Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Yiren
Nais nang magpahinga ni Yuri kaya naman nilisan na namin ang kanyang silid upang makapagpahinga na ang aking kapatid dito sa panahong ito.
Nagtungo na ako sa aking silid para magpahinga dahil ramdam ko ang labis a pagod hindi lamang sa pisikal na estado kundi pati na din emosyonal dahil kanina pa yata ako iyak ng iyak e.
Hindi ko nga maintindihan dahil kanina lamang ay ipinagdiriwang namin ang kaarawan namin ni Yuri. Ngayon naman ay nandito na kami sa sitwasyon kung saan nalaman namin na malala na ang karamdaman ng aking kapatid.
Kanina din ay nasaksihan ko ang taong inakala ko na palagi akong pasasayahin na ikasal sa iba. Hindi kona maitindihan kung para saan ba ang iiiyak ko dahil napakaraming dahilan ngayon para umiyak ako.
Ngayon na mag-isa lang ako sa aking kwarto ay malaya na akong ibuhos ang sakit na kanina ko pa dinadamdam. Pero pinili ko na magpahinga na muna dahil hindi ko na alam kung ano pang mga pagsubok ang aking haharapin kinabukasan.
Oo nasasaktan ako pero sa tingin ko ay kailangan ko nang magsimula na kalimutan ang mga alaala namin ni Zichu dahil sa tuwing naalala ko ang mga panahon na kasama mo siya ay pilit na pumapasok sa aking isip ang tagpo kung saan siya ay ikinasal sa iba.
Kaya kailangan ko na talaga sigurong makalimot muna ngayon lalo pa't malala na ang lagay ng aking kapatid. Nais kong iparamdam kay Yuri na nandito ako sa tabi niya at hindi siya nag-iisa para magkaroon ng dahilan ang aking kapatid para lumaban.
Kahit alam kong hindi na siya tatagal ay talaga namang napamahal na ako sa kanya lalo pa't siya ang isa sa mga tao na binigyan ako ng importansya dito sa panahong ito.
Ipinikit kona ang aking mata at hiniling kona lang na sana bukas ay maiba ang ihip ng hangin at sana ay magbago ang takbo ng tadhana dahil hindi ko nais ang makaranas ng ganitong mga bagay.
Nagpatangay na ako sa aking pagod at tuluyan na akong kinain ng dilim.
K I N A B U K A S A N
"Yiren, gumising kanaaaa!!!"sigaw ng kung sino na siyang dahilan para magmulat ako ng aking mga mata.
Nakita ko sa aking tabi si Rin na umiiyak sa tabi ng aking kama.
"Anong nangyayari Rin?"tanong ko
"Yiren..."wika niya
"Anong nangyayari!?"napataas na ang boses ko dahil kinakabahan na ako.
"Ang iyong kapatid ay pumanaw na"wika ni Rin.
"Ang iyong kapatid ay pumanaw na"
"Ang iyong kapatid ay pumanaw na"
Ano? Ang kapatid ko?
Hindi ako nakapagsalita dahil sa samu't- saring mga emosyon na nararamdaman ko ngayon.