10 | Nabubuong Pagtingin

648 22 5
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


•Yiren

Hindi ko alam kung bakit nakangiti ako nang magising ako kinabukasan.

Habang nakangiti akong nakatulala sa bintana ng aking silid ay bigla na lang pumasok ako sa isip ko ang mga nangyari kahapon sa aking paglilibot-libot dito sa Kapitolyo.

Una ay nakarating ako sa isang napakagandang talon siguradong dapat kong balikan dahil napakasarap magpunta doon lalo na at napakalamig ng tubig doon na napakasarap sa pakiramdam.

Pangalawa ay napuntahan ko ang paboritong lugar ni Yiren dito sa Kapitolyo kung saan kitang-kita ko ang tanawin ng buong kaharian na isang napakagandang lugar na kahit siguro pagmasdan ko buong araw ay ayos lamang dahil napakaganda naman ng aking tanawin.

Ikatlo ay ang pamilihan ng Kapitolyo kung saan ay medyo naligaw ako dahil sa kagagahan ko. Buti nalang ay nakabungguan ko si Zichu kung hindi ay baka maligaw ako pauwi dahil hindi naman ako pamilyar sa mga dinaanan namin ni Rin. Nako! Kailangan ko nga palang kamustahin si Rin, nasaktan siya kagabi dahil sa akin.

Nang maalala ko ang nangyari kay Rin kahapon ay agad akong nagmadali na lumabas ng aking silid at bumaba para matignan ko kung kamusta na si Rin.

Wala namang masyadong tao pagbaba ko. Mga tagapagsilbi lamang namin ang nandoon kaya naman hinanap ko sila Yuri dahil hindi ko din sila nakita.

Agad ko naman silang nakita sa hardin na naghahabi doon kaya nilapitan ko silang dalawa ni Rai.

"Magandang Umaga Yiren"
"Magandang Umaga po Ginoo"sabay pa na wika ng dalawa na sinuklian ko naman ng ngiti.

"Rai, kamusta na si Rin?"tanong ko sa kanya.

"Maayos na po sya Ginoo, nandoon lang po siya sa aming silid."sagot niya.

"Ganoon ba, sige pupuntahan ko muna siya ha"paalam ko sa dalawa at ako ay naglakad na papunta sa silid ng dalawa.

Doon ay naabutan ko si Rin na nakaupo sa lamesa habang nag-aayos na ng buhok niya at nakasuot na siya ng madalas niyang kasuotan kapag kasama niya ako.

Nilapitan ko naman agad siya at tinulungan sa pagsusuklay ng buhok niya na kinagulat niya.

"Akala ko kung sino na ang katabi ko Yiren!"gulat na ani niya.

"E kasi naman seryoso ka sa pag-aayos ko kaya di na kita tinawag"natatawang sagot ko sakanya.

"Ako na dito Yiren"sabi niya at inagaw ang suklay na kinuha ko naman ulit sakanya.

"Dahil sa akin kaya ka naparusahan kagabi Rin, hayaan mong bumawi naman ako sayo"at tinapos kona ang pag-aayos ko ng buhok niya at ako na ang naglagay ng palamuti niya sa buhok.

"Salamat Yiren"nakangiti niyang turan sa akin matapos kong ayusin ang buhok niya.

Gumanti lang ako ng ngiti sa kanya.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon