Season 1: Chapter 89

1.2K 23 0
                                    

Yuhence's Pov

"Kelan kaya magigising si dave?" tanong ni Shane sabay sulyap sa wlaang malay paring si zemain

Nandito kami ngayon sa hospital at dinalaw sya dahil na din utos ni tita Zerinity ang momy ni zeain dahil may aasikasuhin daw muna sila kaya kami ang naatasang mag-bantay dito kay zain ngayon.

"We don't know either pero sana mauna siyang magising kay zain dahil sigurado ako na sisisihin ni zain ang sarili nya kung matagal macocoma si dave." malungkot na ani naman ni Fate

"Sa totoo lang naawa ako sa kalagayan nilang dalawa ngayon. Magulo na nga ang sitwasyon nila zain at dave tapos may Mr Kim at kendrick pa." buntong hiningang ani naman ni Cindy

"Think positive lang, guys. Parang hindi nyo naman kilala sila dave at zain." si chester sabay akbay kay Shane

"Chester is right. They're both smart and brave, they can pass through this problem and we know that." sangayon naman ni kurt kay chester

"Pero pano nga kapag naunang nagising si zain kaysa kay dave?" kunot noong tanong ni Shane

"Well, I guess we need to tell her a lie." kibit balikat na ani ko

We have no choice but to lie to her dahil masasaktan siya kapag sinabi namin na nacoma si dave.

"Sa tingin mo maniniwala siya sa atin?Kabisado tayo ni zain alam niya kung nagsisinungaling tayo o hindi." si fate sabay sapo sa noo niya

Sabagay, may punto siya don.Hyssst.. Bahala na.

"Hmmmm"

Napatigil kami sa pag-kukwentuhan nang marinig namin ang ungol ni zain at ang pag-galaw nang ulo nito.

"Gising na siya!" masayang ani ni Fate at saby-sabay silang mga babae tumakbo papalapit dito kaya sumunod nalang kaming nila chester at Kurt

"Hmmmm"

Ungol pa ulit nito bago dahan-dahang idinilat ang mata. Nilibot pa nya ang kanyang mata at tila napakunot pa ang kanyang noo na wari moy nahihiwagaan siya kung nasaan na siya ngayon.

"Zain? Thank god your already awake!" masayang bati ni fate sabay yakap dito

"Ahh! Kingina!" daing nito kasabay nang malutong na mura

"Aray masakit yun, ah!" daing din ni fate nang hampasin sya ni kurt sa braso

"Gaga! kita mong pilay yung tao yayakapin mo?" sarkastikong anas ni kurt pero sinamaan lang sya nang tingin ni fate tsaka hinampas din ito

"Aishh.. sadista ka talagang babae ka!" singhal ni kurt kay fate

Kaya bago pa sila mag-away inawat na sila ni chester at shane,sa aming magtotropa silang dalawa lang ang parang aso't pusa kahit mag-jowa

Biruin mo nagkakasakitan na sila pero wala paring nagpapatalo pero wag mo lang sasaktan o papaiyakin si fate dahil mabilis kang malalagot kay kurt.

"Huwag kayong mag-simula ng away sa harap ni zain hindi pa nga magaling yung tao tapos dadagdag pa kayo?" pangaral naman ni cindy kaya inakbayan ko sya kase proud ako sa sinabi nang girlfriend ko

"Kamusta kana zain? Ayos naba ang pakiramdam mo? Do you need something?Gutom ka na ba?" sunod-sunod na tanong ni shane sa nag-aalalang tono

Nagtaka kami nang sinulyapan lang siya ni zain at humawak sa tiyan nito.

"Y-yung baby ko? Okay lang ba siya? Hindi ba siya nawala sa 'kin?" utal na ani ni zain gamit ang mababang boses habamg nakahawak sa tiyan niya.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya?

"Sinong baby mo?" kunot noong tanong ko

"Eh sino paba edi si dave. Matic na 'yon bro. " sagot ni chester

"S-sandale... " mahinang usal ni zain at napatulala sa hangin habang nang-gigilid ang mga luha

Napatahimik kaming lahat at napakunot ang noo nang makitang paiyak na sya habang nakatulala sa hangin

"D-dave!" banggit nya sa pangalan ni dave kaya mas lalo pang napakunot ang noo namin

"Zain anong nangyayare? May masakit ba?tatawag n aba kami nang doktor?" alalang tanong ni Cindy pero parang hindi sya narinig ni zein

"S-si dave? Nasan siya? Nakaligtas ba siya sa aksidente? Ayos lang ba siya? Nandito rin ba siya?" tanong nya kaya napaiwas kami nang tingin sa kanya

"A-ano bakit hindi kayo makasagot? may nangyare ba?" tanong nya pa ulit kaya nagkatinginan kaming lahat

"Shhh... magpa-galing ka muna, please." pagpapatahan sa kanya ni shane

Hindi nya pwedeng malaman na nacoma si deib dahil malala ang pinsalang natamo nito kumpara kay zain.

"Bakit hindi niyo masabi sa 'kin? Nasaan na siya? Dalhin niyo ako sa kaniya, please! Gusto ko syang makita." iyak nito at nagsimula nang mag-wala habang walang tigil sa pag-iyak

"Zain, calm down please!" mahinahong anas ni ko habang pinipigilan namin sa pag-wawala si zain

Hindi maikakaila ang lakas nya dahil muntik-muntikan na kaming matumba ni kurt mula sa pagkakahawak sa kanya dahil sa ibinabato nyang lakas.

"How can i f*cking calm down if i didn't know if dave is alright, huh?" sigaw niya sabay palag sa pagkakahawak namin ni kurt.

"I think I should call the doctor." si schester sabay takbo palabas para tawagin ang doktor

"Calm down, please. Nasa maayos na kalagayan si dave!" paiyak na na ani ni fate

"Sinungaling!" sigaw ni zain sabay duro kay fate.

"Hindi kayo magkakatinginan kanina kung nasa maayos na kalagayan siya!" hagulgol nito sabay tanggal nang dextrose sa kamay nya dahilan para magdugo ang ibabaw nang kamay nya pero parang wala lang sa kanya iyon.

"Bitawan niyo ako pupuntahan ko siya!" palag niya matapos namin syang pigilan ni kurt dahil nag-tangka syang umalis

"Zain, calm down please makakasama sa'yo 'yan!" sigaw ni cindy

Habang ako heto ingat na ingat masanggi ang pilay ni zain pero mukang wala siyang nararamdamang sakit kahit na nasasanggi na ito.

Sa totoo lang nakaka-awa ang kalagayan niya ngayon pati na rin si dave pag nalaman nyang nacoma si dave alam kong sisisihin niya ang sarili niya at ayoko na ulot makitang umiiyak siya sa harap ko at wala akong magawa para patahanin siya.

Naging mabuting kaibigan siya sa akin at para ko na rin siyang kapatid simula pa noon nung nasa Canada pa kami.

Nasasaktan din ako kapag-umiiyak siya kaya hanggat maari hindi namin siya hinahayaang masaktan noon bilang boy bestfriend niya kahit hibla nang buhok nya hindi namin pinapahawakan sa lahat nang lalaki doon sa Canada.

Takot lang din nila kase marunong mamuntok si Zain at mas malakas pa ang suntok niya sa suntok ng isang lalaki.

THAT COLD CAMPUS KING IS MY EX-BOYFRIEND | Season 1 | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon