Season 1: Chapter 68

1.5K 26 0
                                    

Zain's Pov

PANAGINIP lamang ba 'yon o totoong nangyari? Kung gayon? Sino ang lalaki na' yon kagabi kung totoo man na nangyari 'yon at hindi lang panaginip?

Pero impossible namang may ibang makapasok sa kwarto namin eh nakalock ang pinto? Tsaka sino namang papasok sa kwarto namin at panonoorin akong matulog?oh baka naman namaligno ako kagabi?

Baka minumulto na ako?

Kyaaaah! Nakakatakot naman baka mamayang gabi magpakita ul-

"AY KABAYO!"

T*ng*na naman oh! Hindi ba uso sa kanila ang salitang privacy? Gulatin daw ba ako?

"Kingina naman, fate! Papatayin mo ba ako sa gulat, huh?" Inis na ani ko at sinamaan ng tingin ang ngayon ay tumatawa ng si fate at shane

"Pffft kasalanan ko bang kanina ka pa lutang diyan?" natatawang ani niya na ikinakunot ng noo ko

Kanina pa? Eh? Parang saglit nga lang yun eh.

"Ang lalim ng iniisip, ah? Care to share?" anas naman ni shane

Sasabihin ko ba sa kanila? Pero, baka kase pagtawanan lang nila ako eh at saka baka sabihin nilang nababaliw na ako.

Pero sige na nga! Wala namang mawawala hindi ba?

"Umupo muna kaya kayo, pwede?" nakataas ang isang kilay na anas ko.

Tumango-tango naman sila at nag indian sit sa katapat na kama na inuupuan ko.

"So, ano na?" inip na anas ni fate

Tch.

"Atat lang fate? Hindi makapag-antay?" pambabara ko sa kaniya pero inirapan lang ako nang gaga

Aba't? attitude ka girl? Dukitin ko mata neto eh, psh.

"Meron ba kayong naramdaman kakaiba kagabi?" kunot noong tanong ko sa seryosong tono

Sa totoo lang natatakot na ako para sa sarili ko pero hindi ko pinapahalata at idinadaan nalang sa biro dahil ayokong pag- alalahanin sila.

"Kagabi?" pag tatanong pa ni shane na ikina-irap ko

"Hindi kahapon, Shane. Tsk! sinabi na ngang kagabi uulitin pa?" sarkastikong sabi ko dahilan para batuhin nila ako nang unan.

"Pero, seryoso. Hindi ko alam kung panaginip lang ba o ano pero may lalaki dito kagabi, binabantayan niya 'ko dito" ako sabay turo sa bandang inupuan ng lalaki kagabi na hindi ko naman alam kung imahinasiyon ko lang oh, ano.

Nanlaki naman ang mga mata nila at napatakip pa sila sa kanilang mga bibig.

Ang oa, huh!

"OH MY GOD!" Nanlalaki ang matang tili ni fate habang si Shane ay nanatili lang natutop ang kamay sa sariling bibig at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

"Hindi kaya namamaligno kana, zain?" nanlalaki ang matang ani ulit ni fate kaya nabato ko siya ng unan.

Iniwasan pa ng gaga kaya ang ending nahulog siya sa kama.

"A-aray! nagbibiro lang naman ako,Eh" pekeng iyak nito habang iika-ikang bumalik sa pag-kakaupo sa kama.

"May maligno bang nag-eenglish?" sarkastikong anas ko

"Malay mo may lahi yung malign-aww"

Binato ko din ng unan si Shane sakto namang sumapol ito sa kaniyang muka.

THAT COLD CAMPUS KING IS MY EX-BOYFRIEND | Season 1 | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon