Chapter Fifty One

391 9 15
                                    

CHAPTER FIFTY ONE

Nakatingin lamang ako sa mga batang nagtatakbuhan sa aking harapan. Mabuti pa ang mga bata parang palagi lang masaya at walang problema. How I wish na sana hindi na lang ako tumanda ngunit hindi naman napipigilan 'yon at isa pa kung hindi ako tumanda edi sana ay wala akong maganda at guwapong anak na hindi ko na rin alam kung nasaan na ba nagsusuot.

"Ami, ba't nandito ka sa labas? Tara sa loob!"

Mariana hold my wrist and pulled me with her inside the house. We are celebrating Louigie's victory in his case last week. Sunod sunod na rin nitong mga nakaraang buwan ang kabi-kabilang pagkapanalo niya sa bawat kasong hinahawakan. He's a great lawyer.

Pagkapasok sa bahay ay nakita ko si Amaia at Melaine na magkakwentuhan sa sofa together with my lolo Celio and manang Edna.

Umuwi sila rito isang linggo matapos nilang malaman na namatay si Raymart. Sobra ang iyak ni manang lalo pa at itinuring niya na itong tunay niyang anak. Maging si lolo ay grabe ang lungkot dahil kahit na nag-away sila noon dahil bago pa kunin ni Raymart ang mga bata ay nagkasagutan sila sa telepono sa kadahilanang nagsinungaling si Raymart at hindi naman pala talaga ganun kalaki ang utang namin sa kaniya. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa pagkawala niya.

Should I feel sorry for him because no matter how many times he lied to me I knew he did not deserve what happened to him?

How many times has it crossed my mind what really happened to him. What exactly was the cause of his death and why did I find him lifeless then. Sa loob ng anim na buwan na nakalipas ay hindi ko pa rin kayang matulog ng mahimbing dahil sa imahe niya na gumugulo sa akin sa tuwing gusto ko ng matulog. Mga alaala niya na pilit pa rin akong ginugulo kahit na matagal naman na siyang wala.

Ipinikit ko ang aking mga mata at nag-umpisang magsalita ng simpleng panalangin bago kami kumain ng pananghalian.

When I opened my eyes it seemed to have glue on the man infront and I immediately stared at the man at the end of the long table. His eyes are still closed while his lips are moving maybe copying what I am praying? Why...why is he here? Sa loob ng anim na buwan na nawala siya ay bakit sa ganito ko pa siya makikita? Akala ko ba ay may girlfriend na siya? Oh eh ano naman ngayon sa'yo 'yon, Amillianza?

Tinapos ko ang pagdadasal at nag-umpisa na kaming kumain. May iilang mga bisita si Louigie na kapwa abogado rin kagaya niya. Hindi ko naman maintindihan ang mga pinag-uusapan nila lalo pa at puro patungkol sa batas habang si Maria naman ay nakangiting nakatitig sa kanyang asawa at kulang na lang ay maghugis puso ang mga mata niya.

I admire the relationship they have. I know that like me, Maria was not the first one Louigie loved but who would have thought that they would be together and have a very beautiful child? Masaya ako na makitang masaya rin si Maria, she deserved everything that she has right now. I love her and seeing her smiling beautifully and staring on her love of her life is a beautiful sight to me.

"Hi, may I know your name?"

Napatingin ako sa lalaking tumabi sa akin at nag-offer ng inumin. Tila umurong ang aking dila at hindi ako agad nakapag-salita. Bagay na bagay sa kanya ang puting t-shirt na suot niya. Hindi man ganun kapansinin basta siya ang may suot ay hindi pwedeng hindi mo siya lilingunin.

"You know my name already."

I averted my gaze at him and sipped at the juice he just gave me seconds ago. I heard him sighed and move closer to me. Kaagad naman akong tumayo at lumipat sa kabilang upuan na nasa harapan niya. Bale magkaharapan na kami ngayon. Ano bang ginagawa niya? Papaano kung makita kami ng girlfriend niya? Teka, nandito rin ba 'yon ngayon? Bakit niya isinama kung ganoon? Bakit parang ayaw mo, Amillianza?

Begging For His Love(EDITING) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon