Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Yiren
Pagkapasok namin sa aking bulwagan ay agad kong pinaghanda sina Luyun ng tsaa at ilang makakain para sa Kamahalan dahil biglaan naman ang pagbisitang ito.
Inalalayan ko din ang Kamahalan na umupo dahil isa ito sa aming mga tungkulin at ang pagpakaroon ng sakit ay hindi dapat na humadlang sa pagsisilbi sa Kamahalan.
Nang makaupo na ang Kamahalan ay saka lamang ako sumunod na umupo at magsalita.
"Kamahalan, ano po ang dahilan nang inyong pagparito sa aking Palasyo?"tanong ko.
"Kailangan ko ba ng dahilan upang magpunta sa iyong palasyo?"tanong ng Kamahalan kaya agad naman akong kinabahan dahil baka na-offend ko siya.
"Ah eh hindi naman po sa ganoon Kamahalan"sagot ko agad.
"Nakarating sa akin ang ulat na ikaw ay may karamdaman kung kaya't hindi mo ako nagawa ang iyong unang pagsisilbi sana sa akin kagabi"wika ng Kamahalan.
"Noong gabi ng insidente sa Yonghegong ay nanggaling ako sa Hardin Kamahalan at hindi ko namalayan na napakalamig na ng hangin dahil sa aking tuwa sa pagpitas ng mga bulaklak doon"sagot ko.
"Kung gayon ay napalala pa ito ng iyong pagtatagal sa labas ng Yonghegong kung saan pumapatak ang Niyebe"turan ng Kamahalan.
"Siyang tunay, Kamahalan kung kaya't muli akong humihingi ng paumanhin sa aking pagliban sa pagsisilbi sa inyo dahil sa takot na kayo ay aking mahawaan pa"wika ko.
"Kung gayon ay magpagaling ka mula sa iyong Karamdaman dahil sa sandaling ikaw ay gumaling na ay pagsisilbihan mo pa ako"sagot ng Kamahalan.
"Sinisigurado ko na aalagaan ko ang aking sarili ng mabuti Kamahalan upang ako ay agad na gumaling"sagot ko.
Matapos kong sabihin iyon ay tumayo ako mula sa aking kinauupuan at lumuhod ako dahil ito ang unang beses na makasama ko ang Kamahalan nang kaming dalawa lamang kaya dapat ay dito kona isagawa ang aking pormal na pagbati sa Kamahalan.
"Kamahalan, hayaan niyo ako na ipakita ang aking pormal na pagbati at pasasalamat sa inyo sa pagbibigay sa akin ng isang maayos na posisyon sa inyong harem"wika ko.
Agad akong nagkowtow at winika ang ngalan.
"Ako si Yiren, anak ni Punong Ministro Zhao ng Kagawaran ng Pagsasaliksik. Bumabati at nagpapasalamat sa Kamahalan"wika ko sabay kowtow ng tatlong beses.
Nakita kong tumayo mula sa kanyang upuan ang Kamahalan at nagulat ako nang ilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan na ang ibig sabihin ay tutulungan niya ako sa pagtayo.
"Halika at tumayo kana diyan, hindi ako nagkamali sa pagbibigay sa iyo ng iyong posisyon dahil kita ko ang iyong pagiging Elegante at ang iyong mga kilos ay talaga namang kilos ng isang edukadang binibini"wika ng Kamahalan kaya naman namula nanaman ang pisngi ng lola niyo.