52 | Ang Pusong Nalinawan

239 18 2
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•Yiren

Narating na namin ang aking palasyo kaya naman dire-diretso akong pumasok sa aking palasyo upang magpahinga na dahil nawala ako sa mood.

Nagtungo ako sa harap ng aking salamin at sinimulan ko nang tanggalin ang aking mga palamuti at mga alahas na aking suot kanina lamang.

Nang abutan ako ni Rin at Rai ay agad silang lumapit sa akin at tinulungan nila ako sa paghubad ng aking kasuotan dahil nais ko nang magpahinga.

Buong akala ko ay magiging masaya lamang ang takbo ng araw ko ngunit nagkamali pala ako sapagkat bibiglain ako ng isang anunsyo na hindi ko nakitang paparating.

"Rin, Rai samahan niyo naman ako sa paliguan ngayon, nais ko lamang ng makakausap"wika ko sa dalawa.

Nagtinginan naman sila bago sabay na yumuko.

Pinaalis ko na sila upang makapaghanda sila ng kanilang mga susuotin ngayon dahil kagaya nga ng aking tinuran ay sasamahan nila ako sa pagligo.

Kasalukuyan nang nakalugay ang aking buhok at ngayon ay nakatitig ako sa aking repleksyon sa salamin. Patuloy kong sinusuklay ang aking buhok habang tinitignan ko lang ang aking magandang mukha. HAHAHAHAHAHAHAHA EMSZ!

Ilang saglit pa ang lumipas at muling pumasok ang dalawa at inalalayan na nila ako papunta sa silid paliguan.

Pagkarating namin sa paliguan ay nakahanda na ang lahat kaya naman pinaalis ko na ang ibang tagapagsilbi at ako ay nauna nang lumusong sa tubig.

Dama ko ang lamig nito na bumalot sa aking balat at imbis na manginig ay dinama ko pa ito dahil ang sarap nito sa pakiramdam. Napansin ko naman na nakatayo lang ang dalawa sa tapat ko kaya nagsalita ako.

"Oh, bakit hindi niyo pa ako samahan dito?"tanong ko.

"Niangniang, hindi kami maaring makisabay sa inyo sapagkat mga tagapagsilbi lamang kami"pagsagot ni Rin.

"Rin, kapag sinabi kong sabayan niyo ako ay sabay niyo ako"wika ko naman kaya wala silang nagawa kung hindi ang tumango at dahan-dahang lumusong na rin sa tubig.

Tumabi sila sa akin at ngayon ay magsisimula na akong magsalita tungkol sa mga naiisip ko simula pa nang magbalik kami rito sa aking palasyo.

"Rin, Rai sagutin niyo nga ang mga tanong na bumabagabag sa akin kanina pa"panimula ko.

"Ano ba ang mga iyon, niangniang"wika ni Rai.

"Simula noong ianunsyo ni Chun Fei ang kanyang pagbubuntis ay tila ba hindi ako natuwa sapagkat alam niyo naman na ako ay walang kakayahan na magdalang-tao."panimula ko.

"Naisip ko lang na sa lahat ng mga miyembro ng harem ay ako lamang ang walang kakayahan na magdalang-tao at hindi ko maiwasang mainggit sapagkat lahat sila ay kayang bigyan ng anak ang Kamahalan samantalang ako ay hindi"papahinang wika ko na.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon