*Five Month's Later*
Zain's Pov
Limang buwan na ang nakalilipas simula nang mangyari ang insidenteng iyon,Isang buwan nalang din ang bibilangin at malapit ko nang maipanganak ang magiging anak namin ni dave,
Pero hanggang ngayon... Hanggang ngayon hindi parin siya gumigising mula sa pag kaka-comatose sanhi nang insidenteng nang-yari sa amin five months ago.
At oo alam kona ang kalagayan nya hindi na nila naitago sa akin dahil nagpumilit ako at dahil alam na nila na buntis ako at dahil nadin maaring makasama ito sa batang dinadala ko.
Nakagraduate na din kaming lahat sa college at ang mga kaibigan ko ay busy na sa paghuhundle nang mga kompanya nang magulang nila habang wala pa silang stable na trabaho habang ako?
Nasa bahay lang at inaalgaaan ang sarili ko at ang magiging anak namin ni dave.
"Limang buwan ka nang tulog kailan mo ba balak gumising?" mapait na wika ko habang hawak-hawak ang kamay nya na nakalagay ngayon sa pisnge ko
"Alam mo ba? nagpachecked-up ako kanina at alam mo ba kung anong sabi nila?" pag-kukwento ko sa kanya
Alam kong naririnig niya ako dahil tulog lang naman ang katawan nya at ang diwa nya ay hindi. Hindi naman malabong marinig nya ako dahil posible iyon sa ibang kaso nang pag-kacoma.
Pero sana nga naririnig niya ako.
Sana nga....
"Sabi nila lalaki daw 'yung magiging anak natin gaya ng gusto nating dalawa." pagtutuloy ko sa kwento ko sa kaniya.
"Healthy daw siya at isang buwan nalang makikita na niya ang ganda nitong mundo." mapait na wika ko at hinalikan ang kamay nya habang nakatingin sa maamo nyang muka habang nakapikit.
*FLASHBACK*
"Gusto ko pagnagka anak tayo ako ang unang bubuhat sa kaniya." nakangiting ani ni dave habang hawak-hawak ang kamay ko.
Napahinto ako sa pag-lalakad at natatawang tiningnan siya.
"Oh? anong tinatawa-tawa mo diyan?" kunot ang noo pero natatawa ding ani niya.
"Anak agad? hindi ba pwedeng kasal muna?" natatawang ani ko
"Bakit pa uunahin ang kasal kung pwede namang baby agad, hindi ba?" nakangising saad niya habang nakatingin nang nakakaloko sa 'kin.
Napalaki ang mata ko sa sinabi niya kaya nahampas ko siya nang malakas sa braso
"Argg- tsh! Why did you hit me?" daing nito pero dinilaan ko lang sya
"Tsk, how did i forget that your such a perv? " namumulang ani ko
"Tch, why are you blushing? you like it too aren't you?" nang-iinis na anas nito habang tumaataas baba pa ang kilay
"Oo, Ay este- hindi!" ani ko tsaka napakagat labi nang palihim "So you don't like it?" pangungulit pa niya
"Aish, sinong nagsabing gusto ko no'n?siyempre oo gusto ko gustong-gusto!" inis na sabi ko.
Napahinto ako nang marinig ko ang malakas na tawa niya
"Got you!" nakapamewang na anas nya habang walang humpay sa pag-tawa
Aishhh... This man he really know how to tease me.
Humanda ka sa akin Dave Trevohr Montelo!!
BINABASA MO ANG
THAT COLD CAMPUS KING IS MY EX-BOYFRIEND | Season 1 | ✓ [COMPLETED]
FanfikceCold and Fearless. A perfect words to described Dave Trevohr Montello. Those attractive handsome face of him can make you fall inlove by just a simple stare. Those pair of blue eyes is like an ocean that can drown you in addiction and can give you c...