55 | Ang Nasaksihan ni Yiren

244 16 4
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•Yiren

Pabagsak akong umupo sa aking upuan dito sa aking tanggapan matapos ang naging mga kaganapan kanina sa Yangxindian.

Kumukulo ang dugo ko dahil sa nasaksihan ko at dahil na rin sa hindi ko inasahan ang mga lalabas na salita at dahilan mula kay Seiya na lalong nagpapakulo ng dugo ko.

"Niangniang, ikukuha ko muna kayo ng malamig na inumin upang makatulong sa pagpapakalma ng iyong sarili"wika ni Luyun sa gilid ko.

Tumango naman ako bago muling ibaling sa ibang direksyon ang aking paningin.

"Niangniang, alam naming hindi maganda ang timpla niyo kaya inihanda namin ang iyong plawta dahil baka naisin monh tumugtog"wika naman ni Rin.

Napalingon ako sa kaniya at inilahad ang aking kamay upang kunin sana ang plawta nang biglang ipatong ni Rai ang kanyang kamay sa ibabaw ng palad ko.

"Rai, anong ginagawa mo?"tanong ko.

"Ah, akala ko ay nais niyong ipatong namin ang aming kamay sainyong palad, niangniang"pahayag nito na ikinapikit at ikinabuntong hininga ko na lamang.

Mababaliw na yata talaga ako kung ganito nalang palagi ang makakasama ko. Hindi ko na rin kasi lubos maisip kung ano ba sinisinghot neto ni Rai at ang lakas ng tama niya.

"Akin na ang plawta, Rin nang mahampas ko itong si Rai"utos ko na pabiro.

Agad naman itong tumalima at iniabot sa akin ang plawta kaya napasigaw naman si Rai.

"Niangniang, huwag niyo akong hampasin, pakiusap"sigaw nito sabay layo sa akin na ikinatawa ko na lamang dahil masyadong paniwalain ang babaeng ito.

Nang mahawakan ko na ang aking plawta ay inisip ko muna ang mga naganap kanina bago ko tuluyang hipan ang plawta upang tumugtog na.

Ano nga bang nangyari kanina?

Pagpasok ko sa tanggapan ay wala roon ang Kamahalan kaya nagtungo ako sa kanyang personal na silid tanggapan dahil dalawa ang kanyang tanggapan dito.

Doon ay nakita ko ang walong mga babae na nakatalikod at may kanya-kanyang hawak na mga instrumento na kanilang tinutugtog.

Hinanap ng aking mata ang Kamahalan at nang mahanap ko siya ay hindi ko inaasahan ang aking nakita.

Patuloy sa pagtugtog ang mga kababaihan at nang dumako ang aking mata sa kanilang harapan ay hindi ko inaasahang makita si Seiya at ang isang babae.

Prenteng nakaupo si Seiya sa kanyang upuan habang ang babae naman ay nakakandong at nakalingkis sa kanya na tila ba isang tarsier.

Tumalikod ako hindi para umalis kung hindi para titigan si Schel at tila ba nakuha niya kaagad ang nais kong ipahiwatig dahil kaagad siyang nagsalita.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon