Chapter Fifty Four

444 11 3
                                    

Apat na chapters para sa araw na ito. Hope you like it. Enjoy reading! Btw play niyo yung song sa taas, isipin niyo na lang na boses 'yan ni Burnnon. Thank you!

CHAPTER FIFTY FOUR

"Alam mo ikaw, nakakainis ka na."

Nagtatanong ang aking mukha ng nilingon ko si Maria habang hinuhugasan ang buhok niya ng isang babaeng empleyado dito sa salon.

"Bakit naman? Wala naman akong maalala na ginawa sa'yo ah?"

Hinintay niyang matapos ang pagpunas sa kanyang buhok bago siya muling nagsalita.

"Yeah, maybe to me, you didn't do anything but to your husband, marami! Ano ba talagang balak mo kay Burnnon, ah?"

I ignore her and try to looked at the mirror and see myself. I tried to smile on the reflection that I was seeing but failed because it seems fake.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Maria."

Narinig ko ang pag-ismid niya at paglapit sa akin.

"Sige, lokohin mo pa ang sarili mo. Kunwari hindi ko ramdam na hindi mo na mahal si Burnnon at wala ka naman talagang ni katiting na amor sa kaniya. You just stayed at him for the sake of your kids."

"H-Hindi sa ganun..."

"Ganun 'yon! Jusko naman, Amillianza, akala ko kaya mo siya muling tinanggap ay dahil mahal mo pa rin yung tao! Yun pala ay dahil may iba kang rason. Grabe ka, hindi ka man lang ba naaawa sa asawa mo? Ami, nagmumukhang aso na palaging nakasunod lang sa'yo yun tapos nakikita ko na ang pangit pa ng trato mo sa kaniya. Yung totoo? Kailan ka pa naging ganyan? Hindi ikaw 'yan, Amillianza."

Nagyuko ako ng ulo dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Aminado naman ako na mali ako sa ginagawa ko.

"Isang tanong at isang sagot. Do you still love him?"

Ilang minuto ang lumipas bago ako nakasagot sa kanyang tanong.

"I don't know, basta ginagawa ko 'to para magkaroon ng kumpletong pamilya ang kambal, yun lang."

Tinignan ko siya at medyo naguluhan ng makitang nanlalaki ang kanyang mga mata at nakatingin sa aking likod. Nilingon ko ang tinitignan niya at nakita si Burnnon na nakatayo malapit sa amin habang may hawak na isang bouquet ng bulaklak.

Narinig niya ba ang sinabi ko? Kung ganun ay bakit wala akong makitang reaksyon man lang sa kanya? Sana hindi niya narinig o kung narinig nga niya ay hindi dapat ako kabahan ng ganito.

"Goodafternoon, Ami."

He gave me a beautiful smile and handed me the bouquet of flowers. I awkwardly accepted it and just thanked him. Pagkatapos sa salon, Maria told us that she's going to their own law firm to visit Louigie. I just nodded at her and bid a goodbye.

Nang makapasok sa kotse ay tahimik lamang kami ni Burnnon at nagsimula siyang mag-drive pauwi. Inabot kami ng traffic sa edsa at nagtagal doon ng ilang oras.

"You can sleep if you want to. Traffic kaya panigurado na magtatagal pa tayo dito."

After a few seconds ay narinig ko rin siyang nag-salita. I nodded at him and find a perfect position to lay my body on the passenger seat.

Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit hindi naman ako makatulog. Nakapikit ako ngunit hindi naman ako madalaw ng antok.

"Ami...totoo bang hindi mo na 'ko mahal?"

Napatigil ako sa paggalaw ng marinig ko ang mahinang boses ni Burnnon. Pansin ko ang pagkapaos at pagod rito or maybe naiimagine ko lang ito.

"Totoo bang dahil na lang sa mga bata kaya ka nananatili sa akin?"

Begging For His Love(EDITING) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon