Sabi nila "'Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay."
Pero iba kay Jesus! "Bago ka pa man batuhin ng bato, bigyan mo na agad ng tinapay!"Ganito ang pagpapamalas ng kabutihan na ginawa ni Jesus kay Judas.
After Jesus had said these things, he was deeply troubled and told his disciples, "I tell you for certain that one of you will betray me."
...So the disciples leaned toward Jesus and asked, "Lord, which one of us you talking about?"
Jesus answered, "I will dip this piece of bread in the sauce and give it to the one I was talking about."
Theb Jesus dipped the bread and gave it to Judas, the son of Simon Iscariot. -John 13:21;25-26Bakit 'di na lang itinuro directly ni Jesus ang disciple na tatraydor sa kanya? Bakit kailangan pang idaan sa pag-abot ng tinapay?
Parang sasagi sa isip mo, "pinapahirapan lang ang sarili" or "pwede namang ituro na lang si Judas agad." Pwede pa nga nating masabi, "daming alam ni Jesus!" Ganito kasi mag-isip ang tao diba? Ganito kasi ang kilos ng tao, pero ibahin natin ang Diyos.
Dalawang bagay na ipinakita ni Jesus:
1. Ayaw Niyang maliitin si Judas.
Anong pakiramdam na dinuduro-duro ka lang? Anong pakiramdam 'pag nagkasala ka, ipapahiya ka pa? Diba nakakababa ng pagkatao? Diba pakiramdam mo ang liit-liit mo? Parang tinatapakan ang reputasyon mo?
'Yon mismo ang ayaw ni Hesus na maramdaman ni Judas. The moment na nagtanong ang mga disipulo kung sino sa kanila ang tinutukoy ni Jesus, pwede namang ituro na lang Niya kung sino at 'di na nagpaligoy-ligoy pa.
Kahit alam na Niyang ipagkakanulo Siya ni Judas, iniisip pa rin ni Jesus 'yong mararamdaman niya. Ayaw Niyang maramdaman ni Judas na tinuturo, ipahiya, kino-condemn o minamaliit siya. Kabutihan ang binigay ni Jesus sa pamamagitan ng tinapay na binigay Niya kay Judas.
Ganoon din naman sa atin. Hindi natin ito alam, pero alam ng Diyos 'yong mga araw na maaari natin Siyang ipagkanulo—maaaring sa pagpili nating magkasala o sadyaing magkulang sa Kanya.
Pero ganon pa man, hindi Niya tayo hinuhusgahan agad. Sabi nga Niya diba, naparito Siya upang iligtas ang mga makasalanan at hindi para hatulan sila, kahit pa katulad natin si Judas sa ilang mga pagkakataon.
2. Mabuti ang Diyos sa malaki o maliit na bagay (Walang maipipintas sa Kanya).
Hindi Niya dinuro si Judas but binigyan Niya ng tinapay. Hindi lang basta tinapay, sinawsaw muna ito ni Jesus sa 'sauce' bago ibigay.
Alam ni Jesus na ipagkakanulo Siya ni Judas. Bago pa man ito maganap, ginawan na ng mabuti Jesus si Judas. Kahit gagawan Siya nito ng masama, mabuti pa rin ang ginawa ni Jesus sa Kanya.
Bago pa man tayo magkasala, binibigyan na tayo ng Diyos ng isang bagay na maganda o mga bagay na para sa ikakabuti natin. Actually kahit during nagkakasala na tayo, mabuti pa rin Siya sa atin.
We can never imagine what Jesus felt knowing what Judas will do to Him. It's more than a term 'hearbreaking'. Si Jesus na walang kasalanan ay ipagkakanulo ng disipulo Niyang inalagaan Niya. Kasama Niya. Tinuruan Niya. Pinakain Niya.
Judas broke Jesus' heart yet Jesus didn't choose to break Judas' heart. Ganyan Siya kabuti kahit gaano kasama ang nagawa at magagawa ng tao sa Kanya. Wala tayong maipipintas sa Kanya.
God is good before, during, and after we sinned. He never changes.
Shalom!
To God be all the Glory! :)
YOU ARE READING
Moments with my First Love [UNDER REVISION]
SpiritualThis book is the compilation of my devotional moments with the Lord through the wisdom and conviction of the Holy Spirit. This also includes some of my testimonies in my Christian journey. "For I would have you know, brothers, that the gospel that w...