CHAPTER THIRTY SIX
Anong oras na pero wala pa rin si Raymart. Sabi niya sakin uuwi siya ng ala-tres ng hapon pero hanggang ngayon na alas-syete nang gabi ay wala pa rin siya. Sinusubukan ko namang tawagan pero nakapatay yung phone niya.
"My! Uuwi po ba si dada today?"
Sigaw ni Aia sa sala habang nakikipaglaro kay yaya Pat. Nandito ako sa tapat ng pintuan incase na dumating si Raymart. Nag-aalala na kasi ako kung nasaan na ba 'yon at bakit hanggang ngayon ay wala pa. Lumapit ako sa kinaroroonan nila at tumabi kay Bainurn na as usual nagbabasa na naman. Hindi talaga mabitawan ang mga libro niya. He just give me a small smile when i kissed his cheeks.
"I don't know, baby but your dada wasn't answering my text and calls."
Natapos na lang ang pinapanuod na cartoons ni Aia at nakatulog na lang sa aking tabi si Bainurn ay wala pa rin si Raymart. Where are you dada?
"Mommy, Aia wants to sleep na. Karga na, mommy."
Gumegewang na lumapit sa akin si Aia para magpakarga. Nagpatulong ako kay yaya Patricia na iakyat si Bainurn habang ako naman ang may karga kay Aia. Ayoko na silang gisingin dahil halatang antok na antok na talaga sila. Inihiga namin sila sa malaking kama sa kwarto namin ni Raymart at salitan ko silang pinalitan ng damit.
"Ay!"
Napatingin ako kay yaya Patricia ng marinig na parang nagulat siya. Kahit antok na si Bainurn ay may lakas pa rin siyang tabigin ang kamay ni yaya. Napailing na lamang ako.
"Hmmm, don't want. You're not my mommy. A-Alis po."
Ungot ni Bainurn at kaagad na dumapa sa kama upang hindi na mabihisan. Mas binilisan ko na lamang ang pagbibihis kay Aia at kaagad na sinunod ang anak kong lalaki na ayaw pabihis sa iba.
"Hey, calm down. Si mommy 'to, wag mo 'kong tatabigin, baby."
Even though his eyes are closed he easily found my hand and kissed it. I just smiled at his tenderness. My son is quiet and always silent pero kapag ganitong naglalambing siya ay nakakalimutan kong mas maraming beses na tahimik siya at walang imik.
Tinanguan ko si yaya Pat ng magpaalam siyang lalabas na ng kwarto. Mas gusto ko sanang kasama namin si manang Edna pero wala naman kasing maiiwan para magbantay at mag-alaga kay lolo Celio. Matagal na kasing patay ang lola ko at simula ng mawala si lola pakiramdam ko kahit hindi magsabi si lolo ay alam ko na miss na miss na niya 'to. Palagi mang nakangiti at palabati si lolo Celio ay halata naman na sa araw araw na ginawa ng diyos ay naaalala niya pa rin si lola.
I arranged the twins lying on the bed and put the comforter up on their chest and kissed their both foreheads. Tumayo ako upang magpunta sa banyo at maligo. After taking a bath i decided to check my phone if Raymart has texted me while I'm at the comfort room. Hindi ko pa nahahawakan ito ng bigla na lamang tumunog. It's an unknown number.
"Hello? Who's this?"
"Baby..."
Inilayo ko sa aking tenga ang telepono ko at tinitigan ang screen. Teka? Unregistered number pero tinatawag akong baby? Baka drunk call? Baka nagkamali ng natawagan?
"Sorry but I'm not your baby. Sino ba 'to?"
The line went off and all I can do is to stared at my screen and do nothing. Nagkibit balikat na lamang ako at nag-umpisa ng magbihis.
Kinabukasan ay maaga pa lang ay naghahanda na ko para sa meeting na pupuntahan ko. Ibibilin ko sana ang kambal kay yaya Patricia pero pagkagising ko pa lang ay nagpaalam na agad siyang pupuntahan niya ang kanyang anak dahil ito ay nilalagnat. Wala naman akong nagawa at pinayagan na lamang siya lalo pa at halata sa kanyang mukha ang takot at pangamba. Wala pa rin si Raymart hanggang ngayon and I seriously not happy for what he's doing right now. Hindi nagtext o tumawag man lang para sana malaman ko kung buhay pa ba siya o patay na. Nakakainis ka, Raymart!
BINABASA MO ANG
Begging For His Love(EDITING) (COMPLETED)
Fiction généraleLikas na raw sa atin ang magmahal ng sobra. Kahit na alam nating masasaktan lang tayo sa huli ay sumisige pa rin tayo. Walang pakialam kung matalo ang mahalaga ay nakaramdam at naiparamdam natin ang pagmamahal natin. Amillianza Grace Echauz a woman...