Season 1: Chapter 27

3.3K 61 6
                                    

[ S A V I NG T H E N E R D ]


Continuation of chester's pov

PALIPAT-LIPAT lipat lang ang tingin namin sa kanilang dalawa habang nagtatalo sila kung ano nga ba ang nauna, itlog o manok.

Napa isip naman ako, ano nga bang nauna. Itlog o manok?

Ang alam ko kasi Itlog e pero kase paano naman makakaroon ng itlog kung walang manok? Eh, saan ba nang galing ang manok? Hindi ba sa itlog? Eh, sino ba ang nagingitlog? Hindi ba manok? aissshhh hindi bali na nga lang, ang mahalaga humihinga 'ko.

"Manok!"

"Itlog!"

"Sinab- ouch!"

"Sh*t, my ears. Hillary naman! "

"Mga gunggong! nakadrugs nanaman ba kayo?" napa-atras naman kami dahil sa sigaw ni zain habang pingit-pingot sa tainga ang dalawa.

Habang si Yuhence impit lang na tumatawa at pinapanood ang tatlo habang nasa gitna si zain at hawak ang parehong tainga nila.

Grabe may pagka-amasona din pala ang babaeng 'to.

' Look, nandito na sila.'

' Omg!'

' Look, kasama nila si Zain.'

' Rampahan ng mga diyos at diyosa.'

Ilan lang yan sa mga tilian ng mga studyante pagkatapak na pagkatapak palang namin sa pintuan ng Cafeteria.

Gusto kong matawa sa hitsura nila lexxus at drake dahil nakangusong sila at namumula ang mga tainga.

Nagsi-upo na kami sa upuan ng mga royalties, kasiya naman kaming lahat dahil malaki ang golden table na ito na pasadya pa ng lolo ni Trevohr.

"Sinong oorder?" tanong ko sa kanila

"Kami nalang ni Kurt!" pag-prisinta ni Yuhence

Hindi naman maipinta ang muka ni kurt sa sinabi ni Yuhence.

Ang pangit ng muka ng loko.

"Dre, naman. Nanahimik ako dito, oh. " atungal nito

"Move!" Malamig na anas ni Trevohr kaya naman tarantang tumayo si Kurt na ikinatawa namin

"Ito naman, hindi mabiro. Halika na nga fefe Yuhence kalerkey ang mga pepol ditey mahahagardo bersosa ang feslak ko!" ngingisi-ngising ani nito habang gamit ang pambaklang boses at isinabit pa ang kamay sa braso ni yuhence

Napatawa nalang kami sa kabaklaan mode niya at sa hindi maipintang muka ni Yuhence. Nakapoker face ito at anytime masasapak na si Kurt. Nagkwentuhan lang kami habang wala pa sila Yuhence.

Nag-taka naman ako bakit kaya natagalan ang dalawang 'yon? Eh, may VIP pass naman sila, ah. Oh, baka naman mga nagpabebe pa sa pila?

Nagkwentuhan lang kami ng nagkiwentuhan hanggang sa magtanong si Shane.

"So bakit lumipat din kayo sa Moon section?" biglang tanong nito at diretsyo ang tingin sa 'min ni Trevohr

Hinintay kong sumagot ang katabi ko pero, ang bobo ko na hinintay ko pa siyang sumagot. Eh, hindi nga pala palasalita 'to. Pssh.

"Para makalayo sa mga ahas- este kila Cindy. You know, we're avoiding flirts na, and para makipag close na din sa pinsan ni Lein." mapaklang paliwanag ko na ikinasamid nila

THAT COLD CAMPUS KING IS MY EX-BOYFRIEND | Season 1 | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon