CHAPTER SIX
Nagising akong may nakayakap sa aking leeg. Pagmulat ko ay 'agad kong nakitang tulog na tulog si Amirn sa tabi ko, medyo naka-nga-nga pa nga siya kaya hindi ko mapigilang matawa ng mahina. Ang cute cute talaga ng anak kong 'to.
Sinubukan kong gumalaw ng kaunti upang maka-alis sa yakap ni Amirn ng hindi siya nagigising. Masyado pa naman malakas ang pakiramdam ng batang 'to. Gaya nga ng sinabi 'ko ay konting galaw 'ko lang ay siyang pagmulat niya. Humikab siya ng isang beses, at tinitigan ako ng matagal. Matatawa na sana ako sa asta niya pero bigla siyang umiyak at pinag-hahalikan ang buong mukha 'ko.
"Honey, what's wrong?"
I caress her back to give her comfort. Mas lalo siyang umiyak sa ginawa ko at mas kumapit sa leeg ko.
"Baby ko hindi na 'ko makahinga. 'Wag masyadong mahigpit, please?"
"My! You made me worried! I thought patay ka na po! Nakita ka namin ni lola Edna sa sala tapos di ka po gumagalaw, mommy! Akala ko dead ka na!"
Humagulgol siya lalo at sumiksik sa leeg ko. Nangilid naman ang mga luha sa mata ko. Malaking pasasalamat talaga na meron akong Amirn na sobra kung mag-alala sa akin.
Iniharap ko siya sa akin at pinunasan ang kanyang mga luha. I gave her a not so beautiful but sincere smile. Pinipilit niyang huwag nang humagulgol sa'king harapan. I pinched her cheek and kiss it three times. Umupo ako sa kama kasama siya at medyo napangiwi ng maramdaman 'kong masakit ang braso 'ko. I took a glanced on it and saw that it has a purple bruised. It's not that big but if you focus on looking at it, ay doon mo makikita na may pasa ako.
Nagulat ako ng hinalikan ni Amirn ang aking pasa ng paulit-ulit. Hindi ko na napigilan ang mga luhang kumawala sa aking mata. I sobbed harder when she hug my waist tightly and start on whispering how much she loves me and that she's a lucky kid because I am her mother.
Maya-maya ay bumigat na ang aking dibdib, nakita kong nakatulugan na ni Amirn ang pag-iyak. Inilapag ko siya sa aking kama at laking pasasalamat ko na hindi siya nagising. Bumaba ako at nadatnang malinis na ang sala. Aaminin ko na masakit pa rin ang aking katawan pero mas masakit ang malaman kong nasaksihan ni Amirn ang kahinaan ko kanina. Hindi niya 'ko dapat nakita sa ganoong estado, dahil papaano na lamang ang pangarap niyang masayang pamilya? As much as possible I am trying to give her that.
Pagkapasok sa kusina ay nadatnan ko si Manang Edna na nag-iinit ng tubig sa takure. Nginitian ko siya habang siya ay inismiran lamang ako. Nang kumulo ang tubig ay nilagyan ako ni Manang sa tasa ng kape.
"Ay, hindi kape?" dismayadong sabi ko.
"Mag-tsaa kang bata ka. Huwag puro kape. Kagagaling mo lang sa sakit ng katawan kaya kailangan mong magpahinga! Kung magkakape ka tingin mo makakatulog ka pa ulit?"
Sermon sa akin ni manang. I smiled at manang and she just rolled her eyes.
"Kailan ka ba matatauhang bata ka? Hindi na tao ang trato sayo ng asawa mong 'yan! Kailan mo iiwan 'yan? Kapag may nangyari na sa inyong dalawa ni Amirn?!"
Manang Edna is my nanny, her family is in province taking care of their simple small bussiness there. Ayaw ni Manang Edna na iwan ako basta basta at si Amirn hanggang 'di niya raw alam kung ligtas ba kami kay Burn.
"Manang naman, you know how much I love him, right? Kaya kong isugal ang buhay ko para sa kaniya."
"Kaya mo ngang isugal ang buhay mo pero siya ba ay ganoon din sa iyo? Hirap sa inyong mga kabataan ngayon kahit masakit ipipilit, kahit hindi gusto gagawa ng paraan para magustuhan. Wala ka bang awa sa sarili mong bata ka?"
BINABASA MO ANG
Begging For His Love(EDITING) (COMPLETED)
General FictionLikas na raw sa atin ang magmahal ng sobra. Kahit na alam nating masasaktan lang tayo sa huli ay sumisige pa rin tayo. Walang pakialam kung matalo ang mahalaga ay nakaramdam at naiparamdam natin ang pagmamahal natin. Amillianza Grace Echauz a woman...
