Season 1: Chapter 25

3.3K 58 1
                                    

Continuation of fate's Pov

"Papaanong naging ikaw si Lein? When your name is Zain, huh? " takang tanong ko at hindi makapaniwala.

Niloloko niya ba kami? kakasabi niya lang kanina na pinsan siya ni Lein tapos ngayon sinasabi niya sa amin na siya at si Lein ay iisa?

Kalokohan!

"Niloloko mo ba kami, Zain? Paanong magiging ikaw si, Lein? Sinabi mo sa amin na pinsan ka niya kanina 'di ba?" pag sang-ayon naman ni shane

"Sinabi ko lang kanina na pinsan ako ni lein dahil natatakot ako. But, trust me. I'm really her. Natakot lang akong sabihin ang totoo kanina dahil kay Dave." paliwanag nito na ikinatahimik namin ni shane "Nakita ko kung gaano na siya kalamig makitungo ngayon and I felt guilty for that." dagdag niya saka biglang humagulgol

Hindi ko alam ang irereact ko,hindi ako naniniwala na siya si Lein hanggat hindi siya nakakapag pakita ng katunayan na siya nga ang kaibigan namin.

"Paano kami maniniwala na nag sasabi ka nga ng, totoo?" kunot ang noong tanong ni shane gamit ang seryosong tono

Alam kong pati siya ay naguguluhan din sa mga pinagsasasabi ni zain at ganun din naman ako.

Tumayo si zain sa inuupuan niya at nag-pusod ng buhok. Tsaka siya tumalikod sa amin na nag-pa gulat naman sa aming dalawa ni shane.

Dahil sa nakaukit na tattoo sa batok niya ay natahimik kaming dalawa ni shnae at napa-iyak nalang.

"Remember this crown tattoo?" anas niya sabay harap sa 'min. "Magkakasama tayong nag patattoo noon, hindi ba? alam kong alam niyo kung bakit sa batok ako nagpatattoo. " dagdag pa nito ng makaharap na sa 'min. Hindi kami makagalaw ni shane sa kinatatayuan namin dahil para kaming natuod sa mga sinabi niya.

Kung ganun, nag sasabi nga siya ng totoo. Siya nga talaga si Lein. Pero paanong naging si zain si Lein gayong magkaiba ang hitsura nila?

Shane's Pov

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng ipakita ni zain ang Queen crown tattoo niya sa batok at ramdam kong ganun din si fate.
Isa lang ang alam kong meron noon dahil kasama kami at meroon din kaming ganoong tattoo sa batok.

"Remember this crown, tattoo?" anas niya sabay harap sa 'min. "Magkakasama tayong nag patattoo noon, hindi ba? alam kong alam niyo kung bakit sa batok ako nagpatattoo. " dagdag pa nito ng makaharap na sa 'min.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at ganun din si fate nagpa- tattoo kami sa batok dahil kay, Lein. Ang dahilan kung bakit sa batok namin naisip ay dahil magagalit sa kaniya si Deib pag nagkataong makita nito ang tattoo niya.

"Pero, paanong naging Lein Lim ang pangalan mo noon na ipinakilala sa amin kung ang totoo mong pangalan ay Zain Hillary Lim?" takang tanong ni fate kay zain na ikinatango ko

Nakaupo na kami ngayon sa bench at panay lang ang tanong namin sa kanya at lahat ng mga katanungan na matagal ng nasa utak namin ay unti-unti nang nasasagot.

"Madami pa akong secret na hindi ko muna pwedeng sabihin sa inyo, sa ngayon tungkol sa tunay kong pagkatao. Hindi sa wala akong tiwala sa inyo pero, mapapahamak ako kapag pinangunahan ko ang mga magulang ko." mahabang anas nito napabuntong hininga naman kami ni fate at saka tumango

"We understand you Lei— este zain, Pero bakit mo ba kami iniwan ng parang bula 3 years ago?" nanggigilid na luhang tanong ko

Napabuntong hininga naman siya bago ibuka ang bibig para magsalita.

"I have a heart disease that time. May taning na ang buhay ko noon. Kaya, naisip ko na hindi kayo masasaktan ng todo kapag-iniwan ko nalang kayo basta kesa makita niyo akong mag-hirap at unti-unting mamatay. " sunod-sunod na pumatak ang luha niya habang sinasambit ang mga salitang ang 'yan na ikinasinghap namin ni fate dahil sa sobrang gulat

THAT COLD CAMPUS KING IS MY EX-BOYFRIEND | Season 1 | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon