[ S L A P O F T H E T R U T H ]
Continuation of Fate's Pov
DALI-DALI namin siyang nilapitan ni Shane at saka inalalayang umupo sa upuang katabi namin. Buti nalang at wala pa ang Prof namin mukang malalate kaya ayos lang.
"What happen?" alalang tanong ni shane
" Ayoko na shane. Pagod na akong mag habol, mahirap habulin yung taong ayaw naman nang mag-paghabol. Mahirap mag- paliwanag sa taong ayaw namang makinig." humihikbing anas niya at saka nagpunas nang luha "Huwag kayong mag-alala, okay lang ako" nakangiting ani nya.
Gusto kong maiyak at gusto kong sugurin si Dave ngayon at bugbugin siya sa harap mismong taong pinaiyak niya.
"Magiging okay lang ako." mahinang anas niya sapat lang para marinig namin.
Pero may ilang butil nang luhang kumawala sa mga mata niya na mabilis niyang pinunasan.
"He doesn't deserve your tears, zain. " seryosong anas ko habang hinahagod ang likod niya para pakalmahin.
"Somosobra na siya." Inis na ani ni Shane at tsaka padarang na tumayo.
Akmang lalabas na siya at susugod kay Dave pero nahawakan ni Zain ang braso niya
"Stay and don't. Let me handle this."anas ni Zain kaya napatingin sa kaniya si Shane.
"Wha—
"Please?"
"Fine!" pagsuko ni Shane at padabog na umupo
Hindi ko siya masisisi kung ganiyan ang inaasta niya ngayon. Ganyan din naman ang nararamdaman ko pero pinipigil ko lang lumabas dahil ayokong dumagdag pa ako sa iisipin ni Zain. Saktong pagsuko ni Shane ay ang pag-pasok nang Prof namin at nagsimula na nang klase.
Habang nasakalagitnaan kami nang pag-kakaklase ay biglang tinawag ni Prof si Zain.
"Miss Yniguez?" pagtawag nito kay Zain pero hindi ito sumasagot
Napa tingin kami sa kaniya at tulala lang siyang nakatingin sa labas. Bali nasa tabi kase siya nang bintana at malayo siya sa amin nang tatlong metro.
"Miss Yniguez?" pagtawag ulit ni Prof pero, no response pa din si zain.
Lahat nang atensyon nang estudyante ay nasa kanya na.
"Miss Yniguez?"
Sa pangatlong pag-tawag ni Prof dun palang lumingon si zain.
"B-bakit po?" utal na tanong nito na ikinabuntong hininga ni Prof.
"I've been calling your name trice but you're out of your own, is there any problem?" kalmado pero kunot noong tanong ni prof
"N-nothing, sir. Just don't mind me. Madami lang po akong, iniisip." hinging patawad ni Zain
Tinanguan lang siya ni prof bago mag-patuloy sa klase. Nagsimula na ulit magturo si Prof pero this time nakikinig na si Zain pero tulala padin siya sa harapan.
Eh? Ano kayang nangyari kanina pag-alis niya?
"Class Dismissed." Anunsyo ni Prof bago umalis.
Nag-ayos naman na kami nang mga gamit at mukang natauhan na rin si zain dahil inaayos na niya ang mga gamit niya.
Halos sabayan lang kaming natapos sa pag-aayos nang gamit kaya sabay-sabay na kaming lumabas nang walang imikan.
BINABASA MO ANG
THAT COLD CAMPUS KING IS MY EX-BOYFRIEND | Season 1 | ✓ [COMPLETED]
FanfictionCold and Fearless. A perfect words to described Dave Trevohr Montello. Those attractive handsome face of him can make you fall inlove by just a simple stare. Those pair of blue eyes is like an ocean that can drown you in addiction and can give you c...