[P A S T L O V E R S]
Cindy's Pov
"So, anong balak mo, girl?" tanong sa 'kin ni alliah habang si kelly naman ay pinapatahan ako.
"H-hindi ko pa alam." humihikbing anas ko na ikinabuntong hininga nilang dalawa
Isang linggo na din akong hindi pumapasok at laging wala sa sarili simula nung malaman ko kung anong nangyari kay zain three years ago.
Alam kong lahat sila galit sa 'kin dahil epal ako lagi sa kanilang dalawa pero masisisi ba nila 'ko kung naging ganito ako dahil sa inggit sa kaniya?
Madaming nagmamahal sa kaniya samantalang sa' kin? wala. Sila mom? laging busy sa trabaho nila ni hindi na nga sila umuuwi nang bahay at hindi manlang ako kinakamusta. Tapos, yung kaisa-isang taong nagpadama sa 'kin nang pagmamahal, iniwanan pa' ko.
Yuhence? I know that I'm still love him galit lang ako sa kaniya dahil Iniwan niya ako gaya nang ginawa ni zain kay dave. Pero, may sapat na reason naman si zain at alam kong meron ding rason si Yuhence pero bakit ayaw niya akong kausapin?
Siguro galit siya dahil lagi kong inaaway si Zain? Siguro nga.
"I think, you should've to apologise to zain para gumaan kahit papaano ang loob mo." suhestiyon ni kelly
"I think she's right, cindy." pag sang-ayon naman ni alliah
"What if, she refuse and ignore me?" problemadong tanong ko sa kanilang dalawa
"Hindi natin malalaman kung hindi mo susubukan, girl." sabay na saad nilang dalawa na ikinatawa naming tatlo.
"Ma'am? May bisita po kayo sa labas."ani nang maid namin na ikinakunot nang noo ko
"Sino daw po siya ,manang?" kunot noong tanong ko
Wala naman akong inaasahang bisita ngayon, ah?
"Hindi po nagpakilala, eh. Pero ang sabi niya po kaibigan niyo daw po siya. " magalang na anas nito at naglakad na paalis
"May bisita ka pala?" - Alliah
"What's that? Another papabel?" - Kelly
Napabuntong hininga naman ako bago nagkibit balikat sa kanila at tumayo na para puntahan ang bisita ko 'daw' kuno.
Bago ko buksan ang pinto inayos ko muna ang muka ko dahil kagagaling ko lang sa pag-iyak, nakakahiya naman siguro kung haharap ako sa bisita nang hindi ayos ang itsura hindi ba?
Nang maayos na ang itsura ko ay binuksan ko na ang pinto pero gulat ang rumihistro sa 'king muka nang mapag-sino ang sinasabing bisita ko daw kuno.
"Yuhence." - Ako 0_____0
"Cindy." -Yuhence ^_____^
Hindi ko inaasahan na siya ang sinasabing bisita nang kasambahay namin. Pero, ano naman kayang ginagawa niya dito? Siguro, susumbatan niya 'ko dahil sa nagawa ko kay Zain?
"Kung iniisip mo na susumbatan kita dahil sa nangyaring sagutan niyo ni zain, nagkakamali ka. Nagpunta ako dito para kausapin ka." anas nya napakurap-kurap naman ako, eh? mind reader ata to eh
"Kung iniisip mo din na mind reader ako mali ka ulit. Halata lang kase sa ekspresyon nang muka mo ang iniisip mo. " natatawang wika nya
Eh? Bakit ang gwapo niya pag tumatawa?nawawalan siya nang mata. Pfft,
BINABASA MO ANG
THAT COLD CAMPUS KING IS MY EX-BOYFRIEND | Season 1 | ✓ [COMPLETED]
FanfictionCold and Fearless. A perfect words to described Dave Trevohr Montello. Those attractive handsome face of him can make you fall inlove by just a simple stare. Those pair of blue eyes is like an ocean that can drown you in addiction and can give you c...