CHAPTER FIFTY TWO
I woke up feeling so tired. Umpisa pa lang ng araw ay ganito na ang nararamdaman ko ano pa kaya hanggang sa matapos ang araw na ito? Hindi ako gaanong naka-tulog kagabi. Pagkatapos kaming ihatid ni Burnnon ay wala na siyang sinabi na maaaring makadagdag ng alalahanin sa akin. Humalik lang siya sa aking pisngi at nagpaalam ng aalis. Ang alam ko ay nag-usap sila ni lolo pero hindi ko na binigyang pansin 'yon dahil alam ko na hindi na dapat pa ako makialam tungkol sa kung ano man ang pinag-usapan nila.
Iniwan ko muna si Amaia kay manang Edna dahil ayaw ko siyang isama sa pupuntahan namin ni Bainurn. I decided to leave my daughter to manang for some reasons.
"You ready, Bainurn?"
He just looked at me and didn't say anything. Simula ng magising siya sa ospital ay ganito na siya. Bibihirang mag-salita at panay lamang ang titig sa kahit na sinong makasalamuha niya. Hindi ko alam kung nakaka-usap ba siya ni Amaia but I refused to ask my daughter dahil alam ko na magtatanong siya kung bakit at hindi ako handang sabihin sa kanya ang kalagayan ng kambal niya.
Wala akong kahit na anong ideya kung bakit bigla na lang naging mas ilag ang aking anak na lalaki. Bainurn is usually silent but not like this. He usually talk when someone's talking to him but now? Wala siyang sinasabi na kahit ano na makapagpapagaan sa loob ko upang mapanatag ako na walang mali sa anak ko.
Pagkapasok sa clinic ay siyang buntong hininga ko. Sa loob ng anim na buwan ay pangatlong beses pa lamang kaming babalik dito dahil kung minsan ay basta na lamang iiyak si Bainurn at naiintindihan ko na agad na ayaw niyang sumama papunta rito.
Masakit at mahirap sa akin na makita siyang parang wala palagi sa kanyang sarili. Minsan ay nahuhuli ko siyang iiyak na lamang sa isang tabi hanggang sa makatulugan niya ito. Hindi ko na alam kung anong pwede kong gawin para maging maayos na siya at bumalik na ang dati niyang sigla.
"Hello, little boy. You look so handsome today, how are you? Kamusta ang naging pagpunta niyo dito ng mommy mo?"
The therapist asked my son but he just blinked his eyes and looked at the woman blankly.
Nasa isang sofa ako at nakatingin lamang sa kanya. Praying na sana ay umepekto na ang pakikipag-usap sa kanya at kahit anong salita ay masambit niya.
"How about your twin sister? Do you have any stories to tell about her? Your mom was telling me how good of a son and a brother you are. I can see that it's all true. Look at you, you look so innocent and lovely."
He continued on looking the woman blankly. Wala akong makitang kahit anong ekspresyon sa mukha niya kundi blanko.
Sinubukan siyang bigyan ng kahit anong laruan but he keeps on shaking his head as a sign of refusing. Binibigyan din siya ng lapis at papel ngunit hindi niya naman ito ginagalaw. That day, natapos ang session na wala man lang akong nakitang maaaring makapagpanatag ng loob ko. I missed my son, yung kahit hindi siya palasalita ay nagiging madaldal siya basta ako at si Amaia ang kausap niya. Ano ba talagang nangyari, anak?
Dumaan muna kami sa isang fast food chain bago umuwi. Along the way of going home bigla na lamang siyang may itinuro sa labas ng kotse. It was a billboard. Picture ni Burnnon na naka-tuxedo habang may hawak na wine glass at umiinom rito. Lalaking lalaki ang kanyang pustora at bumagay ang puting kulay na kanyang suot.
"Yes, baby? What is it? That's tito Burnnon, anak."
He shooked his head while still looking at the billboard.
"He's my real dad, right?"
Halos maipreno ko ang kotse ng marinig kong muli ang malamyos na boses ni Bainurn. Kaagad kong iginilid ang kotse at tinanggal ang aking seatbelt upang daluhan siya.
BINABASA MO ANG
Begging For His Love(EDITING) (COMPLETED)
General FictionLikas na raw sa atin ang magmahal ng sobra. Kahit na alam nating masasaktan lang tayo sa huli ay sumisige pa rin tayo. Walang pakialam kung matalo ang mahalaga ay nakaramdam at naiparamdam natin ang pagmamahal natin. Amillianza Grace Echauz a woman...