Special Chapter One

462 16 7
                                    

SPECIAL CHAPTER ONE

This chapter is dedicated to ate, Micaela Francesca Añis. Happy happy birthday, ate! I hope you can read this as soon as possible. Wala kasi akong kahit anong ginawa para batiin ka kaya baka gg ka na charot! I love you ate! Thank you for always supporting me! Padayon, future lawyer!!

ENJOY READING MGA SES!!!

I put the onions and garlic on the pan at the same time. I am cooking sinangag for our breakfast. Hindi rin kasi talaga ako nakatulog ng maayos dahil iyak nang iyak si Brayzan kaninang madaling araw at wala akong nagawa kundi ang mag-puyat upang siya ay mapatahan. Apat na taong gulang na si Brayzan at hanggang ngayon ay napaka-iyakin niya pa rin. Ako lang naman ang palaging hinahanap at gustong nakikita kaya mahirap ang makagalaw ng maayos.

"M-Mommy..."

Kaagad akong napalingon ng marinig ko ang paos at medyo antok pang boses ni Amirn. Pinipilit niyang maka-akyat sa upuan ngunit masyado pa siyang maliit at hindi nakakayanan.

"Baby, ang aga mo namang nagising. Where is your ate Amaia?"

I carried her and put on the chair and make sure that I properly put the handmade seatbelt that Burnnon made for her and also for Brayzan.

"Antok pa 'ko, mommy,"

She sighed deeply and yawned.

"Then why did you go here? I'm making our breakfast, baby. May pasok pa mamaya si kuya Bain and your ate Aia."

Tinitigan niya ako at unti-unting ngumiti, nahihiya.

"I feel so cold on our bed. Wala ka na pag-wake up ko that's why I pushed myself to go here. I can't sleep without you, mommy."

And for the third time she yawned again. Smile crept on my lips after I heard her last words. Mama's girl talaga ang Amirn ko.

Tinapos ko muna ang pag-sangag ng kanin bago naghugas ng kamay at binuhat si Amirn upang dalhin muli sa kwarto. Maaga pa naman at tanghali pa ang klase ng kambal kaya patutulugin ko muna ulit ang bulinggit na ito. Pagkababa ko sa kan'ya sa kama ay hinila niya rin ako upang tabihan siya.

"Mommy, where's daddy?"

I gently tapped her shoulder and smiled at her.

"You're daddy needs to sleep over on his classmate, anak. You know they're busy doing their thesis."

Kumamot siya sa kan'yang ulo at humikab.

"T-Thesis? What is that, mommy?"

"Project ni daddy so he can graduate this year."

Bago ko maipanganak si Brayzan, Burnnon decided to go to school again. He is taking Bachelor of Business Administration or BBA. He really wants to take this course after gaving birth to our youngest. Hindi ko siya pinigilan at mas itinulak pa na mag-aral ulit. Graduate naman siya ng Architecture noon ngunit mas nahilig siya sa pagmomodelo kung kaya't hindi na ito napagtuunan ng pansin. He is planning to have his own modelling agency that's why he's studying again. Thesis na lang at kaunting pagpasa ng requirements ay makakapag-martsa na siya. Sobra akong humahanga sa kan'ya.

"Mommy, I love love you."

I gave her a smile and nodded my head. Nang maramdaman kong tulog na tulog na siya ay dumiretso naman ako agad sa banyo upang maligo. Naiba kasi ang klase ng kambal ngayon at naging pang-hapon. But this is just for today because of some emergency happened on their school this morning.

Pumasok ako sa kwarto ni Amaia at nakitang malapit na siyang mahulog sa kama.

"Aia, honey, wake up. Mahuhulog ka na, anak."

Begging For His Love(EDITING) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon