Chapter Thirty Three

543 18 11
                                    

CHAPTER THIRTY THREE

When we got home from company, Aia and Bainurn run immediately upstairs to changed their clothes. I sat on one of the sofa in the living room and get my phone from my pocket to put it on the coffee table.

"Anak, kamusta naman ang araw mo?"

Manang Edna is now infront of me. Hawak ang isang basahan habang pinupunasan ang coffee table sa aming harap.

"Kayo pala, manang. It was okay, i just encounter some problems on the company but i can manage."

She smiled and sat on the couch infront of me. Nginitian ko lang din siya at tinanguan. Hindi ko alam kung bakit niya ko tinititigan ng ganito. She sighed heavily and gave me a sad smile.

"Manang? Bakit mukha kayong malungkot? Napagalitan po ba kayo ni lolo Celio kaya ganyan kayo? You want me to talk to him?"

Kaagad siyang nag-iling ng ulo at iminuwestra ang kanyang kamay bilang pagtanggi.

"Ano ka ba, hindi ako napagalitan. M-May gusto sana akong itanong sayo, Amillianza."

"What is it, manang Edna?"

I offered her a small smile. Mukha kasi siyang hindi mapalagay sa kanyang upuan na sadyang ikinababahala ko.

"Paano kung may kailangan kang balikan? Babalikan mo pa ba kahit na nasaktan ka na niya noon o magpapatuloy ka na lamang sa kung anong meron ka sa ngayon?"

Napaisip din ako sa sinabi ni manang. Bakit biglaan naman 'ata ang mga tanong niyang ganito? Tsaka sinong kailangan kong balikan? Hindi ba't sila naman talaga ang pamilya ko kaya bakit niya ko tatanungin ng ganyan?

"Manang, ano ba namang klaseng tanong yan? Syempre hindi ko na babalikan kasi sabi mo nga nasaktan na ko. Ako pa naman po yung tipo ng tao na kapag nasaktan ng isang beses ay hindi na uulit pa."

Nagulat ako ng tumawa si manang sa aking sinabi. Mga ilang minuto din siyang hindi matigil kakatawa at kung hindi niya pa mapapansin na nakatingin ako ng seryoso sa kanya ay hindi siya titigil sa kakatawa niya.

"Manang, why are you laughing? Hindi naman ako nagbibiro ah."

"Hay, bata ka. Kung hindi talaga kita kilala ay paniniwalaan kita eh. Convincing yung sinabi mo, anak."

Ngumuso ako ng bahagya at pinanliitan si manang ng mata. Pinipilit niyang hindi na tumawa sa pamamagitan ng pagkagat ng kanyang labi. Nagpatuloy siya sa pagpupunas ng coffee table at lumipat din sa iba kalaunan.

"Anak, sana nga ay hindi mo na siya balikan. Ayaw na kitang muling makitang luhaan at nasasaktan ng dahil sa kanya. Huwag na sana, Amillianza."

She said those words with a serious but sad voice. Hindi ko narinig ng malinaw ang iba ngunit alam ko na may pinanghuhugutan ng malalim si manang. She really loves me and as much as possible i will do anything not to hurt her or disappoint her.

Nakarinig ako ng tawanan mula sa taas kaya agad akong nag-angat ng tingin at nakitang karga ni lolo Celio sa kanyang bisig si Aia habang hawak naman niya sa kabilang kamay si Bainurn. Mukhang nagkukwentuhan sila at masaya sa kanilang pinag-uusapan.

"Lolo, hindi ko naman po siya nilait like duh? You know that I'm so mabait kaya and she said that I'm ugly so i said that she's beautiful but sa dilim nga lang."

Mas lumakas ang halakhak ni lolo at kinurot ang pisngi ni Aia. Napangisi naman si Bainurn at napa-iling na lamang. Gustuhin ko mang sawayin ang aking anak sa kanyang sinabi ay alam ko naman na hindi siya mauunang mang-away sa kahit na sino unless siya ang inunahan. Hindi naman kasi salbahe ang kambal. Oo at minsan ay nagmamaldita si Aia pero alam naman niya kung kailan siya titigil at kung kailan siya hindi dapat mag-inarte.

Begging For His Love(EDITING) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon