CHAPTER FOURTEEN
Lola Pelita slapped me hard when I came home that day. She's my mom's mother. Nalaman ko lang na naka-uwi sila ng pilipinas ng masampal niya ako kani-kanina lang.
"Stupida! Hindi ba't sinabi kong huwag kang magmamakaawa sa kahit na sino?! You are my one and only granddaughter! He's just a guy! Marami pang iba d'yan!"
Nakita ko kung papaanong mamula ang kaniyang mukha habang sinasabi sa akin ito. Nakayuko lamang ako at nakatingin sa sahig. Hindi ko kayang sumagot dahil masyadong malaki ang respeto ko sa aking lola. Bago mamatay si mama at papa ay palagi nilang sinasabi sa akin na kahit gaano pa ako kabasura itrato ng isang tao ay huwag na huwag kong tatanggalin ang respeto ko para sa kanila.
"Binigyan kita ng ilang buwan upang mahalin ka rin niya ngunit nagsayang lamang ako kakahintay para mangyari iyon! Kung hindi mo makukuha ang bunso ay ipapakasal kita sa kanilang panganay. Kailangan nating makuha ang kanilang kompaniya. Kundi ay tuluyan tayong babagsak at pupulutin sa kangkungan!"
I lifted my head and looked at her with a bit teary eyed. No, si Burn lang ang gusto kong makasama habang buhay. Hindi ako papayag na makasal sa iba gayong si Burn naman talaga ang mahal ko.
Lumuhod ako sa kaniyang harapan at iniyuko ng kaunti ang aking ulo. Kung kinakailangan kong magmakaawa muli upang hindi lang ako ipakasal sa iba ay gagawin ko.
"Lola, nagmamakaawa po ako. One last chance, please. Mahal na mahal ko po si Burn. Lola, ibigay niyo na po sakin 'to, sige na naman po."
Inismiran niya lamang ako at inayos ang scarf na nasa kanyang leeg. Tinaasan ako ng kilay at inilingan.
"Bakit ba ipinagpipilitan mo ang sarili mo sa kaniya? Nandyan ang kanilang panganay na handa kang pakasalan. Bakit mas ninanais mo ang taong wala namang amor at pagmamahal sa'yo?! Manang mana ka sa nanay mong stupida!"
"Pelita, tigilan mo na si Amillianza. Kakauwi lang galing sa eskwelahan ng ating apo at 'eto pa ang ibubungad mo sa kaniya. Sige na apo umakyat ka na sa kwarto mo."
Nagpapasalamat ang aking matang tiningnan si lolo Celio, my mother's father. Kung anong taray at strikto ni lola ay siya namang bait at maintindihin ni lolo. Nang mamatay ang mga magulang ko ay sila na ang kumupkop sa akin. Laking pasasalamat ko dahil naranasan kong magkaroon ng maayos na buhay. Ipinanganak ako sa squatters area, barong barong na bahay at walang kasiguraduhan kung mairaraos ang isang araw. Kung makakakain ba kami nila mama at papa ng kahit isang beses lang sa isang araw. Yes, I am not born with a golden spoon on my mouth. Galing ako sa hirap at hindi ako mahihiya na ikwento kahit kanino na nagmula lamang ako sa mababa.
Ang kwento sa'kin noon ni mama ay mahirap lamang si papa. Pumasok na driver sa kanila at kalaunan ay nagkaroon sila ng lihim na relasyon. Nang malaman ito ni lola ay walang pagaatubiling hinadlangan ang kanilang pag-iibigan ngunit buntis na si mama sa akin noon kaya walang nagawa si lola ng sumama si mama kay papa at nagpasiyang magpakalayo-layo.
Six years old ako noon ng may mag-amok na lasenggo sa aming lugar. I didn't expect that night would be the last night that I would be with my parents. Masaya kaming nagkukwentuhan habang pauwi galing sa construction site na pinagtatrabahuhan ni papa ng walang ano anong pinagbabaril niya sila mama at papa. Wala akong nagawa kundi ang titigan ang nakahandusay nilang mga katawan. Natamaan din ako sa balikat ngunit hindi ko ito ininda dahil wala akong maramdaman. Nakatitig lamang ako sa kanila habang unti-unti silang binabawi sa akin. Sa murang edad agad na akong sinampal ng reyalidad na hindi lahat ng gusto nating makasama habang buhay ay mananatili sa ating tabi magpakailanman.
"Ma, pa, gising na po. Papaano na po si Ami? Papaano na po ako, please po. Laban po kayo. Laban lang po, please po." Pinagigitnaan ako nilang dalawa habang pareho kaming nakahiga sa maduming kalsada at kapwa may tama ng baril. Ang kaibahan lang ay masyadong mababaw ang akin habang si mama ay tinamaan sa noo at si papa ay tinamaan sa dibdib.
BINABASA MO ANG
Begging For His Love(EDITING) (COMPLETED)
General FictionLikas na raw sa atin ang magmahal ng sobra. Kahit na alam nating masasaktan lang tayo sa huli ay sumisige pa rin tayo. Walang pakialam kung matalo ang mahalaga ay nakaramdam at naiparamdam natin ang pagmamahal natin. Amillianza Grace Echauz a woman...
