47 | Ang Kapahamakang Tinamo ni Yonghuang

250 18 3
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•Yiren

Hindi ko na namalayan na tinangay na pala ako ng antok at nakatulog na ako.

"Kamahalan, Niangniang, narito na tayo sa kaharian"wika ni Schel sa labas na nagpagising sa akin.

Tinignan ko si Seiya at nakapikit pa rin ito kaya naman marahan kong tinapik ang kanyang pisngi hanggang sa kunin niya ang aking kamaya at saka dumilat.

"Kamahalan, narito na tayo sa kaharian"wika ko.

"Masaya kaba, Yiren?"tanong niya.

Ngumiti naman ako bago magsalita.

"Higit pa sa kasiyahan ang aking nadarama, Kamahalan"wika ko.

Ngumiti rin siya at saka niya iniutos na buksan ang tabing ng karwahe at saka naunang bumaba.

Sumunod naman ako at ngayon nga ay narito na kami sa bungad ng kaharian at malapit na ang pagtirik ng araw kaya naman humarap ako sa kanya.

"Kamahalan, malapit na ang pagtirik ng araw at magsisipaglabasan na ang mga tagapagsilbi kaya mauuna na ako sa aking palasyo"paalam ko.

Tumango naman siya bago magsalita.

"Magsama ka ng ilang tagapagsilbi at mag-ingat ka sa iyong daan, bibisita ako kapag ako ay may libreng oras"wika niya at saka siya lumapit sa akin at hinalikan ang noo ko.

Nakangiti akong nagpaalam at saka tumalikod upang magsimula nang tahakin ang daan patungo sa aking palasyo.

Wala pang mga tagapagsilbi o kahit mga Eunuch sa paligid kaya malaya pa akong nakakapaglakad at nang malapit na ako sa tarangkahan ng aking palasyo ay napagpasyahan ko na sa likurang bahagi ako pumasok.

Upang hindi ako mahalata ng mga kalapit kong palasyo at para na rin hindi na ako gumawa pa ng ingay. Kaya naman nagtungo kami nina Rin at Rai sa likurang tarangkahan at nang buksan ito ng dalawang Eunuch ay agad silang napangiti at lumuhod.

"Maligayang Pagbabalik, Niangniang"wika nila.

"Tumayo na kayo"wika ko.

Agad naman nila itong sinunod at tumayo ang dalawa. Nagpatuloy naman ako sa pagpasok at pinadiretso ko na kina Rin at Rai ang mga gamit sa aking silid. Habang ako namab ay dumiretso sa silid ni Yonghuang upang makita ang aking anak.

Nang marating ko ang kanyang silid ay wala siya roon marahil ay naliligo na siya dahil papasok pa siya sa paaralan ng kaharian ngayon. Nang makita ako ng dalawang tagapagsilbi ay masaya rin nila akong sinalubong at pinagsilbihan habang hinihintay namin na matapos si Yonghuang.

Ilang minuto lamang ang lumipas ay lumabas na siya sa paliguan nang nakabihis na at nakalugay ang kanyang buhok. Nag-iinat-inat pa ito nang bigla siyang mapalingon sa gawi ko at napangiti.

"Muqin! Nagbalik ka na"wika nito sabay takbo papunta sa akin.

Niyakap ko ito at saka ako nagsalita.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon