Season 1: Chapter 24

3.4K 56 0
                                    

[ C H I L D H O O D B E S T F R I E N D S ]

Continuation of zain's pov

NA gising ako ng ma-alalang makikipag-kita pa nga pala ako kila fate ngayon gabi sa Park. Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko at hinanap ang number nilang dalawa.

Nangmahanap ko ang number nila ay agad akong nagtipa sa aking telepono para ipa-alam na gusto ko silang makita.

To: shane and fate

Let's meet at the park. I'l wait you there in our meeting place, I miss you?

Yniguez villages mini Park.

Leng-leng.

Message sent.

Matapos kong makapag-padala ng mensahe sa kanila ay agad na akong tumayo sa aking kama at pumunta sa banyo para mag-halfbath.

Alas singko palang naman ng hapon kaya may oras pa ako para makapaligo. Makalipas ang limang minuto ay natapos na din akong maligo.

Lumabas na ako ng banyo at pumasok sa walk in closet ko para magbihis. Nagsuot lang ako ng Black jogger pants at tsaka pink V-neck shirt tsaka ako Nagsuot ng white fila shoes.

Nag-suklay lang ako ng buhok at naglagay ng polbo sa aking muka tsaka nagsoot ng face mask. Matapos makuntento sa sarili ko ay lumabas na ako sa kwarto at bumaba sa hagdan.

Katulad nga ng inaasahan ko wala pang tao sa sala kundi ang mga maids lang. Batid kong nasa trabaho pa sila mom pati na din sila kuya.

"Magandang gabi po, young lady. " bati ng mga maids na nadadaanan ko

"Magandang gabi din po, sa inyo!" nakangiting bati ko sa kanila kahit naka face mask ako

Nagderederetyo na ako palabas ng mansion pinagbuksan naman ako ng guard nang makita ako. Katulad ng iba binati din nila ako kaya, binati ko din sila pabalik

Naglakad lang ako papunta sa park, malapit lang naman kase ito sa bahay namin. Remember the time na napa-away ako sa isang park dahil niligtas ko ang kambal na sila jaizen at kaizen? dun ang punta ko ngayon.

Speaking of that, twin? Kamusta na kaya sila? Ginugulo pa kaya sila ng mga nambugbog sa ka kambal ni jaizen?

Pagkarating ko sa park ay umupo muna ako sa isang bench sa ilalim ng puno kung saan ko, nakilala sila shane at pinanood ang mga batang masayang naglalaro.

Hindi ko tuloy maiwasang maalala kung paano kami nagkakilala nila shane at fate.

Naglalakad ako noon sa Park habang hinahanap ang aso kong si Chimney.

I was 11 years old that time.

Habang hinahanap ko si chimney ay may nakita akong dalawang batang babae na binubully ng tatlong batang lalaki.Nung nakita kong umiiyak na silang dalawa ay tumakbo ako pa palapit sa kanila.

Dahil nakatalikod sa akin ang tatlong lalaki ng makalapit ako sa kanila ay kinalabit ko sila dahilan para mapaharap sila sa 'kin.

"Alam niyo bang masamang pinapaiyak ang mga, babae?" seryosong tanong ko sa tatlong batang lalaki habang ang dalawang batang babae ay tahimik lang na umiiyak

"Wala kaming paki sa 'yo, Umalis kana dito kung, ayaw mong masaktan!" singhal sa akin ng isa sa batang lalaki na nang bully sa dalawang batang babae

THAT COLD CAMPUS KING IS MY EX-BOYFRIEND | Season 1 | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon