36 | Bagong Responsibilidad

351 24 0
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•Yiren

"K-kamahalan, l-lumisan ang Huangguifei ng maayos"nauutal na wika ko dahil pa rin sa pag-iyak.

Tumango siya at nilapitan ang Unang Prinsipe.

"Yonghuang, ang iyong Ina ay naglakbay na patungo sa lugar kung saan siya sasaya. Huwag kang mag-alala dahil nandito pa si Ama upang gabayan ka."wika niya sa kanyang anak habang yakap niya ito.

"Pagdating ng Huangho niangniang"anunsyo sa labas.

Nagmamadaling pumasok sa loob ng palasyo ang Huangho at pagpasok niya ay agad akong tumayo at nagbigay paggalang.

"Kamahalan"wika ng Huangho.

"Huangho, ikaw ang mamahala sa libing ng Huangguifei"utos ng Kamahalan.

"Masusunod, Kamahalan"sagot niya.

Magsasalita pa sana ang Huangho nang biglang magsipasok na rin ang ibang mga Feipin na nagsipagluhod agad.

"Kamahalan, lumisan na ang Huangguifei kaya marapat lamang na may maiwan na mag-aalaga sa Unang Prinsipe"wika ng Huangho.

"Tama ang iyong tinuran"wika ng Kamahalan.

"Kamahalan, handa akong alagaan ang Unang Prinsipe nang bukal sa aking kalooban"wika ng Guifei kaya agad akong napakontra dahil alam kong walang mangyayaring mabuti kay Yonghuang kung sa kamay niya siya mapupunta.

"Kamahalan, bago lumisan si Qi Fei niangniang ay sa akin niya inihabilin ang Unang Prinsipe kaya marapat lamang na sundin ko ang kanyang kahilingan"salungat ko.

"Ngunit Kamahalan, walang pruweba si Yi Pin sa kanyang tinuran.."pagsalungat rin ng Guifei.

"Huang Ama, narinig ko ang tinuran ni Ina bago siya lumisan"wika ng Prinsipe na kanina pa tahimik.

"Yonghuang, ano ang tinuran ng iyong Ina?"tanong ng Huangho.

"Huang niáng, tinuran ni Ina na kay Yi niangniang niya ako inihahabilin dahil sa piling ni Yi niangniang lamang ako magiging ligtas"wika ni Yonghuang.

"Sigurado ka ba Yonghuang?"tanong ng Huangho.

"Opo, Huang niáng"sagot ng Prinsipe.

"Kung ganoon, simula sa araw na ito ang Unang Prinsipe ay mapupunta na sa pangangalaga ni Yi Pin"anunsyo ng Kamahalan.

"Ngunit, Kamahalan..."sasabat pa sana ang Guifei.

"Tapos na ang diskusyon na ito, Huangho ikaw ang bahalang umayos ng burol ni Qi Fei, siguraduhin mo na magiging maayos ito at isang burol na nararapat sa isang Huangguifei."wika ng Kamahalan.

"Masusunod, Kamahalan"wika ng Huangho.

Wala nang sinabi pa ang Kamahalan at umalis na lamang siya kaya nagbigay galang kami.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon