[ U N E X P E C T E D V I S I T O R S ]
Still Her Pov
NAPATIGIL saglit ang pag-takbo ng utak ko habang nakaawang naman ang labi ko sa nakikita ko ngayon at mukang nagulat din sila ng makita ako at nanlalaki parin ang mata nila ng madako sa 'kin ang kanilang paningin.
O to the M to the G, ang gaganda nila at ang se-sexy pa, wit wew.
Kitang-kita ko ang pagka-gulat at pagtataka sa mga muka nila ng makita 'ko kaya awkward akong ngumiti.
"Love? "
"Babe? "
Literal akong napanganga dahil sa binitawang salita ng mga kuya ko. Itong dalawang magagandang binibini na 'to ang girlfriend nila kuya? Wth, is happening on earth? Anong nagustuhan nila sa mga gunggong na to? Echos lang.
Isa lang ang masasabi ko,
Sana all.
"Zain Hillary Kim?" sabay na usal ng dalawang magandang binibini na 'to sa pangalan ko
Napatingin ako sa kanila at bahagyang tumawa habang nag-kakamot ng aking batok. "Hello po, hehe." nahihiyang usal ko at nag-wave ng hands sa kanila.
"Kyaah! Ikaw nga." sabay na na sigaw nila at nagtatakbo papunta sa 'kin na ikinatawa ko ng mahina, naisipan kong tingnan sila kuya na ngayon ay nakapoker-face na.
Hindi ko akalain na kilala pala nila, ako. Hindi nila pinansin ang mga kuya ko dahil nag-mamadali silang makalapit sa 'kin.
Agad naman akong dinamba ng yakap ng dalawang magandang binibini na ito
"You're so gorgeous, zain."
"I'm glad to meet you, zain."
Masayang saad nila habang naka-yakap sa 'kin, niyakap ko naman sila pabalik at nginisihan sila kuya na nakabusangot na ngayon.
Tumawa ako saglit bago sila sagutin. "Nice to meet you too, beautiful ladies." nakangiting saad ko na ikinalawak din naman ng mga ngiti nito
"Ehem."
Napunta ang atensiyon nilang dalawa sa tumikhim pati ako ay ganun din. Agad na kumalas sa pag-kakayakap sa 'kin ang dalawa at nag-kamot ng batok na tila nahihiya sa kanilang ginawa.
Cute!
Alanganin nila akong nginitiang dalawa at ang-piece sign pa sila sa' kin. "Sorry." nahihiyang sabi nila.
"No, ayos lang 'yon." nakangiting ani ko at nag-okay sign sa kanila para mawala ang awkwardness
Nilapitan naman sila nila kuya at parehas hinapit sa bewang nila at nag-simula na silang maglandian. Nainggit naman daw ako. Hindi man lang pinakilala yung mga girlfriend nila, nakakabanas sila, ah.
Napangiwi ako at umiwas ng tingin sa kanila. May single dito, oy! Sa mismong harap ko pa talaga kayo nag-landian. Respeto naman sa mga single na katulad ko.
"Sweety."
"Princess."
Napatigil sa pag-lalampungan yung mga love bird pati na rin ako dahil sa sigaw na 'yon. Humarap ako kila kuya at kita naman ang pagka-dismaya sa mga muka nila.
"Omo. mom, dad. I'm back! I miss you both." parang batang sigaw ko at nag-tatakbo kung nasaan sila para bigyan sila ng mahigpit na yakap.
Sobrang namiss ko sila, grabe. Naiiyak na tuloy ako.
"Careful, my princess." suway ni dad sa 'kin pero hindi ko siya pinakinggan at mabilis silang dinamba ng yakap ni mom.
"I miss you, mom, dad." masayang anas ko matapos silang dambahin ng yakap
BINABASA MO ANG
THAT COLD CAMPUS KING IS MY EX-BOYFRIEND | Season 1 | ✓ [COMPLETED]
FanfictionCold and Fearless. A perfect words to described Dave Trevohr Montello. Those attractive handsome face of him can make you fall inlove by just a simple stare. Those pair of blue eyes is like an ocean that can drown you in addiction and can give you c...