NAKAKAGAT sa ibabang labi ang dalagang si lein habang nakaiwas ng tingin sa nobyong parang ahas na nakalingkis sa kaniya.
Mahigpit ang yakap nito sa kaniyang baywang na tila ba ayaw na siya nitong pakawalan habang ang muka naman nito ay nasa kaniyang leeg. Gustong-gusto kasi nito ng amoy niya kaya nakasubsob ito sa mismong leeg niya.
"H-hey, may tanong ako." basag niya sa katahimikan sa pagbabaka-sakaling bumitaw saglit at lumayo bahagya ang nobyo pero nabigo siya.
"Hmm... what is it?" usal nito at hindi parin natitinag sa pagkakalingkis sa kaniya.
Nagdadalawang isip pa ang dalaga kung itatanong niya ba ang tanong na kanina niya pa gustong sambitin. Ayaw niyang saktan ito dahil mahalaga siya sa kaniya at mahal na mahal niya ang nobyo pero, wala siyang ibang pwedeng pag-pilian kung hindi gawin ang mga bagay na labag sa loob niya kahit pa alam niyang pareho lang silang masasaktan.
"W-what do you think about... breaking up?" nauutal na tanong niya habang pinipigilan ang kaba sa magiging reaksiyon ng nobyo niya na wala pang isang segundo ay nakalayo na sa kaniya at kunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniya.
"A-anong ibig mong sabihin?" gulong tanong nito habang kunot ang noong nakatingin sa kaniya na ikina-iwas naman niya ng tingin. "You're not planning on breaking up with me are you?" tanong pa nito nung hindi siya nakasagot at nanatili lang na nakaiwas ng tingin. Bakas din sa tono nito ang kaba na ikinakagat niya sa ibabang labi ng mariin. "H-hey! A-are you perhaps planning to end our relationship?" medyo nanginginig ang boses na tanong nito kasabay ng sapilitang pagkuha nito sa baba niya upang makita ang muka niya.
She look at him with a teary eyes and with an apologetic looks. She's starting it now and she needs to, there's no turning back.
"I-im sorry." iyon lang ang lumabas sa bibig niya habang pinipigilan ang pag bagsak ng mga luha sa kaniyang mata.
"N-nagbibiro ka ba, lein? Prank na naman ba 'to?" bakas sa muka nito ang pagka lito kung tatawa ba o maiiyak siya dahil sa mga nangyayari ngayon.
"H-hindi. I'm sorry, matagal ko ng gustong sabihin sa'yo pero ngayon lang ako nakakitang ng tamang t'sempo para gawin." nanginginig ang boses na saad ng dalaga habang pinapanood niya ang unti-unting pagkadurog ng binatang pinakamamahal niya ng sobra.
"D-did I do something to offend you? M-may nasabi ba 'kong mali o may nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Just let me know and i'll fix it. H-hindi na dapat umabot sa gani-
"N-no!" putol niya rito "You didn't do anything to offend me, dave." pagpapatuloy pa ng dalaga sa binata na ngayon ay nang-gigilid na rin ang luha "W-wala ka ring ginawang mali at mas lalong wala ka ring nasabing hindi ko nagustuhan—
"Then tell me why are you breaking up with me." putol naman ng binatang si dave kay lein na napayuko lang at nag-simula ng umiyak ng tahimik.
"I-I'm sorry..." hingi nito ng patawad na ikina-kunot ng noo ng binata
"Tell me, Lein. Anong rason ng pakikipag hiwalay mo saki-
Pagtatanong sana ng binata ngunit bago pa siya makatapos magsalita, pinutol na siya ng dalaga at sinabi ang mga katagang tuluyang dumurog sa puso niya.
"I... I suddenly fell out of love." napalaki ang mata ni dave dahil sa sinabi ng nobya.
Hindi siya nakagalaw sa kaniyang pwesto at tila ba binuhusan siya ng isang malamig na tubig habang nakatingin sa nakayukong dalaga.
Bakas ang sakit sa mga mata ng binata habang nakatikom ang sariling bibig nito. Hindi siya nakapag-salita dahil sa nasurpresa siya sa ipinag-tapat ng nobya at hindi niya alam kung anong sasabihin.
