Still Her Pov
"Aminin mo nga, zain. Nung gabing sinabi mo na may lalaking pumasok sa kwarto natin nung nasa resort pa tayo si kendrick 'yon hindi ba?" seryosong tanong ni Yuhence
"Pati ba naman ikaw Yuhence?" nanghi- hinang ani ko habang tinitingnan silang lahat na pagtulungan ako "Akala ko iba kayo!" mapait na wika ko "Pinagkatiwalaan ko kayong lahat tapos gaganituhin niyo ako?" hindi makapaniwalang usal ko saka mapait na tumawa.
"Hindi kaba magpapaliwanag kung bakit mo nagawa sa amin 'yon zain? Bago ka magdrama d'yan magpaliwanag ka muna sa amin baka sa kaling mapatawad kapa namin. " sabi ni chester na ikina-iling naman ng ulo ko.
"Hindi ko na kailangan pang magpa- liwanag." halos pabulong na, na usla ko "Hindi naman kayo ang ipinunta ko rito. I came here to see dave. At isa pa, kahit anong paliwanag ko sirang-sira naman na ako, eh. Sana masaya na kayong lahat lalo na ikaw tita grace." nakangiting mapait na sabi ko sabay turo kay tita grace.
"Huwag kayong mag-alala." walang emosyong usal ko saka mabilis na pinunasan ang basang pisnge dahil sa luha bago sila matapang na harapain "Simula sa araw na 'to, pinuputol kona ang kaugnayan ko sa inyong lahat. Kalimutan niyo ng nakilala niyo ako at simula sa araw na 'to hindi ko na kayo guguluhin pa. You choose to believe her lies and abandoned me." malamig na sabi ko.
"Hinding-hindi ko kayo mapapatawad sa ginawa niyo sa' kin dadalin ko 'yon hanggang sa mamatay ako." mapait na wika ko "At ikaw dave!" turo ko kay dave habang yukom ang mga kamao.
"Huwag kang mag-alala aalagaan ko ang anak ko at sisiguraduhin kong hindi ka nya makikilala bilang ama niya." nakangiting sabi ko sabay punas sa luhang pumatak sa pisnge ko.
"Ang sakit isipin na nawalan ka nang ala-ala pero hindi mo manlang nagawang subukang alalahanin kung sino ako sa buhay mo. I guess this is the end." mapait aprin na wika ko at bahagya pang tumawa
"Kung alam ko lang na sa ganito hahantong ang lahat sana hindi na ako bunalik dito at nanatili nalang sa Canada." tawa ko habang pinipilit patigilin ang luhang tumutulo sa mga mata ko.
Humarap ako kay gladys kasabay ng mapait kong pag-ngiti sa kaniya. "Sana masaya kana." pag-sisimula ko "Alagaan mo sila, kahit hindi ako maalala niyan at kahit tinraydor ako ng mga taong pinagkatiwalaan ko naging parte parin sila ng buhay ko pero sa tingin ko ngayon hindi na. " anas ko bago tumakbo papalabas ng hospital room ni dave.
Huwag niyo 'kong sisihin kung hindi ko ipinaglaban yung taong mahal ko.Hindi ko kasalanan na sumuko ako. Hindi naman ako robot para hindi mapagod ipaglaban yung mga taong pinagkatiwalaan ko pero sa bandang dulo sila din pala yung dusurog sa akin sa makatuwid ako padin yung talo.
Pinagkatiwalaan ko silang lahat pero hindi ko inaasahang gaganituhin nila ako. Bakit nila nagawa sa akin to? Bakit nila ako siniraan at pinagtulungan sa harap ni dave?
At bakit nya ako pinagpalit sa mismong karibal kopa? Hindi manlang nila naisip na buntis ako?
Napahinto ako ng nasa kalye na ako malayo sa hospital. Impit akong napaiyak at napahawak sa nakaumbok kong tiyan.
"Huwag kang mag-alala anak. Bubuhayin kita ng ako lang sinisigurado kong hindi mo makikilala ang lahat ng nanakit kay momy at sisiguraduhin kong hindi ka nila masasaktan." Iyak na anas ko habang kinakausap ang baby ko sa loob nang tiyan ko.
Napangiti ako nang bigla itong sumipa siguro sign to na sang-ayon isya sa 'kin.
Madilim ang kalangitan habang nagliliwanag ang langit dahil sa matatalas na kidlat. Napakuyom ang kamao ko nang ma-alala ang mga taong pinagkatiwalaan ko pero tinraydor naman ako.
BINABASA MO ANG
THAT COLD CAMPUS KING IS MY EX-BOYFRIEND | Season 1 | ✓ [COMPLETED]
Hayran KurguCold and Fearless. A perfect words to described Dave Trevohr Montello. Those attractive handsome face of him can make you fall inlove by just a simple stare. Those pair of blue eyes is like an ocean that can drown you in addiction and can give you c...