21 | Pagdating

414 24 0
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•Yiren

Narito na kami ngayon sa mga manghahabi ng palasyo at kitang-kita ko ang mga magagandang mga gawa nila kaya naman napagdesisyunan ko na huwag nang magtagal pa doon.

Niyaya ko na sila na magbalik sa aming mga palasyo dahil hapon na din naman at kailangan na namin magpahinga lalo pa't bukas ay darating na ang Emperor mula sa kaniyang inspeksyon.

Bukas ko din gagawin ang aking pormal na pagsapi sa harem dahil ang Huangho ang pinuno ng harem kaya dapat akong magbigay pugay sa kanya bukas sa aming araw-araw na pagtitipon na aking dadaluhan sa unang pagkakataon.

Naghiwa-hiwalay na kami at ako ang huling nakabalik sa aking palasyo kaya naman ipinahanda kona ang hapunan at ang paliguan upang mamaya ay dire-diretso na ang aking mga gagawin at ako ay maagang magpapahinga.

Natapos na akong maghapunan at ngayon ay nandito na ako sa paliguan at binubuhusan na ako nina Rin at Rai ng gatas na siyang inihahalo sa tubig upang lalong maging malambot ang aking balat.

Ang mga bulaklak ay aking pinaglalaruan dahil natutuwa ako sa kanila kapag naliligo ako.

Ngayon ay tapos na ako sa pagligo at nakasuot na din ako ng aking pantulog. Sinusuklayan na ako ni Luyun dahil ang dalawa ay pinagpahinga ko na lalo pa't sila ang mga kasama ko kanina sa paglilibot namin.

Matapos akong suklayan ni Luyun ay pumunta na ako sa aking higaan at nahiga na. Pinikit kona ang aking mata at dalangin ko na sana ay maging maayos ang daloy ng araw ko dito sa kaharian.

K I N A B U K A S A N

Ginising na ako ni Luyun dahil handa na daw ang aking agahan at kailangan ko na din na mag-ayos dahil mamaya ay darating na ang mga Kamahalan sa kaharian.

Natapos na akong mag-agahan at maligo kaya naman ngayon ay inaayusan na nila ako at ipinalagay ko ang aking mga bagong palamuti sa buhok na babagay sa aking kasuotan ngayon.

Nagsuot na din ako ng pananggalang sa kuko ko na humahaba na dahil nga wala naman akong ginagawa dito sa aking palasyo dahil mayroon akong mga tagapagsilbi.

Nitong mga nakaraang araw ay hindi ako nagsusuot nito dahil normal na araw lang naman ang mga iyon pero simula ngayong araw ay kailangan ko nang magsuot nito para na din maprotektahan ang aking mga kuko.

Nitong mga nakaraang araw ay hindi ako nagsusuot nito dahil normal na araw lang naman ang mga iyon pero simula ngayong araw ay kailangan ko nang magsuot nito para na din maprotektahan ang aking mga kuko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon