[A P O L O G Y]
Yuhence's Pov
Sobrang saya ko ngayon dahil mag-kaayos na ulit kami ni cindy at kahit na mag-ka ayus na kami liligawan ko ulit siya. Gusto ko kaseng malaman niya na kahit ano at sino pa siya tatanggapin ko siya kahit pa pangit ang nakaraan niya.
Nandito kami ngayon magkahawak kamay habang naglalakad sa hallway nang University. Madaming nagbubulungan sa amin may mga good comments ang ibang studyante at syempre hindi mawawala ang bad comments.
Pero sinabihan ko lang na huwag niyang pansinin good thing is, ginawa naman niya.
"Yuhence, kinakabahan ako. Huwag nalang kaya nating ituloy?" kinakabahan sabi nya at napahigpit ang hawak sa kamay ko.
Huminto ako at hinawakan ang mga balikat niya para iharap sa 'kin. Napangiti ako nang makita ko ang simple at maamo niyang muka. No make ups, tanging powder at lip tint lang ang gamit niya.
Meaning na bumalik na ang dating Cindy na minahal at nakilala ko dati.
"Huwag kang kabahan nandito lang ako. Wala namang masama kung susubukan natin hindi ba? Isa pa, hindi naman mahirap mag-tawad si zain, kilala ko siya at alam kong kilala mo din siya." ngiting sabi ko at saka ginulo ang buhok niya na ikinangiti naman nito
"Hysst. Sige na nga!" nagdadalawang isip na sabi niya.
Hinawakan ko na ulit ang mga kamay niya at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad papunta sa kung nasaan sila zain.
Ilang minito lang ay nakarating na kami sa pupuntahan namin kung nasaan ang barkada. Ma's lalo niyang hinigpitan ang kapit sa kamay ko at nararamdaman ko ding namamawis na ang mga kamay inya.
Kinakabahan nga siya.
"Hoy, ano ba? respeto naman sa mga single. Nilalanggam na kami, oh!" rinig kong ungot ni Drake dahil kay Zain at Dave na sweet na sweet habang nakayakap si dave sa bewang ni Zain.
Pero nginisihan lang siya nang dalawa.
"Ehem."
Tumikhim ako dahil mukang hindi naman nila napansin ang pag-dating ko. Nakuha ko naman ang atensyon nilang lahat ay hindi pala lahat dahil si Cold guy na ngayon ay sobrang harot na, hindi pa din ako pinansin at patuloy lang na niyapos si Zain.
Kala mo naman sawa?
“Oh, dre. Saan ka galing?” takang tanong kaagad sa akin ni Drake no'ng makita ako.
"Nambabae nanaman to for sure" akusa naman ni lexxus na ikinasama ng tingin ko sa kaniya.
Mapag-bintang talaga ang isnag 'to. E, soya nga itong babaero.
"Ang daya mo, hindi ka manlang nag-aaya!" nagtatampo at nakangusong muryot naman ni chester at kita ko kung paano sumama ang timpla ng muka no shane.
"Tch. Babaero!" inis na singhal ni Shane kay chester na ikina-ngiti naman nito na parang aso bago mag peace sign.
"Bakit ngayon kalang dre?" kunit noong tanong ni Kurt kaya nabaling ang atensyon ko sa kaniya.
"Bakit ba ang dami nyong tanong? Hayaan niyo nga muna kaseng magsalita." inis na sabi ni fate na ikina-hinga ko ng maluwag.
Thank you, fate. Isa ka talagang biyaya ng langit.
"Hey, Saan ka galing bakit ngayon ka lang?" tanong ni Zain
"Hmm, hindi na importante iyon, ang importante ay yung sasabihin nang kasama ko!" pag-iiba ko sa usapan.
Para kase silang showbiz. Napaka raming tanong. Sunog-sunod pa.
Nakakabanas.
"Luh! kasama, dre? Eh, wala ka namang kasama. ikaw lang mag-isa. " kunot noong anas ni Chester
BINABASA MO ANG
THAT COLD CAMPUS KING IS MY EX-BOYFRIEND | Season 1 | ✓ [COMPLETED]
FanficCold and Fearless. A perfect words to described Dave Trevohr Montello. Those attractive handsome face of him can make you fall inlove by just a simple stare. Those pair of blue eyes is like an ocean that can drown you in addiction and can give you c...