•Jasper
Nang magising ako ay 11:00 na pala kaya dumiretso nako sa CR para maghilamos at magsipilyo na din dahil kakagising kolang.
Matapos iyon ay bumaba nako at nagtaka kung bakit wala si Mama e maaga pa naman.
Pumunta ako sa kusina at nakita ang pagkain na natatakpan ng tray at isang note.
"Nak, maaga ako umalis kasi may importanteng kliyente kami ngayon kaya kailangan ako ng maaga doon ha. Hindi na kita ginising kasi parang pagod na pagod ka.
Ps: Wag mo kalimutan ilock ang pinto at bunutin lahat ng nakasaksak ha! Love you!"
Haynako si Mama talaga pero tama naman siya napagod talaga ako kahapon.
Makipagbugbugan ka ba naman tapos pumunta kapa sa nakakatakot na lugar na iyon sino ba naman ang hindi mapapagod ng todo dun.
Kinain kona ang niluto ni Mama at pagkatapos ay tumulala muna ako habang iniisip ang misteryosong balon na iyon.
Malinaw sa akin na doon nanggagaling ang malakas na pagtawag pero nung lumapit naman ako ay wala namang tunog na nanggagaling doon na nakakapagtaka.
Isa pa ang ngayon ko lang talaga nakita ang bahay na iyon sa tagal ko nang naglalakad papasok at pauwi galing sa school.
Natapos ang pagtulala ko nang marinig ko ang cellphone ko na nagriring kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag sa akin.
Agad kong nakita ang pangalan ni Lloyd kaya sinagot ko ito.
"Oh bakit ka napatawag?"
"Jas, pumasok ka ng maaga ngayon kasi pinapatawag tayo sa Disciplinary Office dahil sa nangyari kahapon"
"Jusmeee! Di pa ako naliligoooo! Sige na magmamadali nako tawagan mo na din yung tatlo. Bye"
Binaba kona ang tawag at umakyat na sa taas para maligo at mag-ayos na para makapasok ako ng maaga at may appointment pala ako ngayon hahaha.
12:15 na nang matapos akong maligo at magbihis kaya nag-ayos na ako ng sarili at hinablot kona yung bag ko sabay takbo pababa.
Chineck ko muna kung may nakasaksak pa at nang makita ko na wala naman na ay nilock kona ang pinto at umalis nako.
Ang init pala ngayon buti nalang may payong ako kaya di naman ako matutusta nito.
Pagkadating ko sa school ay dumiretso na ako sa Disciplinary Office at doon ay nakita kona ang apat na hinihintay ako.
"Oh ano na ganap?"tanong ko sa kanila
"Ayun nagreklamo daw yung mga bruha kaya pinatawag tayo dito"sagot ni Lloyd
"Hampasin ba naman ng tray sa mukha e sino hindi magrereklamo dahil dun hahaha"natatawang wika ni Emman
Nagtawanan kami at maya-maya ay pinapasok na kami dahil dumating na ang mga bruha na masasama ang tingin sa amin.
Pinaupo kami ni Ms.Dela Paz at nagsimula na siya sa mga tanong niya.
"Sa palagay ko ay alam niyo na kung bakit kayo nandito ngayon diba?" tanong niya na tinanguhan naman namin.
"Yes po, Ms. Annie Joy"sagot ni Mae
"It's Ms. Dela Paz okay?"nainis na tugon nito na ikinatawa namin.
"Hindi nako magpapaligoy-ligoy pa, sino ang nagsimula ng gulo?"
Tinuro namin sila habang sila naman ay tinuro din kami kaya nainis si Ms.Dela Paz.
"I'm hoping that you will be honest because I already know the true story here" sabi nito kaya walang nagawa ang mga bruha kundi magbaba ng kamay at manahimik.
"Okay very good, because of your actions yesterday you will be suspended for a week so that you can reflect about your inappropriate actions yesterday" wika nito at nakita ko ang panlulumo sa mukha ng mga bruha.
"As for you guys, all of you will do community service for 3 days and it starts today"wika nanaman niya na nagpalugmok sa akin dahil nakakaloka ang init ngayon tapos maglilinis pa kami.
"Sana hindi na maulit ito kundi ay ipapatawag kona ang mga parents niyo. That ends our discussion and sana hindi kona kayo makita dito sa office ko ulit ha. You can go now"at pina-alis niya na kami.
Dumiretso kami sa mga janitor para manghiram ng mga gamit at magsimula na maglinis.
Inuna na namin ang ground at doon palang ay suko na ako dahil tagaktak na ang pawis ko.
"Nakakaloka! Bakit ba kasi pinaglinis pa tayo!"reklamo ni Ron
"E may kasalanan din naman tayo sa nangyari kahapon saka buti nga hindi tayo nasuspend no mas nakakaloka yun"sagot ni Niel.
"True ka jan"segunda ni Lloyd.
Inabot na kami ng ilang oras at ngayon ay napagpasyahan namin na umupo muna sa mga bench dahil kakatapos lang namin magwalis sa ground at sobrang nakakapagod na talaga.
Maya-maya lang ay lumapit sa amin ang mga boyfriend ng apat at inabutan nila kami ng maiinom dahil sobrang uhaw na talaga kami.
Buti nga at binilhan din nila ako dahil lugi ako sa apat na yan dahil may mga boyfriend samantalang ako nag-iisa kaloka.
May mga nanliligaw din naman sa akin pero sadyang ayaw ko lang sa kanila dahil habang tumatagal ay hindi na sila makapaghintay sa sagot ko at sumusuko sila.
Dahil doon ay hindi muna ako tumatanggap ng manliligaw at ayoko munang mastress dahil sa kanila.
Matapos magpahinga sandali ay tumayo na kami at nagpatuloy sa paglilinis habang ang mga boyfriend naman nila ay nagsibalik na sa mga klase nila.
MAKALIPAS ANG DALAWANG ORAS
Napagpasiyahan na namin na tapusin na muna ang paglilinis para sa araw na ito dahil ubos na talaga ang mga energy namin kakalinis dito.
Nagpahinga nalang kami sandali at pinalipas ang oras.
Nang magbell na ay tumayo na kami at dumiretso sa gate at as usual hinihintay na sila ng mga jowa nila kaya nagpaalam na ako sa kanila ay nauna na maglakad.
Para akong zombie na naglalakad dahil sa pagod ko ay gusto kona sumalampak sa kalaada at matulog hahaha.
Habang nasa katinuan pa ako ay binilisan kona ang lakad ko para makauwi nako at makapagpahinga.
Habang naglalakad ay narinig ko nanaman ang boses na narinig ko din kahapon nang ako ay naglalakad na pauwi.
Kaya kahit ayaw kona sana na pumunta doon sa bahay na iyon dahil sigurado akong doon nanaman ako dadalhin ng tunog na ito ay pinilit ko nalang na lakasan ang loob ko at naglakad papunta doon sa abandonadong bahay na iyon.
Konting lakad lang ang ginawa ko at nasa tapat na ako ng bahay na iyon.
Naririnig ko na lumalakas na naman ang tunog ng nanghihingi ng tulong kaya binilisan kona ang pagpasok at doon nanaman ako dinala ng tunog sa hardin kung nasaan ang balon.
Dahan dahan ko ulit na nilapitan ang balon at sumilip doon nang maramdaman ko na may tumulak sa akin at doon ay naramdaman ko na lang na nalaglag na ako sa misteryosong balon na ito.
Sa takot ko ay nagsisigaw ako at humihingi ng tulong pero nag-eecho lamang ang boses ko at dahil sa mabilis na pagbagsak ko at lumubog ako sa tubig.
Pinilit kong lumangoy pataas pero may kung anong pwersa ang pumipigil sa akin na umahon at dahil nga pagod na ang katawan ko dahil sa paglilinis kanina ay hindi kona kinaya pang umahon at pinikit ko na lamang ang aking mata at hinayaan ang sarili na tuluyang kunin ng kawalan.
BINABASA MO ANG
The Palace's Secret
Historical FictionAnong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana? Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala? Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan? Samahan si Jasp...