Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Yiren
Hindi ko na namalayan ang paglipas ng mga araw at ngayon ay narito ako sa labas ng aking palasyo at nakaup habang pinagmamasdan ko ang pagbagsak ng niyebe.
Ilang buwan na rin ako rito sa panahong ito at kung ngayon ay taglamig na rito at may niyebe na ay tiyak na Disyembre na sa kasalukuyang panahon at bagama't walang niyebe ay tiyak ko na masaya ang selebrasyon ng bawat isa dahil tuwing Disyembre ipinagdiriwang ang Pasko.
Ang Pasko ay palaging ipinagdiriwang ng mga tao sa kasalukuyang panahon kaya naman namimiss ko na ito dahil halata naman na sa panahon ngayon kung nasaan ako ay hindi uso sa kanila ang Pasko.
Habang pinagmamasdan ko ang niyebe ay dumating si Luyun at inabutan ako ng tsaa kaya naman tinanong ko na rin siya.
"Luyun, anong araw na ngayon?"tanong ko.
"Nasa huling buwan ng taon na tayo, niangniang at pitong araw na lamang ay matatapos na ang taon na ito"sagot niya kaya naman napalaki ang mga mata ko dahil kung pitong araw na lang bago matapos ang taon na ito.
Ibig sabihin ay December na ngayon sa panahon na ito at sinabi ni Luyun na pitong araw na lamang bago matapos ang buwan na ito.
Edi ika-dalawampu't apat na araw na ngayon ng buwan na ang ibig sabihin ay bisperas na ng Pasko at tiyak na kung nasa kasalukuyan lang ako ay magno-Noche Buena na kami mamaya ni Mama.
Nang pumasok sa aking isipan si Mama ay gusto kong umiyak dahil namimiss ko na ang Mama ko. Ilang buwan ko nang hindi naririnig ang boses niya. Ilang buwan ko na siyang hindi nakikita kaya naman miss na miss ko na siya.
Pasko na pala bukas at hindi ako sanay na hindi ipagdiwang ang Pasko kaya naman tumayo na ako sa aking kinauupuan at pumasok sa aking palasyo upang isagawa ang planong kapapasok lang din sa isip ko hahaha.
Syempre bilang wala namang Pasko rito ay gagawa nalang ako ng sarili kong Holiday bukas.
Ang balak ko ay magpapahanda ako ng isang piging bukas upang ipagdiwang ang Pasko at iimbitahan ko ang Kamahalan at ang Huangho pati na rin ang mga malalapit sa akin na Pinfei upang samahan ako na magdiwang.
Balak ko rin na tumulong bukas sa paghahanda dahil nais ko na gawin talagang holiday bukas kaya naman ayaw kong mapagod ang mga tagapagsilbi bukas dahil day-off nila kumbaga.
Kailangan din nila ng pahinga dahil buong taon ay pinagsilbihan nila kami rito sa kaharian.
Pagpasok ko sa loob ng palasyo ay agad kong nilapitan sina Luyun, Rin, at Rai upang abisuhan sila tungkol sa aking plano para bukas.
"Talaga, niangniang!?"napatayong wika ni Rai.
"Oo naman, nais kong magdiwang bukas dahil isa itong mahalagang araw para sa akin at nais ko rin na bigyan ng pahinga ang aking mga tagapagsilbi"wika ko.