[DISCLAIMER]
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Note: This story may contain typos, grammatical errors, plot holes, and other flaws you may encounter in a fiction novel made by an amateur.
***
(Story Theme: Crush by David Archuleta)
Simula
"Panira ka talaga kahit kelan! Ang laki mong gago! Lagi mo na lang akong binubwisit!"
Patuloy kong tinanggap ang sunod-sunod na pagpapaulan ng suntok ng lalakeng nakadagan sakin ngayon. Hinayaan ko siyang paulit-ulit na undayan ako ng suntok. Hindi ako nanlaban. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang nag-aapoy na galit. Galit na minsan ay hindi ko na talaga alam kung saan niya hinuhugot.
"Awatin niyo na! Baka mapatay pa niyan si Dan!" Napangisi ako sa narinig. Seryoso ba sila? Kanina pa kong pinapaulanan ng suntok nitong nasa harapan ko, tapos ngayon pa nila naisipang umawat? Mga walang kwenta. Palibhasa, gustong-gusto rin nilang nakakakita ng mga ganitong eksena.
"Rem, tama na 'yan . . . " Hindi ko na halos maramdaman ang panga ko sa sobrang pamamanhid. Ibang klase rin talaga ang isang 'to kung manuntok. Hindi nga lang kasing solid ng kamao ko.
Hindi ko na halos namalayan ang mga sumunod na nangyari. Nagkakagulong mga estudyante, ilang umaawat sa muling pagsugod sakin ni Rem. Sa tototoo lang, hindi na bago sakin ang eksenang 'to. Pakiramdam ko nga rin, deja vu na lang itong nangyayari ngayon.
Sabi nga nila, sa tuwing magkukrus ang landas namin ni Rem, imposibleng tumagal ang sampung segundo na hindi kami nauuwi sa away. Tama nga rin naman sila. Minsan nga, parang ito na ang naging paraan namin ng pagbati sa isa't isa.
"Kayong dalawa na naman?!"
Ramdam ko ang kawalan ng pag-asa ni Mr. Notpa nang maabutan niya kami sa office niya. Napapikit pa ito ng mariin at marahang hinimas ang ulo niyang may mumunting tumpok na lamang ng buhok sa pinakabunbunan. Sunod-sunod ang pagpapakawala nito ng malalalalim na buntong hininga habang lumalapit sa kanyang paboritong swivel chair.
Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa akin at sa lalakeng prenteng-prente lang na nakaupo sa tapat ko ngayon.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na blah blah blah . . . "
BINABASA MO ANG
My Reminiscence (Completed)
Teen FictionRunning into each other almost everyday at the University, the two high school mortal enemies, Dan and Rem, found themselves hating each other again more than ever. But seems like fate really knows how to play with them. These two arrogant guys ende...