CHAPTER TWENTY FOUR
I ran fast as I can when I heard the school bell. I almost slipped on the floor because of fast running. The speed of my heartbeat accelerated as the sweat dripped down my forehead. Napahawak ako sa pinto ng classroom namin bago ako tuluyang pumasok. Nakita kong napatingin pa sa akin ang iba ngunit hindi ko na lamang sila pinansin pa. Pumunta ako sa aking upuan at umupo. Sinubsob ko ang aking mukha sa desk at pumikit. I sighed several times as I rested my head on the desk. Grabe yung takbo na ginawa ko tapos ang maabutan ko lang ay mga kaklase ko? Kumusta naman 'yon?
"Amillianza Grace Echauz!"
I groaned when I heard Maria shouted my name. Patulog na sana ako ng bigla niya kong hinila at ipinilit iupo ng maayos. I gave her a death glare and crossed my arms on my chest. Inayos niya ang aking buhok at sinuklay. Mas lalo akong sumimangot ng lagyan niya ng liptint ang labi ko.
"Para saan ba 'yan? Don't you know that I'm sleeping?"
She rolled her eyes at me and put a little amount of liptint on my cheeks. It feels so sticky. Pinabayaan ko na lang siya sa kan'yang ginagawa habang ako ay nakapikit at kaunti na lang ay matutulog na naman. Hindi ako nakatulog ng maayos, okay? Kinakabahan kasi talaga ako, kagabi pa pero hindi ko naman alam kung bakit. Sumabay pa na nawawala 'yung phone ko at hindi ko alam kung saan ko ba nailagay o nailapag. Ang dami ng pictures do'n! Karamihan ay puro stolen ni Burnnon. Kaya talagang nakakapanghinayang kung mawawala 'yun!
"Tada! Mukha ka na ulit barbie! Tara na at punta tayong court! Naglalaro ng basketball sila fafa Louigie at Burnnon the manhid boy!"
Bago pa ko makapag-protesta sa kan'yang sinabi ay agad niya na akong hinila patayo at isinama palabas ng room. Hikab ako ng hikab habang 'etong si Maria ay panay ang ngiti at kamustahan sa lahat ng nakakasalubong niya. I shaked her hand a bit so that she can face me.
"Ayokong manuod, inaantok talaga ako. Please, balik na tayo."
Pagmamakaawa ko pa sa kan'ya na inismiran niya lang naman. Kung hindi ko siya kilala ay iisipin ko na baka si Burnnon ang gusto niyang makita but ofcourse I knew better. Kunwari pa siyang para sa'kin 'tong ginagawa niya eh alam ko naman na kahit hindi niya sabihin ay iba ang gusto niya.
Nakipagsiksikan kami sa mga taong nakatayo sa court hanggang sa makarating sa pinaka-unahan. Nakita kong topless na ngayon si Burnnon habang hinahawi ang kan'yang pawis na pawis na buhok palayo sa kan'yang noo.
"Antok ka pa? Close your mouth mamaya may pumasok na langaw."
Hinampas ko sa braso si Maria patungkol sa kan'yang sinabi. Nakakahiya dahil may nagtinginan sa amin sa lakas ng kan'yang boses. Kung hindi ba naman talaga siraulo 'tong babaeng 'to.
We sat on the first bench that is often occupied by the girlfriends of basketball players. Tatanungin ko pa sana si Maria kung bakit dito kami umupo ay basta niya na lamang akong pinatahimik sa pamamagitan ng pagtatakip sa aking bibig. Iniiwas ko ang aking mukha na tinawanan niya lang naman. Hindi na nga lang ako magtatanong dahil alam ko naman na marami siyang kakilala at baka kaya kami naka-upo dito ngayon ay dahil sa isa sa mga kakilala niya.
Nawala 'ata lahat ng antok na meron ako sa katawan ng makitang muling nag-umpisa ang laro nila Burnnon. Kapwa pawisan na silang dalawa ni Louigie ngunit kitang kita ang pagka-seryoso sa kanilang mga mukha. Masyadong seryoso na kahit may sumiko na kay Burnnon ay hindi niya man lang pinansin. Naagaw ang bola kay Burnnon ng isa sa kabilang grupo. Kitang kita ko kung papaanong magmura ang kan'yang namumulang labi dahil sa kan'yang pag-kagat. Mas naging mainit ang laban sa magkabilang grupo. Takbo dito at takbo doon ang kanilang pinaggagagawa. Wala pa muling nakaka-puntos dahil parehong ayaw nilang may makalamang. Huling quarter na pala nila, sayang naman at gusto ko pang makitang maglaro ng matagal si Burnnon.
BINABASA MO ANG
Begging For His Love(EDITING) (COMPLETED)
General FictionLikas na raw sa atin ang magmahal ng sobra. Kahit na alam nating masasaktan lang tayo sa huli ay sumisige pa rin tayo. Walang pakialam kung matalo ang mahalaga ay nakaramdam at naiparamdam natin ang pagmamahal natin. Amillianza Grace Echauz a woman...