Chapter Two

1.1K 36 14
                                        

CHAPTER TWO

"My, ingat ka sa opish mo po ah? If something bad happened don't hesitate to call the police! 911 mommy!"

She said while I was busy putting her seatbelt on. Natatawa ko siyang hinalikan sa noo na agad niya ring ginaya.

Amirn is just four years old but she's so intelligent. Parang siya pa ang matanda sa aming dalawa sa mga paalala niya sa akin sa araw-araw. Nagpatuloy ako sa pagdadrive ng mahagip ko ang kotse ni Burn na papasok sa isang hotel parking lot. Tandang tanda ko ang plaka ng kotse niya kaya hindi ako pwedeng magkamali. I turn right and decided to follow where he was going. After parking my car, I glanced at my daughter and tell that I am going to meet someone. She just nodded and pouted her lips waiting for me to kiss her.

Iniwan ko si Ami sa kotse pero sinigurado ko na hindi nakapatay ang aircon. I was hesitant to leave my daughter but I was left no choice. I need to see if Burn is still doing it. If he's still the playboy that I married.

Nagtanong ako sa receptionist kung anong room ni Burn, pahirapan pa nung una kung hindi ko lamang siya sinuhulan ng pera ay hindi niya pa ibibigay ang room number nito.

Room 64, third floor. Habang hinihintay kong makarating sa floor ay 'di ko maiwasang hindi kabahan. Oo, naglalasing nang paulit-ulit si Burnnon pero ang alam ko simula ng ikasal kami ay hindi na siya nambabae pa.

I exhaled a breathe when I see that I am now infront of room 64. Inilagay ko ang susi at agad naman itong nagbukas. Habang papasok ay pinagpapawisan ako nang malamig.

May naririnig akong mga halinghing sa isang kwarto kaya hindi na 'ko nag-atubili na puntahan ito. Pagkabukas ng pinto ay halos matumba ako sa aking nakita. Burnnon lying on the bed, naked, close eyes at mukhang sarap na sarap sa ginagawang pagkain sa kanya ng babaeng kagaya niya ay hubad na rin.

Nanginginig ako sa galit sa kababuyan nila! I thought hindi niya na 'to magagawa! For fuck's sake may anak na kami! Kahit hindi na ako yung mahalin basta wag lang akong lokohin!

Tumakbo ako sa kanilang direksyon at walang ano ano na hinila ang buhok ng babaeng nakaluhod sa kanyang harapan. Napasigaw naman ito dahil sa gulat ng bigla kong pagsulpot. Habang si Burn ay agad na napamulat at napamura ng makitang sinasabunutan ko na ang babaeng nagpapaligaya sa kanya kanina.

"Mga hayop kayo! Baboy! At ikaw babae?! Masarap?! Masarap ba ang asawa ko?! Mga walanghiya!"

Sigaw ko sa babae at patuloy siyang sinasabunutan. My grip on her hair tightened that results her to shout because of pain, but I don't care! Alam ba niya na may asawa na 'tong kinakain niya?! May pamilyang tao 'tong nilalandi niya!

"Putangina, Ami! Ano bang ginagawa mo rito?!"

Burnnon shouted while wearing his boxer shorts. Hindi ko siya pinansin at patuloy sa pagsabunot sa babae, sinampal ko rin siya ng ilang beses at balak na sanang suntukin ng hinablot ni Burn ang aking braso at pabalya niya 'kong tinulak sa sahig. Dinaluhan niya ang kanyang babae at tinanong kung ayos lang ba 'to. Great! Ako 'yong asawa pero ako 'yong naichapwera!

"Sweetie, are you okay?"

Malambing ang pagkakasabi niya sa babae niya. Pero kapag sa akin ay wala siyang kalambing lambing?!

Umiiyak na umiling naman ang babae at yumakap sa kanya. How dare her hug my husband!

"Burnnon! I am your wife! Bakit siya yung inaalala mo?!" Nahihirapang sigaw ko.

Naguumpisa ng mamasa ang mga mata ko. No, not now please. The last thing that I want to happen is to cry infront of them.

"What are you doing here, bitch?! Sinabi ko bang sundan mo ko dito?! Putangina naman!"

"Burn, asawa mo 'ko! Hindi kaibigan lang! Ipapaalala ko lang sa'yo na kasal tayong dalawa!"

I shouted back at him. Napapaos na 'ko kakasigaw pero kaya ko pa. Kung 'eto lang ang paraan para marealize niya na mali yung ginagawa niya kahit mapaos ako ay okay lang.

"Fuck! Sa papel lang tayo kasal! Pwede ba?! I don't want to hear your drama! Get out!" aniya at inilalayan ang babae niyang paupo sa kama at dumalo naman sa akin at hinila ako palabas ng kwarto nila.

