•YirenWalang nagsasalita sa aming dalawa dahil nadin siguro sa pagod kakalangoy. Dinaig kopa yata sirena kaya napagod ako at napasandal nalang ako ngayon sa balikat ni Zichu.
"Zichu, seryoso kaba sa sinabi mo kanina?"tanong ko.
"Alin doon?"sagot niya.
"Yung ano sinabi mo kanina habang nasa gitnang parte tayo ng talon"wika ko.
"Ah iyon bang nais pa kitang makilala ng lubos?"sabi niya.
"Oo kasi naman nagtataka talaga ako sayo dahil wala namang espesyal sakin no!"sagot ko sakanya bagamat sa loob ko ay gusto konang magtatalon dahil masyadong nakaka-babae ang ganap ko ngayon.
Saka ngayon kona lang ulit na experience ang ganitong pakiramdam kaya naman grabe ang kilig ng lola niyo hahahaha.
"Sa aking paningin ay espesyal ka Yiren. Kaya sana ay hayaan mo akong mas makilala kapa ng lubusan."wika ni Zichu at bumaling siya sa akin.
Umalis na ako sa pagkakasandal ko sa kanya at ngayon ay nakayuko ako dahil hindi ko kayang makipagtitigan sakanya baka manlambot ako at baka mahalikan ko yung mapulang labi niya no!
Ay kaloka! Ano bang pinagsasabi ko.
"E kung iyon ang gusto mo ay wala naman akong magagawa doon."sagot ko sakanya.
"Maraming salamat Yiren, hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon dahil hindi kana mailap sa akin."wika nito sabay angat ng mukha ko kaya nakita ko ang nakangiti niyang mukha.
Alam niyo namang kahinaan kona yata talaga ang mga ngiti ni Zichu.
Kung ice cream lang siguro ako tunaw na tunaw nako sa mga ngiti nito.
"Halata nga sa ngiti mo hahaha"wika ko sakanya sabay tawa.
Dinaan ko nalang sa tawa yung kilig na nararamdaman ko ngayon para hindi naman ako masyadong mahalata na hulog na hulog na sa kanya.
"E bakit ka tumatawa jan"nakanguso nitong sabi sa akin.
Ito ang unang beses ko na makita siyang ngumuso ng ganyan at masasabi kong ang cute niya kapag nakaganyan.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at napisil ko ang pisngi nya habang nakapout siya.
"Masakit! Masakit! Bitawan mo muna Yiren!"wika niya pero ngayon ay nakangiti na rin siya sa akin.
Agad ko naman siyang binitawan at nang bitawan kona siya ay nagulat na lamang ako nang yapusin niya ako.
"Ah Zichu anong ginagawa mo?"tanong ko sakanya.
"Nais ko lamang na muling madama ang katawan mo Yiren"sagot niya kaya naman hinayaan ko na lamang siya.
Dama ko ang init ng katawan ni Zichu kahit kakagaling lang namin sa tubig at hindi ko namalayan na niyakap ko na siya pabalik at ibinaon ko ang aking baba sa balikat niya para mas madama ko siya.
BINABASA MO ANG
The Palace's Secret
Ficção HistóricaAnong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana? Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala? Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan? Samahan si Jasp...