13 | Isang Regalo

452 21 1
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


•Yiren

Pagpasok ko sa aking silid ay agad akong umupo sa aking kama dahil sobrang pagod na ang lola niyo!

Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na din si Rin sa silid at inilapag na niya ang planggana na may lamang tubig at may mga petals ng rose.

Anong pakulo to ni Rin!?

"Rin, bakit may mga rosas sa tubig?"tanong ko.

"Para mas lumambot pa ang mga kamay at paa mo"sagot niya.

"E bakit mo naman naisipan na lagyan yan?"tanong ko ulit.

"Nais ko lang na maging malambot pa din ang mga kamay at paa mo dahil alam kong pagod ka ngayon"sagot niya.

"Nako! Maraming salamat Rin."wika ko sabay ngiti.

"Wala iyon, basta bukas magkwento ka sakin ha."wika nito.

"Oo naman, huwag lang ngayon kasi nais ko nang magpahinga."wika ko dito sabay higa na sa aking kama.

Tumango naman ito at iniligpit na ang mga gamit na tuwalya at planggana.

Pagkalabas ni Rin sa silid ko ay pinikit ko na ang aking mga mata at kagaya ng dati ay nakita ko nanaman ang mga ngiti ni Zichu.

Ngunit ngayon ay hindi lamang ngiti niya ang nakita ko. Ang mga ginawa din namin kanina ay pumasok sa aking isip. Mula sa sabay naming pagtampisaw sa talon hanggang sa pag-amin namin sa isa't-isa at panood namin ng mga lantern.

Napangiti na lamang ako dahil doon at unti-unti na akong tinangay ng antok.

K I N A B U K A S A N

Tirik na ang araw nang magising ako kaya naman agad akong bumaba dahil paniguradong kumakain na sila.

Sa hagdan ay nakasalubong ko si Rin na may dalang planggana at tuwalya.

"Oh para saan yan?"

"Sayo sana, hindi kaba maghihilamos ngayon?"

Saka ko lang naalala na hindi pa nga pala ako nakakapaghilamos kaya naman binasa ko ang mukha ko at pagkatapos ay kinuha ko ang tuwalya ka Rin para tuyuin ang mukha ko.

Pagkatapos ko ay iniabot kona ito kay Rin at sinabayan kona siya sa pagbaba niya para makapa-agahan na ako.

Pagkatapos ko ay iniabot kona ito kay Rin at sinabayan kona siya sa pagbaba.

Nadatnan ko na nakaupo sina Ama, Ina at Yuri sa lamesa at mukhang ako nalang ang hinihintay bago magsimulang kumain.

Agad naman akong umupo sa aking pwesto at nagsimula na nga kaming kumain.

"Saan ka galing kahapon?"tanong ni Ama.

"Naglibot lamang po ako kahapon Ama upang maging pamilyar sa mga lugar dito."sagot ko.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon