[ B O Y B E S T F R I E N D S ]
Still Zain's Pov
Kingina, hindi ko tuloy sila mabatukan dahil, nandito din 'yung mga fans nila. Tch. Patay kayo sa 'kin mamaya mga gungong kayo. Ngingisi-ngisi ako habang nag-iisip.
Nabalik lang ako sa ulirat dahil sa pagpitik ng kung sino. Masama kong tiningnan si lexxus na ngayon ay nakanguso nang naka kapit sa braso ko habang naglalakad kami papuntang deans office.
Kung nagtatanong kayo tungkol sa mga studyanteng humarang sa 'kin kanina, ayun, iniwan naming tulala. Sino ba na ang hindi matutulala, kung tatlong nag-gugwapuhang model ang bigla nalang sumulpot sa harapan mo hindi ba?
Napag-alaman ko din na, dito din sila mag-aaral att kung nag-tatanong kayo kung sino sila? Sila lang naman ang mga boy bestfriends ko sa Canada. Sila Lexxus, Drake at si Yuhence.
"Hillary naman, para mo na akong papatayin sa, tingin mo eh!" nakangusong anas ni lexxus
Nag-tanong pa talaga siya kung akit ganito ang tingin ko?
"Tch. Bakit ka kasi namimitik?" Inis na tanong ko at inirapan sya mga 160°
"Eh, kasi naman, Hillary. Nakatulala ka kanina pa at mukang ang lalalim ng iniisip mo, baka malunod ka niyan!" nakanguso paring usal nito
"Talaga, dre? Nakakalunod kapag may malalim kang iniisip? Buti hindi ka nalunod, Zain?" nagtatakang tanong ni drake
Sabay-sabay kaming napa-face palm tatlo nila Yuhence, hanggang ngayon slow parin ang loko.
"Alam mo, dre. Tangina mo!" natatawang anas ni yuhence
"Luh! Bobo ka, dre. Tao yung nanay ko, hindi tang! Kelan pa naging juice nanay ko?" singhal ni drake kay yuhence dahilan para matawa kami.
Juicemother, bakit kami biniyayaan ng slow na kaibigan? Gwapo sana kaso ang hina ng utak.
"Bakit kayo, tumatawa? May nakakatawa ba sa, sinabi ko?" nakangusong anas nito na animo'y nag tatampo.
Nagpa-ayos naman kami at nagpigil ng tawa, knowing drake, pag-nagtampo yan hindi niya kami papansinin, buong araw.
Nagpatuloy nalang kami sa pag lalakad hanggang sa makarating sa deans office.
Syempre, kumatok muna ako bago pumasok.
"Come in. "
Rinig kong sigaw ng isang pamilya na boses kaya napa-kunot ang noo ko. Don't tell me, siya yung dean dito?
"Ako nalang ang papasok. Hintayin niyo nalang ako, dito." nakangiting anas ko sa tatlo
Nagsitanguan naman sila at nginitian ako pabalik. Lalo tuloy silang gumwapo. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto
at tumambad sa 'kin ang nakangiting si mhoma yhana.
Shete! Sabi ko na nga ba, Eh.
"Oh, zain. Bakit, ngayon kalang? " takang tanong nito
BINABASA MO ANG
THAT COLD CAMPUS KING IS MY EX-BOYFRIEND | Season 1 | ✓ [COMPLETED]
FanficCold and Fearless. A perfect words to described Dave Trevohr Montello. Those attractive handsome face of him can make you fall inlove by just a simple stare. Those pair of blue eyes is like an ocean that can drown you in addiction and can give you c...