[ P A I N O F T H E P A S T ]
Still Her Pov
MAINGAT ang bawat hakbang ko pababa ng hagdan. Wala din akong masiyadong makita dahil nakapatay na lahat ng ilaw at tanging sinag nalang ng ilaw sa labas ang nagsisilbing liwanag dito sa loob ng mansion.
At sigurado 'kong tulog na din ang mga kasambahay at sila dady dahil tahimik na ang buong mansion. Tagumpay naman akong nakababa ng hagdan ng hindi gumagawa ng malakas na ingay.
Woah, successful!
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para makalabas ng tahimik. Pagkalabas ko ay malamig na hanging agad ang sumalubong sa akin kaya naman napapikit nalang akodahil doon.
Agad akong nag-mulat ng mata ng maisipang may pupuntahan pa nga pala ako. Malalaki ang mga hakbang na tinungo ko ang gate kung saan nagbabantay si Mang Kanor at Mang Noli, ang mga body guards ng mansion.
Makakalusot din ako sa mga bantay ng mansion dahil sa likod sila nagpapatrolya ngayon.
"Magandang gabi, iha." sabay na bati nila mang kanor at mang noli ng makalapit ako sa kanila.
"Magandang gabi din po sa inyo, mang kanor at mang noli." bati ko sa kanila pabalik ats aka sila nginitian.
"Saan ba ang punta mo iha? Lumalalim na ang gabi baka mapahamak ka." takang tanong ni mang kanor at halata ang pag-aalala sa boses nito.
"Oo nga, iha. Taka si kanor, lumalalim na ang gabi baka mapaano ka sa labas." turan naman ni mang Noli.
Nginitian ko muna sila bago sumagot,
"Naku! huwag ho kayong mag-alala sa 'kin, kaya ko po ang sarili ko at saka diyan lang naman po ako sa park, magpapahangin lang. Hindi pa po kase ako dinadalaw ng antok, eh." mahabang usal ko kaya tumango naman sila na mukang kumbinsido.
"Oh! siya sige, mag-iingat ka nalang iha." sabay na sabi nila.
Tinanguan ko nalang sila at nginitian bago lumabas ng gate at magsimula ng maglakad palayo.
Medyo may kalayuan din ang favorite place namin ni dave mula sa mansion. Habang naglalakad ako ay nadaanan ko pa ang park na dinahilan ko sa mga guards namin.
Medyo madami pang tao ngayon sa park kahit pasado alas nuwebe na ng gabi. Kapansin-pansin din ang mga tao na kumakain sa mga bench at sa gilid nito ay ang mga streetfood vendors.
Nagdere-deretsyo lang ako sa pag lalakad, kamapante naman ako na hindi nila ako mamumukaan dahil naka-hoody ako.
Ilang minuto ang lumipas at narating ko na ang aking pupuntahan. Napangiti ako ng mapait ng masilayang muli ang ganda ng lugar na ito.
Nadagdagan ang mga ilaw na nakasabit sa mga puno na mas lalong nagpaliwanag sa lugar na ito. Halata ding bagong gupit ang mga halaman dito at may mga bagong sibol ng ibat-ibang uri ng bulaklak.
Napaupo ako sa ilalim ng isang malaking puno at ninamnam ang sariwang hangin habang nakapikit. Naramdaman ko ang sunod-sunod na pag-labas ng mainit na likido na nanggagaling sa mata ko at biglang nag-flashback sa 'kin ang unang beses na dinala ako ni dave sa lugar na ito.
BINABASA MO ANG
THAT COLD CAMPUS KING IS MY EX-BOYFRIEND | Season 1 | ✓ [COMPLETED]
FanfictionCold and Fearless. A perfect words to described Dave Trevohr Montello. Those attractive handsome face of him can make you fall inlove by just a simple stare. Those pair of blue eyes is like an ocean that can drown you in addiction and can give you c...