48 | Hindi Pagkakaunawaan

242 15 2
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•Yiren

Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon habang nasa aking tabi si Yonghuang na ngayon ay kalmado na kaya naman naging hudyat ito para sa akin na magtanong tungkol sa tunay na naganap kanina.

"Yonghuang, maari mo bang ikwento sa akin ang naganap kanina? At kung bakit sinasabi ng ministrong iyon na sinaktan mo ang kanyang anak?"magkasunod na tanong ko kay Yonghuang.

Tumango naman siya sa akin kaya nginitian ko siya dahil gusto ko ring malaman ang rason kung bakit ganoon ang pakikitungo sa kanya ng ministrong iyon.

"Muqin, ang aking kamag-aral na iyon ay madalas akong inaalipusta sapagkat ako ay walang Ina. Sa lahat ng bagay ay gusto niyang malamangan ako kaya naman kanina ay bigla siyang lumapit sa akin at nagulat na lamang ako nang sadya niyang inupo ang kanyang sarili ng malakas at biglang dumating ang kanyang ama at sinigaw-sigawan ako."pagkkwento ni Yonghuang.

Hindi ko nagustuhan ang aking narinig sapagkat kahit na walang Ina si Yonghuang ay isa siyang Prinsipe at ang pinakamatandang anak ng Kamahalan kaya sino ang batang iyon upang husgahan at alipustahin siya.

"Yonghuang, bakit hindi ka lumaban sa batang iyon kung ganoon?"tanong kong muli.

"Sapagkat isa akong Prinsipe, Muqin at hindi maganda kung papatol ako sa mga ganoong bagay. Alam ko na kailangan kong pangalagaan ang imahe ng ating pamilya kaya nagtitiis na lamang ako."pagsagot niya sa akin.

Naawa ako sa aking anak sapagkat hindi niya magawang maipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga taong sinasaktan na siya sapagkat inaalala niya ang kanyang pamilya.

Napagtanto ko lang na kahit na miyembro ka pa ng Imperial Family ay hindi mo maaring magawa ang mga nais mo dahil may imahe kang pinapangalagaan.

Lumapit ako kay Yonghuang at niyakap ko na lamang ang aking anak habang hinahaplos ang kanyang buhok.

Sisiguraduhin ko na hindi na mauulit ito dahil hindi ito deserve ng bata na dapat ay lumaking masaya at malaya sa mga taong mapansamantala.

Alam kong kaya malakas ang loob ng batang iyon ay dahil alam niyang hindi siya papatulan ni Yonghuang dahil nga pinagtitimpian lamang siya ng aking anak.

Hindi ko sa bata isisisi ang bagay na ito kung hindi sa kanyang magulang na base pa lamang sa nangyaring komprontasyon namin kanina ay mahahalata mo nang pinagmanahan ng bata.

Bumitiw na ako sa yakap ko kay Yonghuang at niyaya ko siya sa kanyang silid upang siya ay makapagpahinga na.

Ipinahanda ko ang kanyang kasuotang pantulog at panghilamos upang maging presko at mahimbing ang kanyang pagtulog.

"Niangniang, handa na po ang mga gagamitin ng Prinsipe"wika ng kanyang Momo sa akin kaya naman pinaalalayan ko na sa kanya si Yonghuang upang malinisan na ito at makapagpahinga na rin.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon