hindi pa 'ko tapos magpunas ng kanyang likod ay tumakbo na agad siya at palundag-lundag na nagpunta sa pwesto ni Louigie.
Ngiting ngiti si Amirn ng ibinigay sa kan'ya ang paperbag. Dinamba niya ng yakap si Louigie na tinawanan lamang nito at yumakap pabalik. Hindi ko mapigilang ngumit sa nakita, ang cute nilang tignan but I bet na mas cute sanang tignan kung si Burn yung yakap ni Amirn.
"Mommy! Look oh! Ang ganda ng stuffie! She's so cute! Just like me!"
She giggled and hug the stuff toy. Tuwang tuwa pa siyang umikot-ikot kasama ang kanyang bagong stuff toy.
"Anong sasabihin mo kay tito Louigie?"
I scooped her in my arms and kiss her chin. She giggled because of that. Habang karga ko siya ay humarap siya kay Louigie.
"Titow! Thank you po ng many! Buti ka po love ako at nibibigyan ako ng stuffie, si daddy monster po kasi hindi eh."
Nagulat ako sa biglang sinabi ni Amirn. Iniharap ko siya sa akin at papagalitan na sana ng hawakan ni Louigie ang braso ko.
"Ami, it's okay. Wag mo ng pagalitan. She's just a kid."
I sighed on what he said.
Ako ang nasasaktan para kay Burn. Kung bakit ayun ang nasabi ni Amirn ay lubos kong kinababahala. Ganun ba talaga kasama ang tingin niya sa kan'yang ama? Mabait naman si Burn, 'yon nga lang ay kung minsan o madalas ay mainitin ang kan'yang ulo.
Kinuha ni Louigie si Amirn at kinarga. Sumubsob naman agad sa leeg ni Louigie si Amirn, muntik pang mabitawan ang stuff toy niya.
"Hmmm! Bango bango naman po! Can I live here?"
Inosenteng tanong ni Amirn na nakapagpatawa sa aming dalawa ni Louigie. Hinalikan niya sa pisngi si Amirn na ginaya din naman ni Amirn. Hindi talaga papatalo 'tong batang 'to.
Nang makasakay sa kotse ay puro lang daldal ng kung ano-ano si Amirn. Ipinakita niya pa ang limang stars na nasa kamay niya. Tawa siya nang tawa sa tuwing hahalikan siya ni Louigie. Kung si Louigie kaya ang pinakasalan ko? Magiging ganito kaayos at kaganda kaya ang buhay ni Amirn?
"Dito na tayo."
Nakangiting sabi ni Louigie at tinanggal ang seatbelt ni Amirn. Tuwang tuwang yumakap naman ang bata sa kanyang leeg at nagpabuhat.
"Pasok ka muna sa loob, Louigie. Kahit juice lang bilang pasasalamat."
I smiled at him and he nodded.
Pagkapasok namin sa loob ay laking gulat ko ng madatnan ko sa sala si Burn. May hawak na shot glass at may bukas na alak sa lamesa. Nag-angat siya ng tingin sa amin nila Louigie at nagulat ako ng bigla niyang hinagis ang baso sa sahig, basag at nagkalat agad ang bubog.
"Manang, pakidala po muna sa kwarto ko si Amirn, please."
Pakikisuyo ko kay manang Edna. Kaagad naman siyang sumunod at ako, si Louigie at Burn na lang ang naiwan sa sala.
BINABASA MO ANG
Begging For His Love(EDITING) (COMPLETED)
Ficção GeralLikas na raw sa atin ang magmahal ng sobra. Kahit na alam nating masasaktan lang tayo sa huli ay sumisige pa rin tayo. Walang pakialam kung matalo ang mahalaga ay nakaramdam at naiparamdam natin ang pagmamahal natin. Amillianza Grace Echauz a woman...