CHAPTER TEN
Manang Edna and I prepared foods for our visitors. Menudo, adobong baboy, lumpiang shanghai, sinigang na baboy, pochero at isang chocolate cake ang naka-handa sa mesa. Sampung minuto makatapos mag-alas dose ay wala pa rin sila Burn. Siguro ay traffic kaya medyo natagalan silang maka-uwi.
"Gutom na si Amirn, mommy. 'Di pa po ba tayo mag-eat?" nakasimangot na sabi ni Amirn habang tinutusok ng tinidor ang isang hiwa ng adobong baboy. Sinaway ko naman siya at agad siyang sumunod at umayos ng upo.
Narinig kong tumunog ang doorbell at akmang lalabas si Manang upang pagbuksan ito ay nag-presenta ako na ako name lamang ang mag-bukas.
Pagbukas ko ng gate ay ganun na lamang ang aking gulat ng makita si Louigie. Wearing a brown polo shirt, ripped jeans and white sneaker. Litaw na litaw ang kaniyang kaputian sa kaniyang suot.
"Why are you here?" I asked and open the gate a little wider so that he can enter.
"Lola meda message me last week and she invited me today to have lunch at your house. Sorry, nagulat ka ba? Uuwi na lang siguro ako." He took a step back. I was quick to grab his arm and shook my head.
"It's okay, hindi naman ako ang nag-invite sayo. Maybe, lola Meda and lolo Grogie missed you." He smiled. I escort him to our dining hall.
"Titow! Oh my!" Tuwang tuwa si Amirn ng makita si Louigie. Muntik pa siyang mahulog sa kaniyang upuan mabuti na lamang at agad siyang nasambot ni Louigie. Sabay pa silang tumawa na dalawa.
Tumabi sa akin si Manang Edna at nakita kong kagaya ko ay naka-ngiti rin siya.
"Ang saya ni Amirn, halatang mahal na mahal niya 'yang si sir Louigie, anak."
"Oo nga po, manang eh. Mas maganda po sana kung si Burn 'yan." I sighed
Magsasalita pa sana si manang ng marinig naming bumukas ang gate. Naglakad ako palabas ng dining hall at sinalubong sila lola Meda at lolo Grogie. Nahuling pumasok si Burn na dala ang dalawang maleta na pagmamay-ari malamang nila lolo at lola.
Patakbong lumapit at yumakap ako sa kanila. Tuwang tuwang niyakap naman ako pabalik ni lola Meda.
"Hija, ang laki laki mo na! Ang gandang bata na. Kumusta?" Lola Meda asked and caress my cheeks. I laughed at her and shook my head.
"Bolera ka pa rin po pala, lola." I laughed again and hug her tight.
Pagkapasok sa dining hall ay agad na natuwa si lolo Grogie sa mga pagkaing nakahain.
"Naku, masyado itong marami! Kaya ba natin 'tong maubos?" Natatawang saad ni lolo.
"Kaya ko pong ubusin! Ako po! Ako po! Kakain po ako ng many para hindi po sayang ang mga foods!" Bibong sabi ni Amirn na agad na tinawanan nila lolo Grogie at lola Meda.
Lola Meda hugged my daughter and kissed her cheeks. Amirn just giggled because of that. Nang maka-upo ang lahat ay nagsimula na ang kwentuhan at kumustahan. Tuwang tuwa si lola Meda at lolo Grogie na makitang muli si Louigie.
"Why did you invite him?"
Burn asked lola Meda. Silence filled us. Nakatingin lamang ako sa harapan kung saan naka-upo si Louigie. Nasa sentro naka-upo si lolo Grogie habang nasa kaliwa naman kami at magkatabi ni Burn, sa kabila ay si lola Meda at Louigie ang magkatabi.
"Apo, namiss ko rin kasi si Louigie." malumanay na sagot ni lola meda.
"Tsk. Namiss? Hindi ba't magkasama kayo niyan sa ibang bansa?"
"Uuwi na lang po ako."
Nagulat ako ng biglang tumayo si Louigie at akmang aalis ng biglang hampasin ni lolo Grogie ang lamesa.
BINABASA MO ANG
Begging For His Love(EDITING) (COMPLETED)
General FictionLikas na raw sa atin ang magmahal ng sobra. Kahit na alam nating masasaktan lang tayo sa huli ay sumisige pa rin tayo. Walang pakialam kung matalo ang mahalaga ay nakaramdam at naiparamdam natin ang pagmamahal natin. Amillianza Grace Echauz a woman...