Chapter Thirty Five

595 19 49
                                    

CHAPTER THIRTY FIVE

Burnnon Jevren's POV

Hinihingal pa 'ko habang naglalakad pauwi sa mansion. I just came from the subdivision court and on my way to our house for lunch. Napatigil ako sa paglalakad ng makitang may tumigil na kotse sa harap ng tapat ng bahay namin. Unang lumabas ang mag-asawang kapwa may katandaan na kasunod ang isang batang babae na naka-suot ng pulang bestida hanggang sa kanyang tuhod. Makinis at maputi ang kanyang balat na kayang tapatan ang kaputian ng papel. She forced her dress down and sniffed slightly. I smiled at her cuteness and decided to watch her for a while. Naunang pumasok ang dalawang matanda at naiwan siya habang nakatingin sa mataas na bahay nila. I gulped once when i saw how beautiful she is when she pouted. Ilang beses niyang sinubukang maglakad palapit sa kanilang gate ngunit tumitigil lamang siya at nagkakamot ng batok.

I wiped my hands on the jersey that i was wearing and fixed my hair a bit. Nakakita ako ng bintana kaya sinigurado kong maayos akong haharap sa kanya. I was about to walk towards on her direction when suddenly someone grabbed my shoulder and pulled me.

"Hoy, saan ka? Hinahanap na tayo nila mommy, Burn!"

It was my kuya Louigie. Wearing also his jersey but blue. Kulay pula ang akin at magkalaban kami kanina sa laro. Okay lang naman dahil alam kong wala kaming magiging iringan sa ganitong mga bagay lalo pa at friendly game lang naman. Kuya and I were so close on each other. He's my second bestfriend because our dad was my first.

"Kuya! Nanghihila ka naman bigla. Sandali lang may pupuntahan lang ako."

Tinanggal ko ang kanyang kamay sa aking balikat at nagpasiyang iwan siya sa kanyang pwesto. Nagtaka ako ng makitang wala na yung batang babae na kanina ko pa tinitignan. Nasaan na kaya yun? Baka pumasok na sa kanila? Sayang naman. Paepal kasi 'tong si kuya eh.

"Sino bang tinitignan mo dyan, Burnnon? May nakikita ka bang hindi ko nakikita?"

He laughed at his words and put his arms on my shoulder again. Pabiro ko siyang sinuntok sa sikmura niya at naunang maglakad. This motherfucker, mukha ba kong nakakakita ng kakaiba? Baliw din talaga 'tong si kuya eh.

Tumatawang sumunod siya sa akin at muli akong inakbayan. Muntik na siyang madapa ng magkamali siya ng hakbang sa batong nadaanan namin. Nagkatinginan kami at sabay na tumawa.

Papasok na ko sa school ng makasalubong ko yung batang babae na nakita ko isang linggo na ang nakakaraan. Men, she's so pretty and i would love to know her name! Bago pa ko makalapit sa kanya ay agad na siyang tumakbo palayo sa akin at pumasok sa kanilang bahay. Mukhang tinawag na siya dahil narinig kong sumigaw yung kasambahay nila. Badtrip naman kung kailan ko siya lalapitan tsaka naman siya palaging umaalis.

Mag-iisang buwan na simula ng makita ko siya sa tapat ng bahay nila pero hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga alam ang pangalan niya. Whoever she is I promise to know her name and befriends with her. Yeah, friends muna and after that maybe I can asked her hand? Wait, masyado naman 'atang maaga.

"Patay ka, Burnnon! Late ka na namang umuwi. Where did you go after your class? May nagsabi sakin na maaga raw natapos klase niyo ah?"

I just ignored my kuya and put my shoes on the shoe rack. Babalikan ko na lang siguro mamaya dahil madumi ito gawa ng may nadaanan akong putik kanina. Lagot ako kay mommy kapag naputikan ang maputi niyang sahig.

May naririnig akong mga boses sa bukana pa lang ng aming sala. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay siyang panlalaki ng mga mata ko ng makitang naka-upo sa tabi ni mommy yung babaeng kasing-puti ng papel.

"Burnnon, say hi to our new neighbor. This is Amillianza Grace Echauz. Her grandmother sent her here para bumisita."

Para akong nabingi ng marinig ko ang sinabi ni mommy. A-Amillianza? Ang gandang pangalan! Parang siya lang.

Begging For His Love(EDITING) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon