9 | Isang Gabi sa Pamilihan

745 25 2
                                    

•Yiren/Jasper

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•Yiren/Jasper

Kinabukasan ay sinunod nga ni Rin ang utos ko sakanya kagabi at maaga nga niya akong ginising ngayong araw.

"Yiren, nakahanda na ang paliguan mo"wika niya sa akin habang dahan-dahan niya akong inuuga.

"Salamat, susunod na ako"sagot ko at tumayo na ako at nagbanat muna ng mga buto.

Matapod iyon ay bumaba na nga ako at naabutan ko sina Yuri at Rai na nag-aayos ng mga tela.

"Oh para saan yang mga tela?"

"Mamaya kasi ay tutungo ako sa ating mananahi para magpasadya ng mga kasuotan natin."sagot ni Yuri.

"Ganoon ba, mag-iingat ka doon"wika ko nalang at nagpatuloy nako papunta sa paliguan.

Naabutan ko sa pintuan na naghihintay si Rin kaya naman nagpahanda nako ng tuwalya sakanya dahil baka katulad kahapon ay makalimutan ko nanaman ito at magsisigaw nanaman ako dito.

Sinunod niya naman ang utos ko kaya pumasok na ako at ginawa ang mga palagi kong ginagawa sa paliguan at natuwa lang ako ng makita kona ang paliguan na kulay lila naman ang mga bulaklak ngayon.

Nakakatuwa lang dahil pula ang madalas na bulaklak doon at ngayon ay napalitan ito.

Ginawa ko na ang routine ko sa pagligo at nang matapos na ako ay nagpatulong na ako kay Rin na maghanda sa aking silid para maya-maya lamang ay makagayak na kami paalis.

Nang matapos akong magbihis ay nagsuklay na ako ng buhok ko at hindi na din ako nagpatulong sa paglalagay ng pulbo ko dahil kaya ko naman ito.

Inutusan ko nalang si Rin na mag-ayos na din ng sarili at magdala ng tuwalya para kung pawisan man kami mamaya ay may magagamit kami.

Maya-maya lamang ay bumalik na si Rin sa silid at niyaya ako na bumaba na dahil handa na daw ang mga gagamitin namin para sa aming paglilibot.

Agad akong sumunod sa kanya pababa at hindi ko naman napansin sila Yuri at Rai kaya hindi na ako nakapagpaalam sa kanila na aalis na kami.

Ibinilin ko na lamang sa isang tagapagsilbi na sabihan sila na nakaalis na kami. Matapos iyon ay lumabas na kami at nang nasa tarangkahan na kami ay mas naeexcite nako dahil sa wakas ay makikita ko na din ang nasa likod ng tarangkahan ng tahanan na ito.

Nang magbukas na ang tarangkahan ay nagsimula na kaming maglakad ni Rin dahil una niya akong dadalhin sa isang talon na madalas ko daw puntahan kapag gusto kong maligo mag-isa at dahil siya ang aking malapit na tagapagsilbi ay naisama kona siya doon.

Kung nagtataka kayo kung bakit hindi kami nakakarwahe ni Rin ay dahil iyon sa inutos ko kay Rin na ayaw kong magkarwahe dahil sa tingin ko ay mas maeenjoy ko ang paglilibot na ito kung maglalakad lang kami.

Nagsimula na kaming maglakad ni Rin at habang nasa daan ay nakikita kona ang iba't-ibang mga puno dito sa paligid.

Napakaganda nilang pagmasdan dahil sa ilang mga dahon na dahan-dahang nalalaglag na nagpaganda ng nilalakaran namin dahil parang dati ay napapanood ko lang to sa mga k-drama tapos ngayon ay nakikita ko na siya sa personal. Ang kaibahan ngalang ay cherry blossom ang mga nalalaglag doon at dito naman ay mga dahon lang pero parang ganoon na din ang pakiramdam ko.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon