CHAPTER NINE
I woke up feeling sick because of what happened last night. I was about to get up when I felt that there's something on my stomach. I saw an arm slightly wrapping around my waist. Kita ko ang iilang ugat na mas na-depina ng gumalaw siya ng kaunti. I heard him groaned and I thought magigising na siya but I'm wrong.
Umusog ako ng kaunti upang mas masilayan ang kaniyang mukha. With his lips slightly open I could smell his minty breathe. Hindi ko mapigilang hindi tumitig ng matagal. Sobrang kinis ng kaniyang mukha na mahihiya ka na lang talaga kapag ito'y iyong natitigan. Ang matangos niyang ilong na mas nagpapa-gwapo sa kaniya. Makakapal na pilikmata na dinaig pa ang akin. Napansin ko ring may kaunti na siyang balbas na mas nagbigay sa kaniya ng ibang kagwapuhan.
Kailan ko nga ba siya huling natitigan ng ganito? Sobrang lapit ko sa kaniya na para bang panaginip lamang ito. I caress his sharp jaw. Naluluha ko siyang tinignan, para akong sasabog sa saya dahil muli ko siyang nahagkan ng ganito. Ang tagal tagal na noong huli ko siyang nakasama ng ganito kalapit.
I was about to give him a peck on his lips but the door suddenly open. I heard Amirn screaming my name and that was the time that Burn open his eyes. Napa-layo agad ako sa kaniya ng bigla niya 'kong hinila pabalik at sumubsob sa aking leeg. My eyes went wide and my heart starts beating so fast. O-Okay? What's happening?
"My! My! Good morning! Ha? Who's this guy, my?" Sumampa sa aking kama si Amirn at dahil maliit siya ay hindi siya tuluyang naka-patong. Burn buried his face on my neck again, mas madiin at mas mahigpit. My throat went dry when I feel his breathe on my skin.
"A-Anak, this is your daddy."
Nanlaki ang mga mata ni Amirn at agad na pinag-hahampas ang likuran ni Burnnon.
"Don't hug my mother! Ah! You're a monster! Shoo! Alis mo yakap mo sa mommy ko! Alis!"
Gusto ko sana siyang pigilan pero hindi ako makagalaw. Ayaw akong pakawalan ni Burn at hindi ko alam kung kakalasin ko ba ng pwersahan ang yakap niya at sasawayin si Amirn o mananatali sa ganitong posisyon at hayaan na lang si Amirn na mabugbog ang kanyang likod? Masarap kaso ang kanyang yakap. Amillianza, ano ba 'yan!
"Baby, stop hitting your daddy! Amirn Grace! One!"
She stop immediately and pouted.
"My, bakit ka payag yakap ikaw ng monster?"
Napahinga ng malalim sa aking leeg si Burn at hindi ko alam kung papaano sasagutin ang anak ko.
"Amirn, stop calling your father a monster. Nagagalit na 'ko."
I sigh and try to move away from Burn. Pinagbigyan naman niya 'ko at sumubsob na lamang sa unan. I saw Amirn crossed her arms on her chest and rolled her eyes.
"No, mommy! Monster siya! Ayaw ko talaga sa kanya! C'mon mommy! Tayo na ikaw. Nagluto na si Manang Edna ng foods!"
Hinila niya 'ko upang makatayo at maisama sa kaniya palabas ng kwarto. Tinignan ko si Burn at akmang aayain na rin siya bumaba ng umiling siya.
"Go on, maliligo muna ako,"
Nahihiyang tumango naman ako at sumama na kay Amirn.
Umupo si Amirn sa upuan pero dahil masyado siyang maliit ay kinailangan ko siyang karagahin.
"What do you want?"
"I want bacon, hotdog, egg, rice, milk, and all of these!" naka-lahad ang kaniyang dalawang kamay at malawak na naka-ngiti sa mga pagkain. Natawa naman ako at binigyan siya ng halik sa labi.
Sinusubuan ko si Amirn ng pumasok naman sa kusina si Burn. Tumutulo ang tubig sa kanyang leeg pababa sa kaniyang dibdib at eight pack abs. I gulped and bit my lip. Mukha kanin na lang ang kailangan ko dahil ang ulam ay nasa harapan ko na mismo. Tanging boxer shorts lang ang kaniyang suot at mukhang ang bango bango niya.
"Uuwi sila lolo at lola, Ami."
Napa-angat ako ng tinigin kay Burn at nakitang may multong ngisi sa kaniyang labi. I cleared my throat and straighten my back. Nag-iwas ako ng tingin at sinubuan na lang muli si Amirn.
Kaya naman pala siya sweet sa akin kanina, may pa-yakap yakap pa siyang nalalaman at pagtabi sa akin sa pag-tulog. Iyon naman pala ay dahil uuwi ang lola at lolo niya. Tuwing umuuwi kasi ang kaniyang lolo at lola ay kinakailangan naming magpanggap na ayos kami. Lola Meda was the one who help us get married. Nang malaman niyang anak ako ni papa ay walang pagdadalawang isip niya kaming inarrange ni Burn na pabor na pabor naman sa akin dahil simula pagkabata ay gustong gusto ko na siyang maging asawa.
"My, gramie and grandie will be here? Kelan po?" Mahina niyang tanong sa akin pagkatapos kong maisubo ang kanin sa kaniya.
"I don't know, honey. Why don't you ask your dad kung kelan sila uuwi?" Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Amirn sa sinabi ko. Uminom siya sa kaniyang baso at umiling na lamang.
"Wag na po pala, my. Intayin ko na lang po sila kung kelan sila uuwi." She pouted and eat her food again. This time ay hinayaan ko siyang subuan ang kaniyang sarili.
Tumayo naman ako at ipinaghanda ng kape si Burnnon. Pagkatapos nito ay naglagay din ako ng kanin, hotdog at bacon sa kaniyang plato.
"Amillianza, I want you to act like a real and kind wife infront of my grandparents."
So, that's the reason why he's extra sweet kanina kasi gusto na naman niya 'kong magpanggap sa harap ng grandparents niya. I just nodded at him and start eating my own food.
Act like a real and kind wife? Bakit? Hindi niya ba 'ko totoong asawa? Kind? Masama ba 'ko sa kanya? Hindi ko maintindihan kung bakit gan'yan siyang magsalita.
"Uuwi sila mamaya. Susunduin ko sila sa airport at didiretso agad dito para makapagpahinga sila. May shoot ako mamayang alas-singko kaya hindi ko sila masasamahan ng matagal." Tango lang ang sinasagot ko sa kaniyang mga sinasabi. Nawalan na rin ako ng ganang kumain dahil sa ideyang kaya niya lang ako nilambing kanina ay dahil may pabor na naman siyang gusto niyang gawin ko. Ako naman 'tong uto-uto ay gagawin rin, wala eh mahal ko talaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/228099734-288-k632694.jpg)
BINABASA MO ANG
Begging For His Love(EDITING) (COMPLETED)
Ficção GeralLikas na raw sa atin ang magmahal ng sobra. Kahit na alam nating masasaktan lang tayo sa huli ay sumisige pa rin tayo. Walang pakialam kung matalo ang mahalaga ay nakaramdam at naiparamdam natin ang pagmamahal natin. Amillianza Grace Echauz a woman...