Yepsie triple update for today! Pambawi sa matagal na hindi ako nakapag-update! Ingat kayo palagi! Mwaps!
CHAPTER FORTY EIGHT
It's been a month since I last visited a hospital. Hindi ko na ginawa dahil sa takot ng malaman kong buntis ako. Oo, nagbunga ang iilang beses na may nangyari sa amin ni Burnnon. Hindi ko inasahan na muli akong magdadalang tao lalo pa at sariwa pa sa akin ang pagkawala ni Amirn. Walang araw na hindi ko naisip kung kamusta na ba siya o kung nakakain na ba siya ngunit sino ba ang niloko ko? My baby was now in heaven. Walang sakit at pighati kundi puro kasiyahan lamang.
"Anak, nasaan ka na naman ba nagpunta? Kanina ka pa hinahanap ng lolo mo."
Upon entering at the door, I saw manang Edna holding a white tiny cloth. Mukhang naglilinis siya ng bahay at may pinupunasan.
"Hi, manang! Naglakad lakad lang po ako para naman kahit papaano ay maka-pamasyal na rin po ako kahit dyan lang."
Ibinaba niya ang telang hawak niya at lumapit sa akin. He held both of my hands and gave me a smile.
"Sa susunod ay magsasabi ka lalo pa ngayon na buntis ka. Sasamahan kita kung saan ka ulit pupunta, okay? Hindi pwedeng humindi ka, Amillianza."
Nginitian ko si manang at tumango. Nagpatuloy siya sa pagpupunas niya at ako namannay dumiretso sa kusina onky to see lolo talking to his friend, Raymart.
"Goodmorning, Ami!"
He smiled at me beautifully. Naka-suot siya ng black na t-shirt na may naka-imprintang 'Dr.' sa gitnang bahagi nito. Ngumiti lang din ako sa kanya at tumango. Pumunta ako sa pwesto ni lolo at hinalikan siya sa pisngi.
"Ang aga mo na namang nawala, saan ka ba pumunta, apo?"
Niyakap ko siya sa likuran at umiling. I love him so much lalo pa at nalaman kong namatay si lola last last month at hindi ko man lang naabutan ang pagpapalibing sa kanya. I admire my lolo because he stayed strong kahit na nawala ang pinaka-mamahal niya.
"Naglakad lang po sa labas."
"Amillianza, kumain ka na ba? I brought some foods baka magustuhan mo."
Aligagang tumayo si Raymart at kumuha ng plato at kutsara. Kahit na hindi pa naman talaga ako gutom dahil dumaan ako sa isang restaurant bago umuwi ay minabuti ko na lamang din na kumain. Nakakahiya kasi siyang tanggihan lalo pa at kaibigan siya ni lolo.
"Your grandfather mentioned that you were pregnant. Do you have plans to tell the child's father about your condition?"
Naibaba ko ang kutsarang hawak ko at tumingin kay lolo. He looks so awkward and he easily ignored my eyes.
"I don't have any plans."
Mukha naman siyang nabuhayan ng loob at umaliwalas ang kanyang mukha o ako lang talaga ang nakakapansin?
"That's good! Ami, if you don't mind I can be the father of your kid."
I coughed a little after hearing what he said. Is he seriously saying those words? Sino ba siya sa akala niya?
"Who are you to offer that? We don't know each other personally and I can raise my kid alone. I don't need someone to help me with it."
Ibinaba ko ang kutsara at nagpaalam sa kanilang aakyat na sa aking kwarto. As I lay my body on the bed I can't help but to think of Burnnon. I still hate him but don't get me wrong ofcourse even though I hate him I still cares for him. Ngunit alam kong mali na kamustahin pa siya dahil hindi na dapat. Ako ang umalis kaya dapat ko 'tong panindigan. I just realized that I gave him so much love that I forgot to give it to myself too.
BINABASA MO ANG
Begging For His Love(EDITING) (COMPLETED)
Narrativa generaleLikas na raw sa atin ang magmahal ng sobra. Kahit na alam nating masasaktan lang tayo sa huli ay sumisige pa rin tayo. Walang pakialam kung matalo ang mahalaga ay nakaramdam at naiparamdam natin ang pagmamahal natin. Amillianza Grace Echauz a woman...