Pabalya niya 'kong itinulak malapit sa pinto ng kanilang kwarto na nag-resulta upang mapa-upo ako. Tinitigan ko siya at hindi na maiwasang mapaluha. I cried not because of his sudden move but because of the pain that I am feeling right now. Gaya ng palagi kong ginagawa sa tuwing sinasaktan niya 'ko ay inayos ko ang mga tuhod ko at itinapat sa direksyon niya.

"Burn, please naman. Bakit ba ayaw mo 'kong mahalin? Ilang taon na tayong kasal. May anak na rin tayo. Please, love me. I am begging you." Nakatungong saad ko.

Narinig ko siyang bumuntong hininga at tumigil sa harap ko. Seeing his feet infront of me gives me hope. Baka kasi natauhan na siya, na baka naisip niya na pwede niya 'kong mahalin kahit pilit. Hindi na 'ko magrereklamo kahit konting pagmamahal lang basta galing sa kan'ya ay malugod ko itong tatanggapin.

Hinaplos niya ang pisngi kong may luha,  inangat ang baba ko at nagulat ako ng bigla niyang pinisil ang dalawang pisngi ko. I tried to fight on his grip but he's too strong!

"B-Burn! M-Masakit!" naiiyak na sabi ko, ngunit parang wala lang sa kan'ya at sinamaan ako ng tingin.

"Makulit ka talaga?! Hinding hindi kita mamahalin! Kayo ng pamilya mo ang dahilan kung bakit namatay ang kaisa-isang taong nakakaintindi sa akin! Tingin mo gusto kong magpakasal sa'yo? Mangarap ka! Kahit lumuha ka pa ng dugo ay hinding hindi kita mamahalin!"

Galit na aniya at dinuraan ako sa mukha. Sa tuwing dinuduraan niya 'ko ay wala akong magawa kundi maawa sa sarili ko. Sa tuwing dinuduraan niya 'ko ay may parte sa'kin ang nababawas. Respeto sa sarili? Pagmamahal sa kan'ya? Nah, masyado ko siyang mahal para mabawasan ang nararamdaman ko sa kan'ya ng ganun ganun na lang.

Bumalik siya sa kanilang kwarto at naiwan akong nakasalampak sa sahig habang tahimik na lumuluha. Makalipas ang ilang minuto ay napag-pasiyahan ko ng tumayo at umalis. One last glance at their room and I started walking out. Habang naglalakad ay may mga napapatingin sa akin dahil sa aking itsura.

I can't blame them. A woman wearing a corporate attire, has a smudge make-up and a little bit ruined hair. Sinong 'di magtataka na makakita ng isang babaeng umiiyak na may maayos sanang pustura kung hindi lamang nakipag-away sa babae ng kanyang asawa.

Mugto ang aking mga mata ng makabalik sa parking lot. Nakita ko agad si Ami na nakatayo malapit sa kotse at lumilinga-linga sa kan'yang paligid. I exhale a breathe and continue walking towards at her direction. She meet me halfway and her brows meet immediately.

Nang mabuhat ko siya ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinaplos ang aking mata ng paulit-ulit.

"My, sino umaway sa'yo? Why did you cry?"

Inosenteng tanong ni ami. Parang naiiyak naman tuloy ulit ako. Ako kasi 'yong tipo ng tao na tanungin mo kung ayos lang ay maiiyak na agad at hahanap ng kakampi. But I couldn't cry infront of my daughter dahil maguguluhan at mag-aalala lang siya.

Ayoko siyang mag-alala sa akin dahil masyado pa siyang bata. Hangga't kaya ko hinding hindi ko hahayaang malaman ni Ami lahat ng nangyayari sa akin at sa kan'yang ama.

Nang makapasok sa kotse ay agad kong inayos ang kan'yang seatbelt. Tanging pag-ngiti lamang ang nagiging sagot ko kay Amirn. Ayokong magsinungaling sa kan'ya kaya hindi ko na lamang siya sinasagot.

Nang makarating sa school ni Amirn ay agad siyang nagtatatalon at mukhang masaya. Mabuti naman at nakalimutan na niya agad yung nangyari kanina.

"My, thanks for the ride! I love you mommy! Mommy love kita! Amirn Grace loves you so much mommy! Mwa!"

She exclaimed her famous line. Nginitian ko siya ng matamis at hinalikan sa labi. Humagikhik naman siya at niyakap ako.

Nang makapasok sa kanyang classroom ay nagpaalam na rin ako sa kanya. Bago makalagpas sa kanilang classroom ay tinawag niya 'ko. Agad ko naman siyang nilingon at nakitang nakabungisngis siya.

"My! Don't forget po! 911!"

She reminded me before laughing and headed to her seat and winked at me. Napatawa ako ng mahina sa kanyang inasta. Kung wala lang akong trabaho sa opisina ay baka mas pinili kong iuwi na lang ang anak ko at yakapin buong mag-hapon.

Begging For His Love(EDITING) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon