(A/N: This is the Filipino version of my testimony. For English readers, please proceed to the next chapter for the English translation of this section. Thank you and blessed reading!)
From being
THE BIGGEST MISTAKE
into HIGHLY FAVORED.
MALAS SA PAMILYA.
Ganyan ko tinitignan ang sarili ko. Ganyan ang pinaniniwalaan kong katangian ko bilang tao. Ganyan ko itinuring ang sarili ko.
Madalas ikwento sa akin ni Mama noon na noong hindi pa raw ako ipinapanganak, maginhawa ang buhay nilang tatlo ni Papa at ni Kuya. Pareho silang may magandang trabaho. Hindi man mayaman, hindi rin mahirap. Financially stable, kumbaga. May ref pa sila, may four wheels, at take note: 'Promil or S-26' ang gatas ni Kuya ko!
Pero noong ipinanganak ako, tila nawala ang lahat. Oo, pagkapanganak ko. Nang dumating ako sa mundong ito, sabay nawalan ng trabaho sina Mama at Papa dahil nalugi ang kumpanya na pinagtatrabahuhan nila. Naisangla lahat ng alahas ni Mama para lang may maipantustos sa amin. Mula sa mamahaling Promil, naging 'am' na. At dahil nangungupahan lang kami noon sa Maynila, naging mas mahirap pa. Walang trabaho ang parehong magulang ko, tapos kailangang bayaran pa ang bahay, kuryente, at tubig. Hindi pa kasama doon ang pagkain namin at iba pang pangangailangan
Kaya noong lumalaki ako, natatak sa isip ko na ako ang malas sa pamilya namin. Nakikita ko kung paano mangutang si Mama sa iba't ibang kamag-anak at kakilala. Nakikita ko kung paano hindi matulog at umuwi si Papa ng bahay para lang makapag-overtime at may dagdag sa sahod niya. Sa murang edad, nauunawaan ko na ang hirap ng buhay. Kaya tuwing magkakasakit si Mama o si Papa, umiiyak ako nang tago. Sinasampal ko ng malakas ang mukha ko. Sinusuntok ko ng malakas ang pader at ang katawan ko. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit pinanganak pa ako. Kasi dahil sa akin, naghihirap ang pamilya namin. Hindi na nila muling mararanasan ang ginhawa.
Dumating din sa punto na sinisisi ko ang lahat kay Lord dahil nanalangin at nagmakaawa ako sa Kanya, ngunit walang nangyari. Iyon ang mga panahong nakikita ko si Mama na hirap na hirap huminga dahil sa asthma. Wala siyang pambiling gamot. Wala siyang kahit nebulizer man lang. At higit sa lahat, wala akong magawa.
Iniisip ko noon palagi kung paano ako mamamatay. Pati nga ang magtakip ng panghiwa gamit ang blade sa pulso ko, sinubukan ko. Kasi para sa akin noon, 'pag namatay ako, magiging maayos na ulit ang buhay nila—mawawala na ang malas.
I thought of myself as the BIGGEST MISTAKE OF OUR FAMILY. I AM THE BIGGEST MISTAKE IN THE WORLD. Lalo na kapag ako'y pumapalpak at pinagalitan, ang tingin ko sa sarili ko, ang laki kong MALI! Na wala na akong nagawang tama kahit kailan. Pati na ang pinakamaliit hanggang pinakamalaking achievement ko, na hindi ko nararamdaman na naa-appreciate man lang nila, pakiramdam ko WALA AKONG KWENTA.
Hindi ako honor student noong elementarya, pero nag-strive ako noong high school dahil gusto ko ng atensyon mula sa mga magulang ko. Idagdag pa yung moment na sinabihan ako ng teacher ko sa Math noong first year high school na BOBO AT WALANG ALAM dahil lang nagkamali ako ng sagot sa recitation. Tumanim agad sa isip ko iyon, na malas talaga ako kaya marahil nagkamali ako ng sagot. Sa sobrang galit ko, muntik ko na siyang masapak sa mukha kung hindi lang ako pinigilan ng mga classmate ko.
Hindi alam ng mga magulang ko ang mga kalokohan ko noong mga panahong iyon. Average lang naman ang mga grades ko. Akala nila matino ako. Hindi nila alam kung saan-saan ako nakakarating, kahit practice sa school lang ang ipinaalam ko.
YOU ARE READING
Moments with my First Love [UNDER REVISION]
SpiritualThis book is the compilation of my devotional moments with the Lord through the wisdom and conviction of the Holy Spirit. This also includes some of my testimonies in my Christian journey. "For I would have you know, brothers, that the gospel that w...