49 | Ang Inang Reyna

241 18 2
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•Yiren

Sa hindi ko mawaring dahilan ay bigla akong napadilat at nang tumingin ako sa paligid ay tahimik pa ang lahat at tila ba sakop pa rin ng dilim ang kalangitan.

Hindi ko alam kung bakit ako nagising ng ganitong oras. Inalis ko ang kumot na nakatakip sa aking katawan at ako ay bumangon na mula sa aking higaan.

Dahan-dahan akong tumayo at isinuot ang aking sapatos. May nagtutulak kasi sa akin na maglakad-lakad ngayong walang gising sa paligid.

Sa labas ng aking higaan ay nakita ko si Luyun na mahimbing na nakasandal sa lamesa at nagpapahinga. Hindi ko na siya inabala pang gisingin dahil kailangan niya ring magpahinga.

Dahan-dahan akong humakbang upang hindi makalikha ng tunog. Nilapitan ko ang aking damitan at isinuot ko ang nakahandang kasuotan ko para sa araw na ito.

Umupo ako sa harapan ng salamin at dahil hindi ko kayang ayusin ang aking buhok ng mag-isa ay inilugay ko na lamang ito at nilagyan ng mga palamuti sa itaas. Isinuot ko rin ang aking perlas na hikaw at ang aking pulseras na ginto.

Hindi naman sa maarte ako pero kailangan kong lumabas na presentable pa rin ang aking ayos sapagkat isa akong Chùza. Nang matapos akong mag-ayos ay tumayo na ako.

Naglakad ako palabas ng bulwagan at ngayon naman ay narito na ako sa bungad ng aking palasyo at kita kong sarado ang tarangkahan kaya naman nilapitan ko ito at dahan-dahang binuksan.

Nang mabuksan ko ito ay lumabas na ako at naglakad patungo sa kung saan man ako dalhin ng aking paa.

Naglakad lamang ako ng dire-diretso sa loob ng ilang minuto at namalayan ko na lamang na naglalakad na ako papunta sa Hardin ng Kaharian.

Narito na ako ngayon sa tapat nito at dahil madilim ay hindi ko rin ma-eenjoy ang mga bulaklak.

Nagpasya ako na muling maglakad at masasabi kong nakakatakot maglakad dito mag-isa. Para akong nasa loob ng isang maze. Parang maliligaw ako any time hahahaha.

Sa paglipas muli ng oras ay tumigil ang aking mga paa at nang tignan ko ang nasa harapan ko ay nasa Kagawaran ng Pagsasaliksik na pala ako.

Tinitigan ko lamang ito at maya-maya ay nagpasya akong pumasok dahil wala namang bantay dito. Matagal-tagal na rin yata simula noong huli akong nagpunta rito.

Tuluyan na akong pumasok sa Kagawaran at nagulat ako dahil mayroong silid na bukas pa ang ilaw. Ibig sabihin ay may tao pa rito kaya pinuntahan ko ito para malaman kung sino ito.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon