[ U N D E R T H E R A I N ]
Zain's Pov
ISANG linggo, Isang linggo na simula nung nag pang-abot ang grupo ko at grupo ni Cindy. Kung nagtatanong kayo kung nasundan ba ang away nayun. Oo, nasundan 'yon dahil simula nung araw na 'yon. Palagi na nila kaming ginugulo, hindi na nga sana namin sila papansinin pero nakakasawa na din kasing mag-paapi sa kanila.
Nung huling beses na nagpang-abot kaming anim napuruhan ang grupo ni Cindy. Si Cindy na putok ang noo, si alliah na putok ang labi at si kelly na putok ang kilay.
And guess what? sila pa ang na suspend ng 1 week imbis na kami. Well, sila naman talaga dapat ang masuspend dahil saksi ang lahat ng estudyante na sila ang nagsisimula ng gulo hindi kame.
About naman sa nalalapit na kaarawan ko? Now, is August 12 2*** at sa august 17 na ang 21st birthday ko.
Kagaya ng inaasahan ko. Sa mismong kaarawan ko ako ipapakilala sa buong mundo biglang isang Yniguez.
At alam kong magiging trending ito dahil isa ako sa pinaka sikat na tao sa buong mundo. Invited ang top 10 richest, all over the world at mga business partners nila dad. May media and reporters din na dadalo.
Sa Z3 Hotel gaganapin ang revelation ko, ang alam ng lahat ay ipapakilala lang ako sa lahat biglang isang, Yniguez pero pag dating sa event double celebration ang magaganap dahil mismong araw na 'yon ng aking kaarawan.
Alam kong, maraming magtataka at magugulatin pag-nagkataon. Pero, saka ko nalang iisipin ang mga mangyayari. Masiyado akong nalulunod sa malalim na pag-iisip.
Ang iisipin ko muna ay kung paano ako makaka pagpaliwanag at makaka-amin kay Dave.
Kase sa totoo lang, nahihirapan na din ako sa sitwasyon namin, kilala niya ako biglang si Zain, at hindi bilang, si Lein. Nakakatawa lang isipin na ang alam pa nila ay pinsan ko si, Lein. Ano kayang magiging reaksyon nila pag-nalaman nila na ako at si Lein ay iisa?
"Hoy, Zain."
"Ay, butiki!" sigaw ko dahil sa gulat.
Hindi ko alam kung sino ba 'yung sumigaw na 'yon. Pero, baka gusto niya na akong mamatay sa nerbiyos.
Nag-iisip yung tao, eh.
"Bakit kaba nang gugulat, fate?" Inis na anas ko kay fate at Shane na ngayon ay tumatawa na
"Kanina ka pa namin tinatawag like, duh? 5:00 pm na kaya, tapos na din yung project natin at tayo nalang ang nandito!" natatawang ani ni fate
Teka ano daw? 5:00 pm na? Late na pala hindi ko manlang namalayan.
"Bakit ngayon nyo lang sinabi?" gulat na tanong ko
"Gaga! Anong bakit ngayon lang namin sinabi? Hello, kanina ka pa kaya nag iispace-out diyan!" mataray na anas naman ni shane
Aisshh.
Ganun naba ako kalutang at hindi ko namalayan ang oras? Nag-overtime kase kami sa school kasama ang mga ka-group namin para sa science project namin.
"Aishh. Tara na, nga!" aya ko sa kanila at nagpapadiyak pa habang nagkakamot ng batok.
Napatawa naman sila ng mahina dahil sa inasal ko. Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na kami ng room pero syempre, sinara muna namin yung room bago kami umalis.
Tinatahak na namin ngayon ang hallway palabas ng campus.
"Zain. " usal ni fate sa gitna ng pag-lalakad namin
"Hmm?" sagot ko
"Are you invited at the special announcement of the Yniguez family?" biglang tanong ni Fate habang naglalakad kami pababa sa 1st floor kung nasaan ang hallway
"Oo, nga? Balita ko, ipapakilala daw ng mga Yniguez ang bunsong anak nila na babae?" dagdag pa ni shane
Hindi na ako nagulat kung alam na nila 'yan. Sinabi na kase sa media na may anak na babae ang mga Yniguez pero hindi nila sinabi na ako yun.
"Really? They have a daughter?" kunyaring manghang sabi ko
Mahirap na, baka mahalata ako gusto ko lang makita ang reaksiyon nila pag nalaman nilang ako ang bunsong anak ng mga Yniguez kaya hindi ko pa sinasabi sakanila kung sino talaga ako.
"Well, ganyan din ang reaksyon namin nung nalaman naming may anak silang babae. " anas ni fate
"For sure maganda siya kase sobrang gwapo ng dalawang anak na lalaki ng mga yniguez." kinikilig na anas naman ni shane
Napatawa nalang ako dahil sa inakto nya at nagpatuloy nalang ulit sa paglalakad.
Nasa kalagitnaan na kami ng maalala ong may dala nga pala akong mga libro at ilalagay ko pala ito sa locker ko dahil mukang uulan pa yata.
"Ah guys," tawag ko sa kanila na ikinahinto ng mga ito sa pag-lalakad
"Bakit zain, may problema ba?" talang tanong ni fate
"Mauna nalang siguro kayo, ilalagay ko lang yung libro ko sa locker. " pag-papa alam ko sa kanila
Nag-katinginan silang dalawa at humarap ulit sa 'kin.
"Samahan ka na namin!" sabay na anas nila
"No, I can handle this. Baka hinahanap na kayo nila tita. Tsaka gabi na din, mauna na kayo. I'm okay here, take care." anas ko at niyakap sila at nakipag beso
Niyakap din nila ako pabalik at hinalikan nila ako pareho sa pisnge.
"Okay, take care too!" Huling anas nila bago maglakad papalayo
Tumalikod na din ako sa kanila at maglakad pabalik sa 2nd floor kung nasaan ang locker room. Tanging ilaw nalang ng mga poste ang nagsisilbing liwanag sa pasilyong tinatahak ko.
Malamig na din ang simoy ng hanging at madilim na din ang kalangitan sign na mamaya-maya lang ay bubuhos na ang malakas na ulan. Hindi rin nagtagal ay nakarating nadin ako sa locker room.
Agad ko nang inilagay ang libro ko at ibinalik sa lock ang locker ko saka nag-martsiya na ako papababa sa hallway pero ganun nalang ang gulat ko ng biglang kumulog at kumidlat kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan.
"SH*T!" Tili ko at napahawak pa sa dibdib dahil sa sobrang gulat
Napayakap nalang ako sa sarili ko ng umihip ang pagkalamig-lamig na hangin. Inahad ko ang kamay ko para madampian ng tubig.
Nandito na ako ngayon sa isang bench sa hallway ewan ko pero nasisiyahan akong maglaro sa ulan.
Kahit nilalamig ay sumulong ako sa buhos ng ulan at umikot-ikot na parang bata. Wala namang makakamita sa 'kin dito dahil mukang ako nalang ang studyante dito sa campus.
Tumingala ako at ninamnam ang laming ng tubig ulan na bumubuhos sa katawan ko.
Napangiti nalang ako dahil ngayon nalang ulit ako nakaligo sa ulan. Natatandaan ko pa na walong taong gulang ako nung huli akong nakaligo sa ulan.
Ilang sandali pa at lalong lumakas ang buhos ng ulan kahit nanginginig na sa lamig ay nagtatakbo at nagtatalon pa ako sa gitma ng ulan.
Para akong batang ngayon lang nakaligo sa ulan kung titingnan. Nakangiti akong nagpa ikot-ikot habang nakabukas ang dalawang kamay. Habang umiikot ako ay nawalan ako ng balanse at nadulas.
"Ahhhh."
malakas na tili ko ng madulas ako sa putik at napapikit nalang ako at hinintay na malalaglag ako sa basang lupa. Ilang sandali pa ay naramdaman kong may nakahawak sa aking beywang at amoy na amoy ko ang amoy menthol na hininga niya.
Dahan-dahan akong nag mulat ng mata at bumungad sa 'kin ang gwapo niyang muka.
Sh*t, Bakit ba pag dating sa kaniya ang dali kong bumigay? Siguro, dahil mahal na mahal ko siya?
"Done checking me?" malumanay na anas niya na nakapagpabalik sa ulirat ko
"Dave?" mahinang anas ko at hinawakan ang pisnge niya na ikinagulat niya
BINABASA MO ANG
THAT COLD CAMPUS KING IS MY EX-BOYFRIEND | Season 1 | ✓ [COMPLETED]
Fiksi PenggemarCold and Fearless. A perfect words to described Dave Trevohr Montello. Those attractive handsome face of him can make you fall inlove by just a simple stare. Those pair of blue eyes is like an ocean that can drown you in addiction and can give you c...