'S-she fell out of love?' hindi makapaniwalang tanong ng binata sa sarili
"Bigla nalang nawala yung spark. There's no butterflies in my tummy anymore. Pakiramdam ko hindi na 'ko masaya." mapait na wika ng dalaga na mas lalong nag-patahimik sa binata at tahimik lang siya na naka-upo roon habang nakikinig sa sinasabi ng dalagang kaharap.
Kung titingnan mo ng maigi at malapitan ang mata ng binata makikita ang purong sakit sa mga mata nito.
"I'm sorry, hindi ko sinasadya. Ayaw kong saktan ka pero iyon ang totoo."
Lies. Purong kasinungalingan lang ang mga sinasabi ng dalaga at may parte sa binata na gustong paniwalaan iyon pero may parte din sa kaniya na ayaw maniwala sa sinasabi nito.
Marahang pinunasan ng binata ang sariling luha bago kuhanin ng marahan ang dalawang kamay ng dalaga at diretsyo siyang tingnan sa mga mata.
Halatang gulat ito sa ginawa dahil naka-awang ng bahagya ang labi nito at bahagyang napalaki ang luhaang mata.
"Liligawan kita ulit hanggang sa bumalik ulit yung spark and butterflies. B-basta h'wag ka lang makipag-hiwalay sa 'kin lein, please." pag-mamamakaawa nito sa dalagang may gulat na ekspresiyon sa muka "Nagmamakaawa ako, ayusin natin 'to, huh? Aayusin na 'tin 'to. Walang mag-hihiwalay." nakangiting saad ng binata pero nawala rin 'yon ng umiling ang dalaga sabay bawi ng kamay nito na hawak-hawak niya.
"I-i think it's better for the both of us to take a break, dave. I'm also going abroad to pursue my dream career." napalaki ang mata ng binata sa sinabi nito.
Abroad? Pursue a career? Iiwan ba siya nito at aalis para lang sa career na matagal na niyang pinapangarap? Ipag-papalit ba siya nito sa pangarap niya?
"I-iiwan mo 'ko?" wala sa sariling tanong nito na ikina-iwas naman ng tingin ng dalaga bago ito tumayo at nag-lakad paalayo sa kaniya.
"Kaya naman kitang hintayin, eh." usal ng binata na nagpahinto sa dalaga sa pag-tangka nitong pag-alis ng hindi sinasagot ang tanong niya. "Payag na 'ko. Let's cool off for a while pero walang mag-bebrake. Aayusin natin 'yung relasyon na 'to. Hihintayin kita at handa akong ligawan ka uli-
"There's no guarantee that I'm coming back." putol niya sa binata na ikina-kagat naman ng labi nito. "I'm breaking up with you not just because i fell out of love. I also want freedom, dave. Bata pa tayo at hanggat maaari ayaw ko na muna ng commitment. I have my goals to achieve and I don't want romance to get in the way with my journey to achieve it." paliwanag ng dalaga na unti-unting pumapatay sa binata.
Ibubuka pa sana niya ang bibig ngunit naitikom niya ulit ito na parang nakain niya ang sariling dila at hindi na alam kung anong sasabihin.
"I-it's nice loving you, Dave Trevohr Montello."
That's the last words he heard when he last saw her. The day that still hunt him every night. Many questions that left unanswered and many what if's get left behind with him.
She left him broken yet he still love her and hate her at the same time. He can't understand the situation they were in at all. Parang kahapon lang ay masaya sila pero kinabukasan ay wala na. He knows that something's off. Hindi malinaw ang rason ng pakikipag-hiwalay ng babaeng pinakamamahal niya at alam niyang hindi totoo ang rason na ibinigay nito, well, that's how he think it is anyway. What he will do now without her by his side? Maibabalik ba ang mga nasirang alaala o mananatili nalang ang sakit hanggang sa makalimot siya?
_
Moonillegirl🌷
BINABASA MO ANG
THAT COLD CAMPUS KING IS MY EX-BOYFRIEND | Season 1 | ✓ [COMPLETED]
Fiksi PenggemarCold and Fearless. A perfect words to described Dave Trevohr Montello. Those attractive handsome face of him can make you fall inlove by just a simple stare. Those pair of blue eyes is like an ocean that can drown you in addiction and can give you c...